Voice 34

8 0 0
                                    

The Man Who Doesn't Have A Permanent Face

Admiring her from afar is not enough for me. But how can I get her attention? She's too ravishing and flawless for someone like me that's boring and homely.

So I forced her.

"Halatang patay na patay ka pa rin talaga sa asawa mo hanggang ngayon." Nanunuyang binangga ni Jeric ang balikat ko at panay akyat baba pa ng kanyang kilay. Siraulo talaga 'to. Naiiling na ibinaba ko na lang ang cellphone ko at marahas na bumuntong-hininga.

Bakit ba hindi sya sumasagot sa mga message ko?

"Nag-aalala lang ako, g*go. Buntis pa naman sya." Nakangusong ipinatong ko ang aking ulo sa manibela at napatitig sa labas ng kotse. Nandito na ako. Muli akong napasandal sa upuan ng kotse at pinagmasdan ang clinic na nasa kanang bahagi namin.

"Pare, pang ilang beses ka ng nagpapaayos. Hindi ka pa rin ba kuntento?" But this is for her. This is all because of her. Hindi ko pinansin ang tanong ni Jeric at determinadong lumabas ng kotse. Wala na akong pakialam kung sasama pa ba si Jeric sa akin o hindi. Kung sasalungatin nya ang gusto ko, bahala sya sa buhay nya. Walang makakapigil sa aking kagustuhang mapasaya ang asawa ko.

"Good afternoon, Doc!" Bungad ko. Nang iangat ni Doc. Yeli ang tingin sa akin ay napanis ang ngiti nya at napalabi na lamang.

"Ikaw na naman?" Pabiro syang humalukipkip at dinuro ako, animo'y sawang sawa na sa mukha ko. Paano sya magsasawa kung paiba-iba ang itsura ko! Napakamot na lang ako sa ulo ko at ngumiti.

"Hatak lang naman, Doc." Inilapat ko ang aking dalawang hintuturo sa magkabilang gilid ng mata ko at binatak. Gusto nyang maging singkit ang mga mata ko.

"Chinito." I chuckled.

Nasanay na akong parating ginagawa ang lahat para mapasaya sya. At para na rin umangkop ang aking itsura sa kagandahan nya. Gusto ko na rin kasi syang makasama kahit saan at hindi yung tinatago nya pa rin ako hanggang ngayon.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang resulta." Nakangisi ako habang nakatingin sa salaming malapit sa counter. Marahang kong pinalandas ang aking kanang kamay sa kabuuan ng aking mukha at hinaplos.

"Hindi na kita makilala, Rovic." Mapait akong napangiti kay Jeric at tinapik na lang ang kanyang balikat.

"Let's go home. Paniguradong nasa bahay na si Heila." Marahas syang bumuntong-hininga at napailing nang marinig ang pangalan ng asawa ko. Hanggang ngayon talaga ay ayaw nya kay Heila. Wala namang kasalanan si Heila!

"Sige, pare, salamat sa pagsama." Nakangising sumaludo ako sa kanya at nakipag fist bump. Dalawang beses akong bumusina bago umalis. Habang nasa daan, hindi ko na mapigilan ang sariling mamadali. Alam kong matutuwa sya kapag nalaman nyang magiging chinito na ako.

Naiisip ko pa lang ay napapangiti na ako. Sana sa oras na 'to ay maging sapat na ako para sa kanya. Ngunit hindi ko akalaing mabilis na mapapalitan ng lungkot ang kaninang nakangiti kong mukha.

I saw my wife. I saw her standing there. K-Kakalabas nya lang sa isang clinic. Pero hindi para magpatingin. Itinigil ko ang sasakyan sa gilid at napababa ng tingin sa bandang puson nya. Where's her baby bump? Bakit hindi na halatang buntis sya?

"F-F*ck." Nanigas ako sa aking kinauupuan ng umaliwalas ang kanyang mukha at nakangiti ng ubod na laki ang aking asawa ngunit hindi dahil sa akin. Kailanman ay hindi ko nakita syang ganyan kasaya. Sa dami ko ng ginawa para sa kanya, hindi pa rin pala sapat. Sinundan ko ng tingin ang sasakyang kanyang sinakyan kasama ang isang lalaki na kay tangos ng ilong. Wala sa sariling napahawak ako sa aking ilong hindi gaanong katangos.

Imbes na sundan sila ng lalaki nya, napagpasyahan kong umuwi na lang. Intayin sya. Dahil alam kong sa akin pa rin sya uuwi. Lampas ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin sya umuuwi.

Andami ng pumapasok sa utak ko. Marahas kong tinanggal ang nakalagay na benda sa mukha ko at hinagis ito. Mataman kong pinagmasdan ang sarili kong andami ng pagbabago.

"Para sa'yo 'to lahat Heila. Pero bakit parang hindi pa rin sapat?" Pinagmasdan ko ang kapwa nakakuyom kong mga kamay sa ibabaw ng sink. "Hindi ka ba talaga sasaya sa akin?"

Buong pwersang sinuntok ko ang salaming nasa harap ko. Hindi ko na makilala ang sarili ko! Hindi ako ang nakikita ko sa salamin. Nanggagalaiting hinanap ko ang gas sa buong bahay at wala sa sariling inihilamos iyon sa aking mukha ngunit isang katok ang nagpatigil sa akin.

Lumabas agad ako sa banyo at nang makita ko ang lighter na nakalapag sa lamesa sa sala ay pinulot ko iyon bago ko binuksan ang pinto. Unti-unting nalusaw ang kaninang galit na nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang asawa ko.

"Kanina pa kita inaantay, Heila. Akala ko nga hindi ka na uuwi." Itinago ko sa aking likod ang lighter na hawak ko at gumilid upang makapasok sya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang puson habang sya ay napaiwas ng tingin.

"Bakit amoy gas?"

"Kumain ka na muna, Heila. Nag-alala ako sayo. 'Wag mo na uli--"

"Kukunin ko na ang mga gamit ko, Rovic. Kila Mama muna ako matutulog ngayon." Tuloy-tuloy syang pumasok sa aming kwarto at tinalikuran ako.

"Iiwan mo ako?"

"Rovic."

"Iiwan mo ako?" Mariin kong tanong habang nasa hamba ng pinto.

"Anong klaseng tanong ba 'yan?" Muling sumiklab ang galit at poot na nararamdaman ko kanina nang padabog nyang hinagis ang kanyang damit.

"Iiwan mo ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inilabas ang lighter. Itinapat ko 'yun sa aking mukha. Napatayo agad sya sa aking ginawa at napaatras. No, baby, 'wag kang matakot. Ang gusto ko lang naman ay manatili sya sa tabi ko!

"R-Rovic."

"Nakikita mo ba ang mukha ko? Ibang-iba na! H-Hindi ko na kilala ang sarili ko tuwing humaharap sa salamin pero alam mo kung anong iniisip ko na lang? Para sa'yo 'to. Para mapasaya ka. Pero anong isinukli mo? Pinatay mo ang anak natin. Anak natin yun, Heila." Nanlaki ang mata nya at napaatras.

"A-Anong pinagsasabi mo Rovic?!"

"Nakita kita. Huwag mo ng ipagkaila." Mapait kong sabi at sinindihan ang lighter.

"Rovic, wala tayong anak. Kailanman ay walang nangyari sa atin! All this time, naghahanap ako ng makakatulong sa'yo. " Mapakla akong napatawa. Nagsisinungaling na naman sya. "Your insecurities will kill you! Ikaw ang may problema sa ating dalawa!"

"From the start, hindi mo ako mahal! Ikaw ang problema. Pinilit lang kita kasi nagkaanak tayo." Napasinghap sya at napailing.

"But you're already perfect for me! Hindi ako napilit, Rovic! My ghad!" Napaatras ako sa sinabi nya. Hindi! Niloloko nya ako! Hindi nya ako mamahalin dahil hindi ako gwapo. Sinasabi nya lang yan para mapapayag akong umalis sya at makasama ang kabit nya.

"You will never love me because I'm ugly." Malungkot kong sabi at matamang tinignan ang kanyang matang namumula na.

"No!" Kasabay ng sigaw nya ang paglapit ng lighter sa aking mukha at ang paglagablab nito. Ang mainit na luhang kumawala sa gilid ng aking mata at ang init ng apoy na bumalibot sa aking mukha ay tila nagsama. Wala na akong maramdaman kundi init. Ngunit sa isang iglap ay napahagulgol ako't napasigaw, hindi dahil sa init na nararamdaman ko kundi sa isang mainit na yapos na nagmumula sa babaeng mahal ko.

"I love you…" Mahina nyang bulong bago tuluyang magliyab ang kapwa naming mukha.

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now