Ability To See
Tahimik kong pinagmasdan ang aking paligid habang naglalakad sa pasilyo ng aming eskwelahan. Ang bawat taong lumalagpas sa akin ay may sari-sariling mundo, may kanya kanyang kausap at dala dalang gamit o pagkain.
Habang ako, mag-isa lamang na tinatahak ang daan. Bakit napakakulay ng kanilang mundo? Bakit sa akin hindi? Nakikita ko man ang kulay ng mundo, hindi naman ito kasing kulay ng buhay ko.
Pakiramdam ko lahat ng bagay sa aking paligid ay walang kulay. Maging ang aking tinatahak ngayon ay tila walang papatunguhan.
Napailing na lamang ako at pumasok na sa aking silid. Sa hamba pa lamang ng pintuan ay maririnig mo na ang lakas ng boses nila. Lahat sila ay nakangiti at may iba pang halos hindi na makahinga sa sobrang pagtawa.
Muli na naman bumagsak ang aking balikat dahil mukhang wala na naman akong magiging kaibigan.
My life is dull.
Naghanap na ako ng bakanteng upuan upang may maupuan. At ang tanging bakante na lamang ay sa may likod na bahagi. Nang makarating ako roon ay bahagya kong sinulyapan ang babaeng katabi ko.
Weirdo!
Nakapikit sya habang ang kanyang kamay naman ay nagsusulat ng kung ano. Maya maya ay lumingon sya sa akin at ngumiti. Kahit hindi nya man makita ang aking ngiti ay nagbalik pa rin ako ng ngiti.
Is she blind?
"Are you b-blind?" Nagaalangan kong tanong. Napakunot ang aking noo nang umiling sya sa akin at tumawa.
"I'm not." Natatawa nitong tugon at iminulat ang mata. Pasimple akong umirap at inismiran sya.
Akala ko naman hindi sya nakakakita!
Nag iinarte lang pala. Psh.
"Sa ngayon, hindi pa." Napaawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong at ibinaling ang tingin sa kanya.
"Hindi ako bulag. Mabubulag pa lang." Mapait itong ngumiti sa akin at tumingin sa harap. "Naaksidente kasi ang kapatid kong bunso at kailangang palitan ang kanyang mga mata." Nanlaki ang aking mga mata.
"Naabutan mo akong nakapikit habang nakilos kanina, diba?" Bahagya pa itong tumawa. "...nag eensayo na kasi ako para kapag dumating na ang oras na kailangan nang kuhain ang aking mata ay makakaya ko pa ring kumilos para sa aking sarili."
Nang marinig ko iyon ay tila napakakulay pa rin pala ng mundo ko.
Mayroon pa palang mga taong may mas mabigat na problemang dinadala.
Ibibigay nya ang kanyang mata upang muling magkaroon ng kulay ang mundo ng kanyang kapatid kahit ang kapalit nito ay ang pagdilim ng kanyang mundo.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili, niyakap ko sya nang mahigpit at hindi ko na rin napigilan ang luha na pumatak mula sa aking mata.
"I'm so proud of you. When your world turns to black, I'll be your light. I promise that." I whispered.
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Horror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |