Bulong
"Bumulong ka sa patay, malaki daw ang tyansang magkakatotoo ang hiling mo." Nanlaki ang mata ko sa ibinulong ni Grace. Sira ba sya! Takot nga ako makakita ng patay tapos bubulungan ko pa?
"Are you insane?" I hissed. "Gusto mo ba akong mamatay sa takot?"
"Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw na nga 'tong tinutulungan." She immediately turned her back at me. Napairap na lang ako at umikot para makaharap uli sya.
"Fine! Fine. Sinong patay ang bubulungan ko? Walang patay ngayon dito!" She just smiled on me. An evil smile actually. Mukhang may binabalak 'tong masama!
"Grace, sinasabi ko sayo, kapag may masama kang gagawin 'wag mo akong idadawit!" Mabilis ko syang binalaan at pinanlakihan ng mata.
"Ezra, we'll kill someone" Otomatikong napamura ako sa sinabi nya.
"Gago ka ba? Masamang pumatay. Bahala ka nga sa buhay mo." Tinalikuran ko na lang sya at papasok na sana sa pinto ng bahay namin pero pinigilan nya ako.
"I'm a nurse, maraming pasyente sa ospital ko na naghihingalo na at malabong mabuhay pa. Papadaliin ko lang ang buhay ng isang pasyente kong hirap na hirap sa buhay." Mukhang kailangan ko nang ipasok sa mental 'tong kaibigan ko. That's still considered as killing!
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mygosh!"
"Pinadali ko lang ang mahirap nyang pinagdadaanan. This is called Mercy Killing." Euthanasia. That's it. But----argh! Mali pa rin talaga. "Ako na bahala, 'wag kang mag-alala. Sige na, baka bumalik na ang boyfriend mo." Bumeso muna sya sa akin bago umalis. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Tama ba 'tong ginagawa ko?
At hindi nga nagbibiro si Grace! Pinapunta nya ako ngayon sa ospital dahil nasa morgue na daw yung bangkay. Tuloy tuloy akong pumasok at mas kinabahan nang maaninag ko na si Grace sa pinto ng morgue.
"Tama ba 'tong gagawin natin?" Hindi ko mapigilang mapatanong. Ilang beses ko na rin to naitanong sa sarili ko kagabi! Napailing na lang sya at hinila na ako papasok.
"Go. Tandaan mo, yung ihihiling mo lang ang ibubulong mo. 'Wag ka na magstory telling pa ng buhay mo. Straight to the point!" Kanina pa 'tong hila ng hila sa akin! Hinila na naman nya ako papalapit sa bangkay at binuksan ang bag para mailabas ang namumuti na nitong mukha dahil wala ng dugo.
"S-Sir, sana makilala ko na ang pamilya ng boyfriend ko. Kasi naman po, hanggang ngayon 'di nya pa rin ipinapakilala ako hindi ko tuloy alam kung seryoso ba sya sa akin--" Aba't hindi pa ako tapos magsalita ay hinila na ako papalayo ni Grace sa bangkay. Istorbo.
"Lumabas na tayo baka may makakita pa sa atin." We succeed. Walang nakapansin sa ginawa namin. Sana nga matupad yung hinihiling ko. Sana.
Days passed, wala pa ring naganap na pagpapakilala sa akin sa magulang nya. At ang lagi nya'ng sagot?
"Hindi pa ito ang oras para makilala mo sila." Kailan pa? Kung kailan buntis na ako?! Hindi ko talaga sya maintindihan. Pareho naman kaming may stable na trabaho. I'm financially stable too!
"H-Hon." Halos maaligaga ako nang umuwi syang mugto ang mata. Natanggal ba sya sa trabaho? May nakaalitan?
"Anong nangyari? Handa akong makinig." Mabilis ko syang iginaya sa upuan at pinunasan ang mga luha nyang walang tigil sa pagbagsak. I can't stand seeing him crying!
"It's about my parents." Awtomatikong nakuha nya ang atensyon ko at napatigil din ako sa pagpunas ng luha nya sa pisngi. "My dad died."
"What?" I exclaimed.
"Matagal ko syang hinanap. Napaka tagal. Kaya antagal rin kitang maipakilala sa kanila. I came from a broken family. Gusto kong mahanap sila para naman may maipakilala ako sayo." I-I didn't know that! "But the day that I found him, he's already dead." His voice cracked.
"K-Kahit sa picture lang, Hon. Okay na ako. Gusto ko lang magpasalamat na binuhay ka nya sa mundong 'to." Tumango naman sya. Nanginginig ang mga kamay na ipinakita nya sa akin ang isang family picture nila.
Bilugan ang mukha. Moreno. May balbas ngunit tamang tama lang iyon at mas nagpadagdag pa ng kagwapuhan sa kanya.
This is his father.
His father.
The one whom I want to meet.
"This is him?" Wala sa sariling napaiyak rin ako. Little did I know I've already met him.
Sya ang binulungan ko!
W-We killed the father of my boyfriend!
"S-Sandali, kakausapin ko lang si Grace." Hindi ko sya makayang tignan sa mukha. I'm guilty. Isa ako sa dahilan kung bakit malungkot ang boyfriend ko!
"Grace!" Buti naman at sumagot sya sa tawag ko.
["Yes? Nasa work ako, Ezra."] May marinig pa akong mga tunog ng heartbeat sa kaniyang background. Mukhang nasa ospital sya.
"Y-Yung lalaki na nasa morgue! Y-Yung binulungan ko, sya ang tatay ni Frank!" Inaasahan kong magugulat sya pero wala akong natanggap!
["Edi natupad na ang ibinulong mo sa kanya."] Fudge! Can't she see my point?
"Tatay yun ni Frank! Yung matagal ko ng gustong makilala. Dapat hindi na natin ginawa 'yon." Napakagat na tuloy ako sa mga kuko ko at nakailang pabalik balik na lakad ako.
["Oo nga, congrats! Nakilala mo na rin ang tatay ko. Gotta go, friend."] What did she just said?! Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita si Frank sa likod ko.
Looks like I'll face now the consequences of my action!
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Horror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |