Magbigay Ka Ng 5 Pangalan, Pipili Ako Ng Apat
WALA AKONG ibang ginawa kundi mag scroll lang sa news feed ko. Wala kasing pasok atsaka natapos ko na rin ang lahat ng mga kailangang ipasa sa school, kaya nagpapahinga na lang ako.
Hanggang sa napansin ko ang shared post ng tropa ko, si Deny. Magbigay raw ng limang pangalan tapos pipili sya ng apat!
Agad akong nagtungo sa comment section at may isang taong nagcomment ng mga pangalan naming magtotropa.
'Si Francine, Zhianne, Hyrae, Grecy at Margie'!
Pipili sya sa aming magkakaibigan! Siguro naman hindi sya pipili diba? Magtotropa kami!
At nang tignan ko ang reply nya ay lubos akong nanghina. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.
'Hala! Sina Francine, Hyrae, Grecy at Margie! HAHA'
Hindi pa doon nagtatapos, dahil ang raming nakakita n'yon at napakaraming nagreply kung bakit daw hindi nya ako pinili.
Isipin nyo, nakakahiya 'yon!
H-Hindi nya ako pinili! Sabihan nyo na akong 'sensitive' pero ansakit n'yon!
Isipin mo, sa apat na napiling pangalan ay hindi ka nasama! Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao.
Parang hindi ako parte ng tropa.
Sa sobrang inis ko, ipaparanas ko rin sa kanila kung paano mamili. Pero hindi sa ganoong kadaling sitwasyon.
It's between life and death.
Pipili sila kung sino ang bubuhayin at kung sino ang papatayin. Ngayon, mararanasan nila ang sakit at pakiramdan kung paano hindi mapili ng mga taong minamahal mo.
"Sa limang taong naririto, apat lang ang mabubuhay sa inyo. Sino kaya ang mabubuhay pa?" Nakangisi kong sabi at dahan dahang umiikot sa kanila. Nakapaikot ang kanilang upuan kaya magkakatapat sila at kasalukuyang nakatali habang ang mga kamay nakalagay sa lamesa ng upuan.
"Francine." Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga. "...ikaw ang pinakamabait sa ating lahat kaya ililigtas kita. Pero ikaw ang pipili ng tatlo pang makakalabas ng buhay."
Ramdam ko ang panginginig at ang paninigas ng kanyang katawan matapos marinig ang mga sinabi ko.
"Pili na." Nagsimula na syang humikbi at patuloy na umiiling. "Sinabing pumili ka!"
Isa isa kong pinasadahan ng tingin sila, lahat ay nagsusumamong nakatingin kay Francine at umaasang banggitin ang pangalan.
"Si G-Grecy---" Mahina nyang sagot.
"Hmm..." Mabagal akong tumango habang nilalaro ang matalas na kutsilyo sa aking kaliwang palad.
"M-Margie" Nagkatinginan pa sila at pagod syang nginitian ni Margie. Lucky.
"Francine, parang awa mo na." Napalipat ang tingin ko kay Deny na ngayo'y nagsusumamo na ang mukha. Napansin kong maging si Francine ay napatingin din sa kanya.
"I-I'm sorry, Deny. Ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo napunta dito. Alam mong magkakaibigan tayo!" Katahimikan ang bumalot sa amin. "S-Si Hyrae ang pinipili ko."
"Paano ba yan, Deny? Pinili mo sila pero hindi ka nila napili sa ganitong sitwasyon. Anong pakiramdam?" Nanunuya akong lumapit sa kinauupuan nya.
"Panoorin nyo muna ang gagawin ko, okay?" Nakangising lumingon ako sa mga kaibigan ko. At nang ibalik ko na ang tingin kay Deny, mabilis kong itinarak ang aking kutsilyo sa kamay nyang nasa lamesa ng upuan.
"Napakamakasalanan ng kamay mo, Deny. Napakamakasalanan!" Paulit ulit ko iyong ginawa sa dalawa nyang kamay habang palakas ng palakas naman ang kanyang hiyaw. Maging ang mga kaibigan ko ay napapasigaw.
"T-Tama na." Nanghihina nyang samo.
"Ansakit diba? Ngayon, alam mo na ang pakiramdam! Hinding hindi ko 'to ititigil hangga't hindi nawawala ang sakit na idinulot mo sa akin!"
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Terror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |