Voice 10

7 1 0
                                    

Ridiculous

Kanina pa ako paikot ikot dito sa aming bahay at hawak hawak ang cellphone. Napatingin ako sa kusina at napangiti dahil may naisip akong pwedeng gawin habang hinihintay sila.

Magluluto muna ako!

Inilagay ko sa lamesa ang aking cellphone at dumeretso sa lutuan.

Ano kayang pwedeng kong iluto?

Think, Gillie!

Aha! I'll cook their favorite dishes!

Agap kong hinanda ang mga sangkap na kailangan ko sa pagluluto. Binuhay ang kalan at inilagay ang kaldero sa ibabaw nito. Inilagay ko ang mga unang sangkap na dapat nang mauna.

Naghintay ako ng ilang minuto at isinunod na ang iba pang sangkap. Matapos, inilagay ko ang aking niluto sa paboritong pinggan nila mama at papa. Inamoy ko pa ito bago inilapag sa aming lamesa.

Nasisiguro kong masarap ang aking niluto!

Iniayos ko na ang hapag kainan at naghanda na dahil nararamdaman kong paparating na sila mama at papa.

Tatlong pinggan ang aking inihanda at may mga kubyertos sa tabi nito.

Umupo ako sa tabi ng kabisera at muling tumingin sa aking cellphone. Pagbukas ko ng aking cp ay bumungad sa akin ang family picture namin dahil ito ang wallpaper ko.

Napagpasyahan kong tawagan sila dahil mukhang lalamig na ang inihanda ko. Nakailang tawag na ako sa kanila ngunit hindi pa rin sila sumasagot!

Napatayo na ako sa aking kinauupuan at tinawagan na ang aking mga kamag-anak. Napahinga ako ng maluwag nang makitang sumagot sa akin ang pinsan kong si Mj.

"Thanks god! Mj, alam mo ba kung nasaan sina Mama?" Bungad ko sa kanya.

["Hello? Gillie, ikaw ba yan?"]

"Yes. Yes, this is Gillie. Mj, pakitawagan naman ulit sina Mama at Papa. Nag-aalala na ako dito, gabi na pero hindi pa rin sila umuuwi." Mahaba kong litanya.

["Gillie, w-wala na sila. Matagal na. Nasaan ka ba?"] Bahagyang dumulas sa aking kamay ang aking cp. A-ano?

"Mj, 'wag kang nagbibiro ng ganyan dahil hindi magandang biro yan. Syempre, nandito ako sa bahay namin!" Kinakabahang tumawa pa ako.

["Uminom ka na ba ng gamot? Bakit ka na naman tumakas sa m-mental hospital, Gillie?"] Tuluyan ko ng nabitawan ang aking telepono.

A-ako? M-mental hospital?

Hindi ako baliw!

Nabuhayan ako ng loob nang marinig kong may kumatok sa aming pintuan.

Baka sila mama at papa na iyon!

Masigla akong nagtungo doon at buong ngiti na binuksan ang pintuan. Ngunit agad ring nawala ang aking ngiti nang makitang hindi sila mama at papa ang nasa labas ng pintuan.

Kun'di dalawang lalaki na puti ang suot.

At mukhang sa isang hospital ito nagtatrabaho.

Napaatras ako ng bigla nilang hawakan ang aking braso at pilit na inilabas. Nanlaki ang aking mga mata at nagpumiglas.

"Ano ba! Pakawalan nyo ako! Hinihintay ko ang mama at papa ko! Ano ba?!" Pilit akong kumakawala sa kanilang hawak ngunit lubhang mahigpit ang pagkakahawak nila sa aking braso. Tinawag ko ang atensyon ng aking pinsan nang makita ko sya roon.

"Mj! Mj! Help me! Saan nila ako dadalhin? Hindi nila ako pwedeng kunin! Mag-aalala sina mama kapag hindi nila ako nakita. Do something!" Pagmamakaawa ko ngunit hindi nya ako pinansin! Umiling lang ito at iniwas ang tingin.

Pagpasok sa sasakyan ay sumama rin sya. Lalapitan ko na sana si Mj ngunit inilayo ako ng mga humahawak sa akin.

"Gillie, listen. Patay na ang mga magulang mo, dati pa. At natrauma ka dahil doon, 'wag na tumakas ulit. Maaalagaan ka doon kaya 'wag ka na ulit magtatangka umalis pa, naiintindihan mo?" Paulit ulit akong umiling. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya!

"Hindi pa patay ang mga magulang ko! Babalikan nila ako doon sa bahay, bakit ba hindi mo maintindihan iyon?! Bumalik na tayo doon, please. Mj, mag-aalala sila." Nabigla ako ng may itinurok sa akin ang isa sa mga may hawak sa akin. Agap akong nagpumiglas ngunit unti unti ring nawala ang aking lakas.

"Mj, mag-aalala sila." Mahina kong bulong bago ako nilamon ng kadiliman.

Voice In The DarkWhere stories live. Discover now