Shame
"Tatay mo yun diba?" Otomatikong sinundan ko ng tingin ang itinuro ni Kessa. Na sana ay hindi ko ginawa.
"Hindi." Mabilis kong niligpit ang gamit ko at umalis na sa tapsilogan na tinatambayan namin. Hindi ko na inantay pa si Kessa! Lumiko ako sa isang eskinita at doon sya hinarap.
"Anak! Oras ng klase mo ngayon diba? Bakit nasa tapsilogan kayo, Rena?" Iritadong tinignan ko sya at pinasadahan ng tingin. Ganoon pa rin ang itsura nya, nakasuot ng kupas na itim na t-shirt, kulay kremang short na halatang galing na sa baul at akay akay sya ng saklay nya.
"Ano namang pakialam mo? Tinanong ba kita kung bakit ka nandito? Mind your own business." Napangiwi ako nang may biglang pumasok sa isip ko. "My bad. Hindi ka pala nakakaintindi ng English."
Hindi ko alam pero magmula ng iwanan kami ni Nanay ay talagang kinaiinisan ko na sya. Dapat hindi nya hinayaang mawala si Nanay!
Edi sana hindi kami naghihirap ngayon?
Sana masaya pa kami!
"Anong ulam?" Padabog na umupo ako at tinignan si Kuya na abala sa cellphone nya.
"Wala." Agad na nag-init ang ulo ko. Nasaan na naman ba yung lalaking 'yon? Tatay pa man din, hindi marunong mag-asikaso ng mga anak nya! Speaking of, dumating na ang magaling na ama sa lahat.
"Wala pang pagkain. Bakit ngayon ka lang kasi dumating, gutom na kami. Makupad na lumpo." Pagpaparinig ko. Agaran naman itong pumasok sa kusina para magluto. May iluluto ba yun?
Nakapahalumbaba at panay tapik ko na ng mga daliri sa lamesa dahil sa sobra nyang tagal. Nilamon na ba sya ng kusina?
Nabuhayan ako ng lumabas na sya , otomatikong umangat ang kilay ko at sinusuri ang ihahain nya. Nilapag nya ang mangkok sa gitna at tipid kaming nginitian.
"A-Ayan lang ang nakaya ko, kain na kayo." Dinampot ko ang kutsara at sinuri ang ulam. Inikot ikot ko ang sabaw at nang may maramdamang laman ay iniangat yon. Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang kutsara sa nakita ko.
"Papatayin mo ba kami?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at kinalampag ang lamesa. "Ipapakain mo sa amin ang d-daliri mo?! Mahiya ka naman!" Diring diri akong lumayo at nagbaba ng tingin sa kamay nya. Napatayo rin si Kuya at mukhang nagalit.
"Pinapakain ko na nga kayo, may gana pa rin kayong magalit?" Kinalabutan ako nang mahinahon syang nagsalita. "Akala nyo gusto ko pa sa pamilyang 'to?" Napaigtad ako nang ihagis nya ang saklay sa lamesa!
Humawak sya sa upuan at doon kumapit.
"Galit na galit kayo sa akin dahil sa nangyari sa nanay nyo. Dapat nga sa kanya pa kayo magalit. Sukong suko na sya kaya nagpakamatay!" Tumawa sya ng bahagya. "Sino ba naman kasi ang gaganahan sa ugali nyo? At alam nyo pa ba ang masakit?"
Iika ika syang lumakad at humawak sa mga upuan bilang suporta para makalapit sa amin. Bahagya akong napaatras at hindi inaalis ang tingin kay Tatay.
"Hindi ko kayo anak." Mariin nyang sambit. "Kayo nga rin ang dahilan kung bakit wala na ang isang pata at paa ko. Naalala mo ba na halos wala tayong maihanda noong birthday mo, Rena? Gumawa ako ng paraan. Naghanda ako ng adobo, adobong pata. Pata ko."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at bigla kong naalala kung paano ako nasarapan sa lutong iyon dati!
"Ibinigay ko ang lahat sa inyo maging parte ng katawan ko para may makain kayo, pero ano ang isinukli nyo sa akin?"
YOU ARE READING
Voice In The Dark
Horror| Isang daang nakakakilabot na tinig sa dilim. Handa mo bang pakinggan? |