CHAPTER 1

438 9 2
                                    

Rinig mula sa labas ng unibersidad ang sigawan ng mga nasa loob ng gym dahil sa mainit na labanan sa volleyball finals ng university week. Magkalaban ang kupunan ng BS Legal Management at BS Tourism Management na binansagang David vs Goliath. Bukod sa matatangkad ang mga manlalaro sa tourism, hindi rin maitatanggi na may itsura at guwapo ang mga ito, kaya naman ang laki ng kanilang fanbase sa loob ng gym. Expected na sila na maglalaro sa finals lalo na at sila ang defending champions ngunit ang kanilang kalaban ay bagong bago sa ganitong uri ng spotlight. Ang mga manlalaro mula sa kursong BSLM ay unang beses na makakalaro sa finals ng seniors men's volleyball kaya naman all out na rin ang mga ka-blockmates nila para mag cheer, ayaw nilang magpahuli sa mga fans ng kalabang kupunan.


Set number 5, raise to fifteen at walang technical timeout. Hindi inexpect ng lahat na tatagal ng halos dalawang oras ang laban na ito lalo pa 't lamang na lamang ang defending champions in terms of experience and height. After 4 sets, nangunguna sa kupunan ng BSLM ang 5-foot-9 "gay icon" sophomore ng university na si Avery Riley Villaconcepcion or simply Ave with 35 points. Pasan niya ang daigdig para sa kupunan ng BSLM.


Nabansagan siyang gay icon dahil bukod sa best friend siya ng lahat ng mga beks at mujer, siya rin ang reigning Student Council president. President din siya ng School Helping Hands na naka focus sa charitable works ng unibersidad.


Sa kabilang panig naman ng BSTM, nangunguna ang 6-foot-2 na si Maxim Peter Bustamante, or Max with 28 points. Miyembro, lider at vocalist siya ng school band na Coldhearted Playlist kaya naman siya ang naturingang "Mr. Coldhearted." Bukod dito, member din siya ng Men's Volleyball team ng school na lumalaban sa iba 't-ibang school related competition. They are actually vying for their first championship sa paparating na University Games lalo pa 't sobrang promising ng team nila. You may think papaano siya nakakapaglaro ngayon kung varsity player siya? Natanggap lang siya one week ago sa varsity team kaya pinayagan na siyang maglaro.


"Prrrrrrrrrrrt!" sumenyas na ang first referee para mag serve ang kupunan ni Ave. Dikit ang score sa 14-14. Maganda ang naging pasa ng libero, direcho sa setter. Tinitingnan mabuti ni Ave kung kailangan ba niyang i-block si Max na nasa opposite side o huwag kumagat sa pain at bantayan ang cross court ng kanilang team. Minamasdan ni Ave ang kamay ng setter at napansin niyang ipapasa nito ang bola sa open side kaya naman bumitaw siya kay Max at nag handa para saluhin ang bolang papaluin ng open spiker ng BSTM.


Umaatras pa lang si Ave nang makita niyang kumabing papatalikod ang kamay ng setter at nagulat siya sa bilis ng bato nito sa opposite, kay Max. Dalidaling bumalik si Ave sa pwesto niya at naghanda para i-block ang atake ni Max. Nakatalon na si Ave para sa block pero nahuli siya ng ilang segundo kaya naman hindi niya nasalo ang palo, tumagos sa dalawang braso niya. Point ng BSTM, 14-15. Paglapag ni Ave, lumingon siya at nakitang hindi na-dig ng libero nila ang bola. Biglang naghiyawan ang lahat kaya napaharap siya, doon niya nakita si Max na nakatitig sa kaniya. Yabang naman neto. Sabay ngiti sa kaniya. Umirap si Ave at bumalik sa pwesto niya sa kwatro. Humanda ka sa akin.


Pumito na ulit ang referee hudyat para mag serve ang BSTM. Pagkatawid ng bola ay pumwesto si Ave sa may likod ng attack line para bumwelo. Tinawag niya ang setter nila para ibato sa kaniya. Dahil dito, naging predictable ang gagawing play ng BSLM. Naghanda sila Max para sa triple block kaya napangisi na lang si Ave. Binato sa kaniya ng setter ang bola at pagkabwelo ni Ave ay tumalon siya para sa palo. Dikit ang blockers ng kalaban niya kaya naman mas madaling i-execute ang kaniyang gagawing atake. Inanticipate nila na i-off the block ito ni Ave kaya nasa may gawing uno ang pwesto ng setter na backliner katabi ng libero.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon