CHAPTER 12

101 4 1
                                    


CHAPTER 12

Araw ng sabado, maagang umalis si Ave papunta sa university dahil nakatanggap siya ng message na magkakaroon ng biglaang meeting mamaya para pag-usapan ang mga pondo ng club teams ng university for second semester. Bale ang mangyayari ay magiging messenger si Ave na ipamamalita sa mga club officers or club president kung na-approve ba ang requested funds nila for their clubs or hindi.

Natapos ang meeting with the board sa loob ng isang oras. Pagkabalik ni Ave sa office ay nadatnan na niya sina Cherry at Kris na nag-uusap ng masinsinan. "Ano na naman ang chismis?" pambulaga ni Ave. Nilapag niya ang folder na naglalaman ng mga papel na sinubmit ng mga club presidents for their fund request.

"Wala naman, Ave. Nahingi lang ako ng option kay Cherry about doon sa call centers na alam niya. You know, kailangan ko ng malaki laking sweldo." Paliwanag ni Kris.

"For sure naman ang makukuha mo ay basic salary muna. Wala ka pa namang experience pero depende pa rin 'yun sa initial assessment sa 'yo." Binuksan niya ang folder at binasa ulit ang decision ng board. "Galingan mo na lang mag-english." Tumingin si Ave kay Kris. "Kulamin mo na lang sila sa mga enchanting words mo." Natatawa niyang panapos.

"Naman, ako pa ba." Napatawa na lang ng tipid si Kris. Sa itsura nito parang kinakabahan siya na ewan. Nagsesenyasan naman sina Kris at Cherry habang walang kaalam-alam si Ave.

Mayamaya pa ay isa isa nang dumating ang mga varsity players bitbit ang kani-kanilang gagamitin sa pagrerepack. Si Ave naman ay kausap si Christopher sa isang sulok at pinaliwanag niya dito ang naging pag-uusap nila kanina sa board meeting about sa funds. Huling dumating si Max na galing sa clinic. "Kamusta? Ano sabi sa 'yo sa clinic? Cleared ka na raw ba para sa exhibition game?" Tanong ni Christopher.

"Hindi raw talaga puwede ipilit. Baka lalong lumala." Ramdam sa boses ni Max ang pagka lungkot nang ibalita niya na hindi siya pinayagang mag participate sa tune up game. Kanang paa naman kasi ang namamaga at usually kaliwa ang may pressure sa landing kaya sinubukan pa rin niya kung makakalusot.

"Yaan mo na, andiyan naman sina James. Pahinga mo na lang iyan." Hinawakan ni Christopher si Max sa braso. Binalik nito ang atensyon kay Ave nang biglang nagsalita si Max.

"What if si Ave na lang i-substitute natin? I mean kung okay lang kina James. Parang guest player para makahakot ng maraming ticket sales." Suhestiyon nito. Bigla namang nanlaki mga mata ni Ave sa kaniyang narinig.

"Huh? Bakit nadamay ako?" Ave is puzzled.

"Kung okay lang naman kita James." Tumingin si Ave sa kaniyang mga kasamahan sa varsity club at binigyan siya ng mga ito ng go signal. "Ayun, okay lang naman pala sa kanila." Nakangiting sagot ni Max.

"Pumayag ka na. Para naman sa charity ito, Ave." singit ni Cherry. Tumingin naman si Ave kay Kris at nag thumbs up naman ito sa kaniya.

"Kung gusto mo, iko-coach ka ni Max habang may laro para ganahan ka." Pagbibiro ni Dominic.

"Sira. Bakit siya iko-coach ni Max eh siya nga MVP nung university week 'di ba?" sita ni Albert. Napatawa na lang si Max dahil aminado siya na mas magaling si Ave kesa sa kaniya.

Ilang segundong natahimik si Ave bago pumayag. "Pag lang na-injured ako kaya ni Max, lagot kayo sa akin." Pagbabanta niya sa mga ito. Napangiti naman si Max sa naging sagot nito

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon