CHAPTER 6

130 4 0
                                    

Ang bagal na ng daloy ng trapiko sa labas ng Coventry University dahil sa gaganaping University Games. Sampung unibersidad ang kalahok sa nasabing patimpalak. Dahil host ang Coventry University, hindi rin magkandaugaga ang mga tao sa loob ng unibersidad para i-assist ang mga delegates at atleta na kalahok.


Binuksan din ng unibersidad ang kanilang visitor's lounge para sa mga kalahok na hindi kakayanin ang balikang byahe. Tatlong araw ang kumpetisyon kaya hassle para sa iba na magpabalik balik sa university lalo na yung mga malalayo ang binabyahe.


Dahil UNIGAMES, walang klase ang mga mag-aaral ng Coventry University ngayon pero ine-encourage sila ng school na magparticipate at manood ng mga games.


So ang flow ng program for this day is opening ceremonies then lighting ng torch / insignia ng mga universities and then flag raising ceremony ng mga schools and then official start ng mga events and ball games. Kahit stress na si Ave sa mga ganap sa school ay sinisigurado niyang composed siya. Hindi siya pwedeng mabuwag dahil domino effect ang mangyayari.


Ina-assist ni Ave ang ibang members ng Student Council at pati siya ay nag-assist na rin ng mga delegates para sa assigned rooms nila. Some of the delegates will be deployed in some classrooms na fully airconditioned naman while yung mga magi-stay sa visitor's lounges ay derecho na sa Liberty Building kung saan sila maninirahan for three days.


Habang nagaasikaso si Ave ng mga dumadating ay narinig niyang may tumawag sa likod niya. "Ave." Napatingin siya sa likod at nakita niya si Max, naglalakad papunta sa gawi niya. Bumalik siya sa pag-aasikaso ng mga bisita at tinuturo ang daan papunta sa kani-kanilang designated rooms. "Mag ready na raw tayo sabi ni Ms. Villanueva. Hayaan mo na sila Cherry ang mag-asikaso sa kanila." Tumingin si Ave sa kaniya at tumango.


"Baks, ako na bahala diyan. Mag ready ka na." Pagsingit ni Kris.


Naglalakad sila Ave at Max papuntang student council room dahil naandon ang mga gamit ni Ave samantalang bitbit naman ni Max ang bag niya. Habang binabagtas ang daan kung saan maraming tao ay may inabot si Max kay Ave. "Tubig?"


Inabot ito ni Max sa kaniya at kinuha naman ni Ave. "Salamat."


"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Max out of nowhere.


"Huh? Oo naman bakit?" sagot ni Ave.


"Pansin ko lang masyado kang spaced out this whole week." Paliwanag ni Max.


"Ah, wala iyon. Pagod lang siguro tapos dumagdag pa yung academics and life." Saad ni Ave.


"Yung nangyari last week, sino yung sumundo sa 'yo sa may harap ng school?" Napaisip si Ave sa tinanong ni Max sa kaniya. Since last week hindi pa sila nakakapag-usap ni Max dahil sobrang busy sa preparations for the UniGames.


"Sorry nga pala kung hindi na ako nakapag paalam ng ayos noon. Kaibigan ko iyon noong high school. Siya mentor ko before." Wika ni Ave.


"Ahhh. Wala iyon, mukhang urgent yung nangyari kaya ka siguro nagmadali." Sagot ni Max.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon