CHAPTER 30
Open House ngayon at gaya ng ine-expect nila ay maraming mga outsiders ang nasa loob ng campus. Maraming nakahandang aktibidad ang mga taga Coventry University para maka-attract pa sila ng mga transferee at graduating senior high students. May inintroduce na rin na mga bagong kurso ang university at isa na rito ang Faculty of Arts. Next semester ang pioneer batch at kahit na wala pa silang sariling building dahil itatayo pa lang ito, CBEAM at CITHM muna ang kanilang magiging tahanan sa loob ng isa't kalahating taon.
Kasama ni Kris ang kapatid na si Kurt na naglilibot sa mga booths sa labas ng university. Sa loob ng central gym ay naroon ang iba't ibang Faculty na hinihikayat ang mga naglilibot at potential transferee na i-consider ang kanilang faculty for their course.
Naglalakad sila Max at Ave papuntang integrated building kung saan may exhibit ang camera club. Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanilang mga grupo ng babae.
"Excuse me po, puwede po bang magpa picture? Kayo po talaga ang pinunta namin dito eh. Fan niyo po kami." Wika nito sa kanila.
"Ah, sure sige." Sagot ni Ave. Nag pose sila sa camera at pagkatapoy ay nag group picture. "Thank you, enjoy kayo. Marami kayong puwedeng malibot dito. Okay?"
"Sige po. Salamat po ulit! Yieeee!" sanay na sila sa mga ganitong scenario dahil hindi ito ang unang beses na may magpapicture sa kanilang dalawa.
Pagkadating nila sa exhibit ng camera club ay inisa isa nila ang mga naka display na larawan. Tiningnan nila ang isang section na dedicated para lang sa match-up game at nakita nila ang mga larawan nilang dalwa ni Max habang naglalaro. Bakas sa itsura ni Ave ang saya habang nag-aasaran sila ni Cherry sa stage. May mga larawan rin sila kung saan pinapakita ang pagkakapareho ng kanilang sagot. Which leads Ave to ask Max if he wants to eat.
"Gusto mo ba kumain? Hindi pa ako nag-uumagahan eh." Tanong niya sa boyfriend niya.
"Sure. Saan mo ba gusto." Sagot ni Max.
Tinuro ni Ave ang isang larawan kung saan mababanyad ang sagot nilang dalawa sa paboritong pagkain ni Ave, yung unexpected na magkaparehas ang sagot. Napangiti na lang si Max at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Ave para bumalik sa main canteen kung saan sila kakain.
"Embotido meal po for two. Chinese fried rice tapos yung eggs po, isang scrambled at dalawang hardboiled. Sauce po ay gravy." Dikta ni Max sa nagtitinda.
"Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito." Nakangiting gunita ni Ave.
Totoo naman. Hindi na masyadong nakakakain ng mga pagkain dito sa canteen si Ave dahil it is either pinabaunan siya ng kaniyang ina o kumakain siya kasabay ng kaniyang ina bago pumasok. Maayos naman ang kundisyon ni Aling Tess ngayon kahit na may pa-order siya sa mga ka-office mate niya, alam na niya ang kaniyang limitations para hindi na maulit yung nangyari.
"Saan mo gusto magpunta after? Marami tayong puwedeng gawin at puntahan." Tanong ni Max.
"Puntahan na lang natin muna yung booth niyo. Food booth kayo 'di ba?" hinihintay nilang i-serve sa kanila ang pagkain na inorder nila.
"Yeah, nag decide sila na food booth na lang since wala si Christopher, hindi namin natuloy yung plano na parang tutorial at basics sa volleyball." Sentimyento ni Max. Ilang sandali pa ay binigay na sa kanila ng tindera ang pagkain nilang dalawa. "Salamat po."
BINABASA MO ANG
Get Along Well The Series
Teen FictionAvery Riley Villaconcepcion is the youngest student council president that graced the halls of Coventry University. He is well respected and everyone is fond with him because of his strong demeanour and personality. He is everyone's ally. Then one...