CHAPTER 23

64 2 1
                                    

CHAPTER 23

Hindi alam ni Kris kung ano ang sumapi sa kaniya at pumayag siya sa date na alok ni Paul sa kaniya. Iniisip na lang niya na baka friendly date ito since hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Parang noong isang araw lang ay naglalamunan silang dalawa ni Paul sa gitna ng maingay na club tapos ngayon may date na sila agad.

Naisip tuloy ni Kris kung nagtataksil ba siya kay Christopher dahil nakipaghalikan siya kay Paul tapos ngayon sasamahan niya ito sa mall. Natigil lang siya sa pag-iisip nang ma-realize niya na naunang nagtaksil si Christopher sa kaniya doon sa Mary Anne na iyon.

Ang usapan nila is magkikita sila sa may coffee shop sa labas ng mall na sinabi ni Paul. Hindi na nagpasundo si Kris kahit nag-alok ito dahil sobrang diyahe raw kapag nagkataon. After ten minutes ay dumating na si Paul. Nakasuot ito ng puting long sleeves at grey pants. Nakatuck-in ang pantaas niya kaya bumungad sa ka kaniya ang versace belt nito. Bigla namang nahiya si Kris sa suot niya na simpleng t-shirt na white at maong pants.

"Kanina ka pa ba? Sorry, nahirapan ako maghanap ng parking space, linggo kasi ang daming tao." Paliwanag ni Paul habang tangan ang susi ng kotse niya at wallet.

"No, okay lang. Kadarating ko lang din." Singhal niya. "So, saan tayo?"

"Pick-up-in ko lang yung tarpaulin na pinagawa ko then punta tayong Ignacia." Sagot niya.

Naguluhan siya sa sinabi ni Paul sa kaniya. Naisip tuloy ni Kris ang sosyal masyado ni Paul dahil magpapagawa lang ng tarpaulin, sa may mall pa. Puwede naman sa tabi tabi na lang ng university, ganern. "Ano 'ng ganap mo sa Ignacia?" curious si Kris sa kanilang pupuntahan.

"Kasali yung kapatid ko sa isang singing contest. Manonood tayo ng ASAP then live ng The Voice mamayang gabi." Bigla namang natigalgalan si Kris sa sinabi ni Paul.

"A-ASAP? 'Yung sa ABS-CBN?" hindi niya maprocess ang sinabi sa kaniya ni Paul.

Tinawanan siya ni Paul. "Bakit, may iba ka pa bang ASAP na napapanood?"

"Wala naman. First time ko makakapunta ng ABS-CBN compound. Hanggang labas lang ako ng bahay ni kuya eh." Kinakabahan na nae-excite si Kris sa mangyayari. Kinakabahan dahil maaari niyang makita ng personal ang mga artista na kaniyang hinahangaan, isa na dito si Morissette Amon. Ayaw niya ipakita kay Paul na nae-excite siya dahil baka isipin nito ngayon lang siya makakakita ng artista, which is true naman.

"Team Sarah yung kapatid ko tapos malakas yung makakalaban niya kaya kailangang suportahan ko siya." Inenspeksyon sila ng mga guard at pagkatapos ay naglakad papuntang escalator para makaakyat ng second floor.

"Bakit hindi ko siya nakita kahapon sa bahay niyo?" usisa ni Kris.

"Hiwalay na ang Mama at Papa ko. Brian is with my mom tapos ako ang naiwan kay Dad. Pretty much because mas close ako kay Papa at mas malapit si Brian kay Mama." Kwento nito.

Pagpasok nila sa may printing house ay nilapitan siya ng babae. Mukhang kilala na siya nito dahil naihanda na raw nila yung pinagawa niya. Ilang sandali pa ay lumabas na yung babae na may hawak ng tarpaulin na naka-rolyo. Binayaran niya ang pinagawa niya at pagkatapos ay nagpasalamat sa kanila bago lumabas.

"Hindi ka ba pinagalitan nila Tita kahapon kasi hindi ka nakauwi?" kwestiyon ni Paul sa kaniya.

"Sabi nila basta raw nakauwi ako ng buo, okay lang sa kanila. Wala naman silang pake kung gabi na ako umuwi o hindi basta hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko, g lang sila sa mga lakad ko." Eksplika ni Kris habang sumulyap ng tingin kay Paul.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon