CHAPTER 7

115 6 1
                                    

CHAPTER 7

"Pero may kilala akong Peter from Section B." Napatingin si Max sa kaniya. "Kung tama ako, kaharap ko siya ngayon."

Tumalikod sa kaniya si Ave at nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol niya ito, "nakikilala mo ako?" nag-iba ang tono ng pananalita niya. Halatang nagulat siya sa narinig nitong mga kataga.

"Iyan ba yung gusto mong sabihin sa akin kanina pa?" Tanong ni Ave sabay tingin kay Max. Tumango ito sa kaniya. "Actually nung nakita mo ako sa student council office na natutulog, that time parang may idea na ako kung sino ka. Nung chineck ko ulit yung listahan ng mga participants na binigay mo sa akin. Napaisip ako na parang pamilyar yung name." Lumampas na sila sa Integrity Building meaning malapit na silang umakyat papunta ng student council office. "Tsaka gusto ko ikaw una magpakilala sa akin, mamaya hindi pala ikaw si Peter, napahiya pa ako." Natatawang dagdag ni Ave.

"Natatakot ako magpakilala sa 'yo kasi baka galit ka sa akin." Wika ni Max.

"Bakit naman ako magagalit sa iyo?" tanong ni Ave.

Ramdam ni Ave na may gustong sabihin si Max sa kaniya kaya hinayaan niyang magsalita ito. "Kasi dahil doon sa nangyari. Makikipagkita ka dapat sa akin sa may paseo, tapos ganoon nangyari sa iyo. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko."

"Hindi mo kasalanan iyon, wala ka namang kinalaman sa nangyari. Tsaka past is past. Iniisip ko na lang na panaginip yung mga nangyari. Naka move on na ako kaya dapat hindi ka na ma-guilty sa nangyari." Paliwanag ni Ave habang humahakbang paakyat ng student council office. "Aakyat na ako ng office, ikaw saan ka papunta?"

"Gusto ko kumain, tara libre kita." Anyaya ni Max kay Ave.

"Ikaw na lang, may ipapasa pa ako na powerpoint presentation eh." Pagkontra ni Ave.

"Tara na, marami ka pa namang oras mamaya tsaka gusto kita makasama mag lunch." Nagpapa-cute si Max kay Ave pero napatawa na lang sa kaniya ito.

"Oo na. Pero ayaw ko ng libre, may pera naman ako." Sagot ni Ave habang pababa ng hagdan.

"Sige. Saan mo gusto, sa may BB Building o sa may canteen?" binigyan ni Max ng choices si Ave. Naisip ni Ave na mas maraming tao sa main canteen kesa sa BB building at wala siya sa mood mag kanin.

"BB Building na lang, ayoko mag rice ngayon." suhestiyon ni Ave kay Max.

Nakatingin lang si Ave sa kaniyang dinadaanan nang mapansin niyang may kinuha si Max sa kaniyang bag. Nilabas niya ang isang puting t-shirt, ang shirt na suot nilang dalawa kanina sa opening ceremonies. Saka lang na-realize ni Ave na hindi pa pala siya nagpapalit ng suot pagkatapos ng opening.

"Ano 'ng gingawa mo?" usyoso ni Ave.

"Nagpalit ng t-shirt, basa na kasi yung suot ko kanina. Hindi ako kumportable." Palusot ni Max. Hindi naman talaga basa ang t-shirt na suot niya. Gusto lang niya na makapareha si Ave ng suot para magmukha silang naka couple shirt. "Bakit ganiyan ka makatingin sa katawan ko? Pinagnanasahan mo ako 'no?"

"Ulol mangarap ka. Nahihiya nga ako para sa 'yo. Paano ka nakakapagpalit habang naglalakad sa kahabaan ng daan?" Palusot ni Ave habang binaling ulit ang daan sa kaniyang dinadaanan. Hindi napansin ni Ave na nasa dulong bahagi na pala sila ng hagdan kaya naman hindi siya nakaapak sa susunod na hakbang dahilan para ma-out of balance siya. Buti na lang at mabilis na nakagalaw si Max at nasalo siya para pigilan ang kaniyang pagbagsak. Napadilat si Ave at nakita niya si Max na nakatitig sa kaniya.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon