EPILOGUE
Si haring araw ang bumungad sa mukha ni Ave. Unti unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at bumangon sa pagkakahiga sa kaniyang kama. Hindi alam ni Ave pero parang nagising siya sa isang mahabang panaginip. Tumayo si Ave at naglakad papunta sa harap ng salamin. Tinitigan niya ang sarili niya ng ilang minuto nang mapansin niya ang orasan sa kaniyang silid.
7:00 na ng umaga. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize niya na late na siya para sa kaniyang 7:30 class. Dalidali siyang pumasok ng banyo para maligo dahil hindi siya puwedeng ma-late sa unang araw ng kaniyang klase. Attorney ang kanilang professor sa first subject at ayaw niyang magkaroon ng bad impression sa professor na iyon.
Pagkatapos niyang maligo ay nagpatuyo muna siya ng katawan at buhok bago isuot ang kaniyang uniform. Dalidali niyang inayos ang kaniyang mga gamit at pagkasilid ng mga ito sa bag ay lumabas siya ng kwarto. Pagbaba niya ng bahay at nakita niya ang kaniyang ina na naghahanda ng umagahan niya.
"Ma, sorry hindi na ako makakakain ng umagahan, male-late na po ako sa school eh. Kainin ko na lang siya mamayang hapunan." Nakangiti niyang pamamaalam sa ina.
"Ah, okay. Sige. Anak, mag-ingat ka sa pagpasok." Paalala ni Aling Tess kay Ave.
"Yes, ma! Kayo rin po, ingat sa pagpasok." Sagot niya habang nagsusuot ng sapatos. "Bye, ma!"
Lumabas siya ng bahay nila at tumakbo papunta sa kanto nila kung saan may nadaang jeep. Hindi siya makapaniwala na napahimbing ang tulog niya at nakalimutan niyang mag set ng alarm sa phone niya. Bagong semester na at excited na siyang pumasok sa school.
Napansin niya na traffic sa may kanto nila at nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa tabi ng daan at duguan. Marahil ay naaksidente ito o ano dahil may mga pulis na umaasikaso sa kaniya. Napatitig lang si Ave doon sa lalaki habang naglalakad. Dumating na siya sa may kanto at hindi niya maiwasan na mapalingon doon sa lalaking naaksidente. Ilang sandali pa ay may jeep na pumara sa harap niya at sumakay siya roon.
After twenty minutes ay nakarating na siya sa labas ng kaniyang University. Meron pa siyang five minutes kaya naman hindi na siya gaanong nagmamadali dahil ayaw niyang mahaggard sa unang araw ng kanilang klase. Naglalakad lang siya sa kahabaan ng daan at mapapansin ang pagiging busy ng mga tao sa paligid niya. May mga bata na bumababa ng school service, may mga magulang na naghahatid sa kanilang anak mismo at meron din namang mga estudyante mula sa integrated school na sabay sabay na naglalakad na para bang magkakaibigan.
Papaliko na siya sa may central gym nang may narinig siyang dalawang bata na nag-aaway. Luminga linga siya sa paligid at tila walang umaawat sa mga ito. Wala ring security guard na malapit kaya siguro sikal na sikal yung isang bata sa pambubully. Pinag-aagawan nilang dalawa ang isang lunch box.
BINABASA MO ANG
Get Along Well The Series
Teen FictionAvery Riley Villaconcepcion is the youngest student council president that graced the halls of Coventry University. He is well respected and everyone is fond with him because of his strong demeanour and personality. He is everyone's ally. Then one...