CHAPTER 18

79 1 0
                                    

ANG SABI NG DOUBLE UPDATE IN ONE DAY? SIPAG NA SIPAG SI ATE GURL. INSPIRADO SI BATLA? CHZ!


CHAPTER 18

Pagkatapos ng nangyari kagabi, sinubukan ni Max na mag text kay Ave. Hinihintay niya ang sagot nito pero walang nagre-reply. Minessage niya rin si Ave sa messenger pero ang indication lang ay natanggap nito ang message pero hindi pa nakikita. Offline din si Ave sa messenger. Dapat ang inaalala ni Max ngayon ay kung ano ang sasabihin ng kaniyang ama sa nabasa nito kahapon pero hindi niya ito nakausap dahil pagkagising niya ay wala na ito sa bahay.

Nadatnan niya ang kuya niya na si Francis sa dining table, mag-isang nakain ng agahan. Tumingin ito sa kaniya at niyaya siyang sumabay sa pagkain. "Okay ka lang?" tanong nito sa kaniya. Mukhang alam na rin ng kuya niya ang nangyari kahapon. "Nawala na yung page ng University Open Files kagabi. Mukhang napagsabihan sila dahil doon kaya tinurn down na yung page."

"Naabutan mo ba si Papa kanina?" tanong niya habang nilalapagan siya ng pinggan ng kanilang kasambahay. Wala ang mama niya ngayon kasi nasa vacation kasama ang mga kumare niya.

"Kaaalis lang niya. Mukhang hindi naman masama ang mood niya." Tugon ni Francis.

"Gusto ko malaman ang reaksyon niya doon sa nabasa niya. Pakiramdam ko kagabi pa lang disappointed siya. Magpapaliwanag sana ako sa kaniya ngayon kaso hindi ko siya naabutan." Sambit ni Max.

"Ano 'ng sasabihin mo sa kaniya? Maraming akusasyon sa iyo doon sa post. Alin ang bibigyan mo ng linaw?" usisa ng kuya niya pagkatapos ay sumubo ng pagkain.

"Lahat." Maikli niyang sagot.

"Teka lang, ano na ba estado niyo ni Ave? Kayo na ba?" kastigo ni Fracis habang nakangisi.

Napatingin naman si Max sa kuya niya. "Hindi pa. Marami pa siyang responsibilidad sa school at ayaw niyang pumasok sa relasyon hangga't hindi siya 100% sure na handa na siya. Pero we 're good. Until yesterday when that post happened. He's not answering my text at hindi rin siya online sa messenger."

"It will be pretty exhausting lalo na this coming election. Been there done that. Just make sure na if ever na ayos pa kayo, remind him always to take a rest. Tuwing campaign period dapat present siya to introduce the candidates and to give reminders to the student. Tapos sa miting de avance, kailangan rin siya doon as the house speaker. Mas nakakapagod during the election process. He needs to make sure na smooth ang process ng voting at siya rin ang magvavalidate ng mga votes, tally ng official vote counts at announcement. He will be the head of electoral board. After election, may farewell speech pa siya sa harap ng students as he pass the seat to the elected president." Salaysay ni Francis.

Ngayon lang narealize ni Max kung bakit ito tagilid sa idea na pumasok ng relasyon habang namumuno pa siya ng student council. "So ano, tatakbo ka pa bang president?" karagdagang tanong ni Francis sa kapatid.

"Hindi naman ako nagdecide noon. Si Papa lang nag-announce nang wala akong kamalay malay." Tugon nito.

"Bakit ayaw mong tumakbo?" pagtataka ni Francis.

"Hindi naman ako pinanganak para maging lider. Yung buhay ko nga hadya ko nang maayos, gusto pa akong patakbuhin as president." Pagkontra ni Ave sa tanong sa kaniya.

"Kung tama ako, may tiwala siya sa 'yo na you can do the task kaya chinachallenge ka niya na tumakbo. Ang pagkakamali lang niya is maling tao ang nilapitan niya. Lalo na at nagsisimula pa lang kayo ni Ave ulit. Kung ano ano na ang iniisip nun panigurado." Hindi alam ni Max kung tinutulungan ba siya ng kuya niya o inaasar pa lalo.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon