CHAPTER 11

142 6 0
                                    

CHAPTER 11

So as expected, dahil sila ang host school, sila ang nag-uwi ng over-all championship. Not that it is rigged or anything, nasa kanila ang advantage to have many participants as possible. Yung ibang school kasi, they have no budget for additional players, reserves or even a decent coach kaya it is already in the bag for Coventry University.

Dominic explained to them that they have regular gig sa mga bars every Thursdays and Sundays kaya having their performance streamed online will be a great press release para dumami ang kanilang mga suki ika nga. Hindi lang siya pera pera dahil because they already have the money. Gusto lang nila gawin yung bagay na nakakapagpasaya sa kanila. If given a chance, they can pursue their music career kapag may nag-offer na record label.

Naglalakad si Ave at ang mga kaibigan niya kasama si Max pabalik ng student council office. His friends are teasing them because of what happened earlier. Si Max ay humahakbang lang habang nakangiti samantalang si Ave ay unti-unti nang maging kamatis dahil sa pamumula.

"Hindi ka kinilig doon bakla? Trueeee ba?" Si Kris yung kaibigan mong alam na ngang nahihiya ka dahil katabi mo yung pinag-uusapan ninyo, lalo ka pang ilulubog sa kahihiyan.

"Ang ingay mo, kanina ka pa sa gym." Pag-iiba ng topic ni Ave. Aminado naman siya na kinilig siya sa ginawa ni Max. Yung nahuli ng camera kanina, legit niyang reaksyon iyon habang kumakanta ang binata.

"Bakit parang nahihiya ka nang mag salita porket katabi mo si Max. Bibigay ka na ba?" Pang-aasar ulit nito.

"Napag-usapan na namin iyan ni Max." tipid na sagot ni Ave habang sumulyap kay Max sabay ngiti.

Sinuportahan ni Max ang sinabi ni Ave. "Pitong taon akong naghintay para masabi kay Ave ang nararamdaman ko, okay lang na maghintay ako ng ilan pang buwan." Kinilig sina Cherry at Kris sa kanilang narinig. Tumagos naman sa puso ni Ave yung mga sinabi ni Max. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayaring ito.

"Teka lang, ilan na ba ang naging girlfriends mo?" tanong ni Cherry. Napalingon si Ave kay Max. Gusto rin niyang malaman dahil ayaw niyang may susugod na lang bigla isang araw sa school na isang babae at pinagbibintangan siyang inahas si Max kahit wala na sila.

"Never ako na-attract sa mga girls. Kasi yung puso ko, isa lang ang gusto." Lalong kinilig ang magto-tropa sa kanilang narinig. Tinutulak ni Kris si Ave at inaasar na sobrang ganda raw nito.

"Aray, masakit na ha. Kilig kilig kayo diyan. Samahan niyo ako bukas dito sa office at marami na tayong gagawin. Yung report kay Prof. Cinco kailangan ko nang simulan iyon at baka matawag kami ni Max." pag-iiba ng topic niya.

Biglang nagbago ang mood nila. Napaisip sila Cherry at Kris sa sinabi ni Ave. Next week magsisimula na ulit ang reporting nila sa Oblicon at wala pa silang nasisimulan kahit isa. Alas sais na ng hapon, napagdesisyunan ni Ave na iwan ang mga gawain sa office dahil babalik din naman siya bukas ng umaga. Ayaw na niyang magpaabot ng gabi dahil sobrang haba ng araw niya. Sa dami niyang iniisip para bukas ay nakalimutan na rin niyang magpalit ng damit. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng office.

"Hindi ka pa rin nakakauwi?" tanong ni Ave habang sinisilid sa ang gitara sa case nito.

"Hindi pa eh. Gusto sana kitang ihatid sa inyo." Tugon nito.

Nginitian siya ni Ave. "Hindi mo naman ako kailangang ihatid. Sanay na akong nagco-commute pa uwi. Hassle pa sa 'yo." But his face says otherwise. Nakangisi siya habang bitbit ang mga gamit niyang dadalhin pauwi. He wants to accept Max's offer kasi ang bigat ng gitara. Pakipot kumbaga.

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon