CHAPTER 24
Naglalakad si Ave papuntang accounting office para tingnan kung ilan pa ang balance niya for this semester. May balance pa siya na fifteen thousand pesos at meron na lang siya hanggang next week para bayaran ito dahil exam na nila after ng election period. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil kinakailangan na niyang magsakripisyo para makakuha siya ng exam. Hindi na muna siya manonood ng concert ng EXO this year. Mas mahalaga ang pangangailangan kesa kagustuhan.
Pabalik na sana siya ng student council office nang may lumapit sa kaniyang isang babae. Naka coat ito na brown na may white fur sa palibot ng kaniyang leeg samantalang sa pambaba naman ay leggings na ripped.. Kulay brown ang kaniyang buhok na may highlights na gold at naka shades pa rin siya kahit nasa loob na siya ng campus. "Excuse me, can I ask you a question?" wika nito habang may accent pa.
"Yes. How may I help you." Siyempre hindi nagpakabog si Ave.
"I am actually looking for someone. He is quite famous here if I am not mistaken." Ginawa pa akong hanapan ng nawawala.
"What is this person's name? I may know him if he is famous like you said." Kavogue.
"Errr, Maxim Peter Bustamante. Do you know him?" biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Ave.
"Y-Yes. I know him. What do you want from him?" sagot niya.
"I just want to visit him. He's my ex boyfriend."
Para siyang hinampas ng gong malapit sa tenga nang marinig niya ang sinabi ng babae. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Walang nabanggit si Max sa kaniya tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend na imported.
"He is your ex boyfriend?" paglilinaw ni Ave.
"Yeah. Do you know where I can find him? I'm kinda lost. I'm so sorry for bothering you." Paumanhin ng babae sa kaniya.
"His class is still on going. It will be finished in an hour and thirty minutes." Saulo na ni Ave ang schedule ni Max pero bukod dito, mukhang may iba pa siyang kailangan sauluhin, listahan ng mga naging ex nito para next time ay hindi na siya magulantang kapag may sumugod sa campus.
"Oh, wonderful. I'll just wait for him in the canteen. Thank you, have a nice day." Nagpaalam sa kaniya ang babae at naglakad papalayo sa kaniya. Sinundan niya ng tingin ang babaeng nagpakilalang ex ni Max at pagkatapos ay nagsimula na rin siyang humakbang para makabalik sa student council room.
"Bakit walang nabanggit si Max tungkol sa bilat na ito?" usisa ni Kris habang nagmamasid sila sa may table kung saan ilang metro ang kanilang layo sa kanilang pinag-uusapan.
"I mean hindi ko naman siya tinanong about his exes. Hindi rin naman siya nag kwento. Malay ko ba na may naging ex girlfriend pala siya." Depensa ni Ave na bakas ang pagkadisappoint.
"Aba, at anong akala mo, ikaw lang nag magugustuhan ni Max? For sure sa loob ng pitong taon hindi lang iyan ang naging kaagaw mo sa puso ni Max. Hello, ang guwapo kaya ng boyfriend mo." Singhal ni Cherry habang nilalantakan ang yogurt drink.
"Dapat pala nagtanong ako sa kaniya para hindi ako masorpresa kapag may biglang sumugod dito sa school. Na-corner ako doon mga mamsh." Malamyang tugon ni Ave.
"Yaan mo na mare, ikaw naman ang present. Hindi naman siguro mawawala na lang bigla ang feelings ni Max sa 'yo dahil lang bumalik yung ex niyang imported galing Amerika." Pilit pinapataas ni Kris ang moralidad ng kaniyang kaibigan. "Pero tingnan niyo, mukhang mayaman ang hitad. Mga branded ang suot eh."
BINABASA MO ANG
Get Along Well The Series
Teen FictionAvery Riley Villaconcepcion is the youngest student council president that graced the halls of Coventry University. He is well respected and everyone is fond with him because of his strong demeanour and personality. He is everyone's ally. Then one...