CHAPTER 14
Kinahapunan, nagprisinta na ang ibang varsity members na sila ang magi-ihaw ng mga manok para naman hindi lang si Ave ang gumagawa ng kanilang mga kinakain.
Kausap ni Sr. Belonia sina Max at Christopher tungkol sa kalagayan ng kanilang ampunan ngayon. Bibihira lang sila makatanggap ng donasyon kaya laking pasasalamat nila nang nakipag-ugnayan si Christopher sa kanila.
Paliwanag naman ni Christopher na ayaw nila ng masyadong malaking bahay ampunan kasi baka kulangin ang kanilang nakalap na pera para sa donasyon. Nakuwento rin nila na may charity works ang pamilya ni Dominic sa hospital ng pamilya niya pinaparating nito sa mga madre na handang maging beneficiary ng ospital nina Dominic ang St. Claire Missionary Home.
Natuwa naman si Sr. Belonia sa narinig niya at nagpasama kay Dominic para makapagpasalamat dito ng personal. Sumama si Christopher sa madre at naiwan si Max mag-isa. Binuksan niyang muli ang kaniyang camera para kumuha ng larawan at nahagip ng kaniyang camera si Ave na nakikipagusap kay Isaac.
Paborito na ata ni Ave si Isaac dahil simula pa kanina ay hindi na siya umalis sa tabi nito.
Inangat niya ang lente ng kaniyang camera at kinunan niya ng larawan ang dalawa habang nag-uusap.
Sa kabilang banda naman ay namromroblema si Kris kung saan siya makikitulog. Yung natira kasing tent ay hindi pangdalawang tao. Si Cherry lang ang makakatulog sa loob noon. Iniisip niya na kay Ave sana siya makitulog pero narealize niya na malamang kay Max siya sasama.
"May problema ba?" bungad ni Christopher na nakatayo sa likod niya. Nilingon naman niya ito.
"Ah eh, yung tent kasi na napunta sa amin ay maliit. Hindi kami kasiya ni Cherry sa loob. Makikisama sana ako kay Ave mamaya kaso na-realize ko na baka kay Max siya makitulog." paliwanag niya.
Napakamot ng ulo si Christopher. "Kung okay lang sa 'yo, puwede kang matulog sa tent ko. Mag-isa lang naman ako. Medyo may kalakihan din kaya kasiya tayo."
Napalunok si Kris sa sinabi nito sa kaniya. "Ah, eh..."
"Puwede naman ako magbantay sa labas kung hindi ka kumportable. Mukhang magandang mag stargazing mamaya." paglalahad ni Christopher.
"Hindi, hindi ako naiilang. Nagulat lang ako na nag-initiate ka sa akin." Totoo naman dahil laging si Kris ang kumakausap kay Christopher, never naunang nakipag-usap ito sa kaniya. "Naninibago lang ako sa 'yo kasi never kitang nakausap nang ganito." Napangiti ng mapakla si Kris. "Either inis ka o blangko lagi ang expression mo."
BINABASA MO ANG
Get Along Well The Series
Teen FictionAvery Riley Villaconcepcion is the youngest student council president that graced the halls of Coventry University. He is well respected and everyone is fond with him because of his strong demeanour and personality. He is everyone's ally. Then one...