CHAPTER 27

64 1 1
                                    

CHAPTER 27


Nagwagi bilang student council president si Max because that's what he deserves. Nagtapos naman ang college life ni Hector Villar na hindi man lang nakatapak sa council office bilang officer. Dalawang beses siyang natalo ng kaniyang junior, si Ave last year at ngayon naman ay si Max. Parehas pa silang walang experience sa pagiging officer.

Aside sa mga bagong halal na officers ng student council kaniya kaniyang officers rin ang nahalal para naman sa iba't ibang faculty. May kaniya kaniya ring set ng officers ang Faculty of Legal Management, Faculty of Accountancy, Faculty of Engineering and so on and so forth.

After ng election week ay final examinations na nila. Busy sila Ave, Cherry at Kris dahil sa majors nila ay hindi terminologies ang labanan kundi mga facts ng kaso, ruling at provisions. Pero bago sila mamroblema sa finals ay may pa-farewell speech muna ang mga current officers at induction ng new set ng student council officers. May nakahanda ring sorpresa si Ave para sa lahat kaya naman maraming estudyante ang nasa loob ng central gym ngayon para sa event.

"Good Morning, Covenians." Bati ni Ave sa kanilang lahat. "So, final examination na bukas and pasensya I know marami sa inyo ang busy mag review or anything kaya hindi na namin patatagalin ito. I just want to say thank you sa inyong lahat. Salamat kasi nagtiwala kayo sa kakayanan ko kahit literal na wala akong experience sa pagiging leader."

"Siguro masasabi ko lang na I trusted my instincts sa mga decision making na ginawa ko this year. Pero, utang na loob ko sa inyo lahat ng na-achieve ng student council this year. Hinayaan niyo akong malaman ang pulso niyo. You guys participated on all our surveys and you gave us your voices, we just delivered your messages kumbaga."

"You guys will be in good hands. Itong in-elect niyong mga officers, I can see myself in each one of them. At para naman sa inyo new batch of student council officers, always communicate and don't be afraid to voice out your opinion sa co-officers niyo. Pantay pantay kayong lahat diyan, nagkataon lang na iba't iba ang gawain na nakaatang sa inyo. Okay?" tumango naman ang mga bagong elect na officers sa sinabi ni Ave.

"Don't worry, I will still be the same Avery na nakilala niyo. You can always count on me if you need advice or anything aside from financial problems. LAMP office ang kausapin niyo for that." Biro niya, nagtawanan naman ang lahat.

"So, for my final gift to you guys. After this examination week alam ko gusto niyo na magbakasyon or whatever pero I hope na makapagparticipate kayo for the first time sa gaganaping Open House ng Coventry University."

Nagbulungan naman ang mga estudyante. Bigla namang nagflash sa big screen ang isang powerpoint presentation.

"This Open House will allow anyone from any school or university to enter the university and participate in different activities and events. Kinausap ko na ang iba't ibang club about this a long time ago and they are already prepared for this event. Ang layon ng Open House is maka-attract ng mga potential students from different school and show them what Coventry University is. Makakagala ang mga ito ng malaya sa loob ng campus, they can go and check every room, check the facilities but of course behave pa rin." Nagpalakpakan ang lahat.

"Different Faculties will also have the chance to present themselves to our visitors and give information about the nature of their faculty. This is like a school fair pero mas open sa lahat. May mga live performances from our special guests para masigurado naming nag-eenjoy ang lahat. So I hope you guys can join us to welcome the potential new members of our family and of course enjoy my farewell gift to you guys. Deserve niyo ito. Maraming maraming salamat sa pagtitiwala niyo sa aming lahat."

Get Along Well The SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon