CHAPTER 22
Katatapos lang ng huling klase nila Ave para sa umagang ito at dahil maaga pa ay napagdesisyunan nila na tumambay na lang muna sa may library dahil may kailangan raw hanapin si Cherry na libro para sa kaniyang subject na Word Literature. Sa kanilang tatlo siya lang ang nag-advance sa Word Literature subject dahil naubusan siya ng slot para sa kanilang Basic Accounting na subject. Kaya naman ang ginawa ni Cherry ay nag advance na lang ng subject na walang prerequisite.
Sa Kris ay busy sa kaniyang notes at nagbabasa dahil may quiz sila sa Principles of Marketing. Si Ave naman ay busy dahil naghahanap siya ng masusuot bukas ng gabi sa dinner party. Niyaya niya sina Cherry at Kris pero tumanggi sila dahil hindi naman sila invited ng chairman. Aside pa doon, si Cherry ay sasamahan ang kaniyang ina umuwi ng probinsya para bisitahin ang kaniyang mga pinsan samantalang si Kris ay magkukulong na lang daw sa bahay nila kasi tinatamad siyang lumabas.
Ilang sandali pa ay bumalik si Cherry sa kanilang puwesto na may dalang chismis.
"Pst...Kris. May chika ako sa 'yo." Bulong nito sa kaibigan.
Sinara ni Kris ang notes niya at nakinig kay Cherry. "Sino na naman ang buntis?" biro nito.
"Gaga. Hindi. Si Christopher, naandoon sa may dulo, kasama yung bilat ata na ka-textmate niya." Mahinang tugon ni Cherry.
Napatingin naman si Kris sa direksyon na tinuro ni Cherry sa kaniya. "Oh, tapos. Ano 'ng gusto mong gawin ko. Sugurin ko sila?" sarkastiko nitong sagot.
"Ang hina naman neto pumick up. Siyempre puntahan mo doon tapos tingnan mo yung kakumpetensya mo." Bira ni Cherry.
"Para saan pa? Nagmo-move on na nga 'di ba?" malumanay na wika ni Kris.
"Siyempre para mas lalo kang magkaroon ng drive to move on. Kapag nakita mo silang masaya or whatnot, masasaktan ka lalo. Mas madali mag move on." Hindi alam ni Kris kung anong pag-iisip ang meron si Cherry pero somehow ay napick up niya ang gusto nitong iparating.
"Yaan mo na sila. Kung masaya si Christopher sa piling nung Mary Anne eh 'di party party." Malamya niyang sagot.
"Bahala ka. Tinutulungan lang kitang mag move on. The more na iniiwasan mo silang makita together mas mahihirapan ka. Ang akin lang naman, sooner or later makakahalubilo mo sila dito sa campus. Hindi mo na sila maiiwasan. So habang maaga pa, dapat you know how to deal with it. Dapat pag-aralan mo na kung papaano mo sila haharapin na kunwari hindi ka nasasaktan at hindi ka bitter. Ganern." Litaniya ng kaniyang kaibigan.
"I mean kaya ko naman gawin 'yon. Kunwari wala akong pake sa kanila. Patuloy ang buhay." Sagot ni Kris.
"Mas lalo kang magmumukhang bitter kapag ginawa mo iyan. Ang sinasabi ko sa 'yo ate, you need to learn how to deal with it na para bang wala na lang sa 'yo. Ngayong jowa na ni Ave si Max, for sure magkikita at magkikita kayong dalawa, ang masaklap kayong tatlo. Sanayin mo nang makita silang magkasama. Andoon sila malapit sa may reservation area." Turo ni Cherry.
Napaisip si Kris sa sinabi ni Cherry sa kaniya. Magmumukha nga siyang obvious kapag iniwasan niya si Christopher. Kailangan ipakita niya dito na okay lang siya after everything that happened. Iniisip rin niya na friends na sila kaya may posibilidad na magtaka si Christopher kapag bigla siyang umiwas sa kaniya dahil lang sa kagustuhan niyang mag move on.
BINABASA MO ANG
Get Along Well The Series
Teen FictionAvery Riley Villaconcepcion is the youngest student council president that graced the halls of Coventry University. He is well respected and everyone is fond with him because of his strong demeanour and personality. He is everyone's ally. Then one...