Hindi ko namalayan na dito pala ako dinala ng mga paa ko. Nakapagtataka na dito pa talaga ako dinala na kung saan mas nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko.
Marami pa rin ngayon mga tao sa paligid kahit na madilim. Ngunit meron naman mga ilaw na nagsisilbing tanglaw sa kadiliman.
May mga pamilyang nagkakasiyahan. Ang sarap nilang pagmasdan na nagkakatuwaan. Nakikita mo sa kanila na sila ay isang nagmamahalang pamilya, buo at may galak. Meron ring mga kabataan na nagpapalipas oras. May mga magkakaibigan na umaapaw ang saya sa kanilang mga labi. Mga asaran, kwentuhan at hagikgik nila ang iyong maririnig sa gabing ito. May mga magkasintahan na magkasalo sa kanilang tamis ng pagmamahalan. Hindi naman ako sa naiinggit pero may parte pa rin sa puso ko na sana maging masaya sila sa isa't isa tulad ngayon.
Nawala ako sa sarili ko na matagpuan ko na lang ng sarili ko na nakahiga sa isang bleachers dito at nakasilip sa alapaap. Tulad ng mga tao rito ay nagkakasiyahan din ang mga bituin. Hindi nila iniinda ang dilim na bumabalot sa kanila.
Naramdaman ko ang mainit na butil ng aking luha na pumasada sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay palagi akong nag iisa. Pakiramdam ko ang mga bituin ay sinusundaan ako para iparamdam ang lungkot ng buhay ko. Pakiramdam ko nakakulong ako sa isang tanikala ng kapighatian.
"Kung ang pakiramdam mo ay nag iisa ka, nandito lang ako" puno ng sinseridad ang kaniyang boses.
Hindi ko mawari kung bakit tumigil ang aking mga luha sa pag agos dahil sa simpleng pangungusap na binigkas ng eatrangherong lalaki ngayon. Nakatutok pa rin ako sa kalangitan ngayon. Pilit iniinda ang presensya niya.
"Kung ang pagiging malungkot ay isang biyaya tulad ng saya, hindi ko na hihilingin pang maging masaya basta ako ang una mong lalapitan sa tuwing madaya ang kasiyahan sayo" saad niya at ako ay nanatiling walang imik. "Kung ang kasiyahan man ay tulad ng isang bituin, mahirap man itong abutin ngunit gagawa ako ng paraan para ika'y sungkitin" napalingon ako sa kaniya at ramdam ko ang titigan naming dalawa. "Ash" nagtayuan lahat ng balahibo ko ng banggitin niya ang palayaw ko.
"Que patawad kong umalis ako ng walang paalam" napayuko siya ng sabihin niya iyon.
"Bakit may magagawa pa ba iyang patawad mo sa gabi gabing umiiyak ako? Bakit sinamahan mo ba ako noong panahong wala nang luhang lumalabas at tanging bituin na lang ang karamay ko" nagsimula ng gumaralgal ang boses.
"Sabihin mo nga Greg, bakit?" Pagmamakaawa ko sa kaniya.
Nagsimula ng magsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Humakbang siya papalapit sa akin pero pinigilan ko.
"Iyong mga panahong kailangan kita bakit wala ka? Iyong mga panahong kailangan ko ang mga pangako. Nasaan na? Hindi ba wala ka. Kasi mas pinili mo akong iwan dahil sa simpleng pag amin ng nararamdaman ko sayo. Minsan nga tinatanong ko na lang ang sarili ko. Ano ang mali sa nararamdaman ko sa'yo dahil mas kinailangan mong umalis at iwan ako? May mali ba Greg?!" Medyo napapataas na rin ang boses ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Hindi ko na hinintay ang mga sagot niya dahil hindi ko na kaya kung ang mga isasagot niya ay hindi kaayaaya sa pandinig ko. Kasi mas pinili niya akong iwan para makatakas sa akin. Kasi pinili niyang umalis para iwasan ako at maghanap na lang ng iba.
"That time nalaman kong may cancer ako"
Bigla akong napahinto sa lakad takbo na ginagawa ko. Bigla ko rin natuptop ng kamay ko ang bibig ko. Napaharap ako sa kaniya.
"Anong sabi mo?" Medyo nahihirapan na rin akong magsalita.
"Pwede ba muna tayong umupo kasi nahihilo na rin ako Que"
Sumunod na lang ako sa gusto niyang sabihin dahil nag aalala na rin ako sa kaniya. Sa isang iglap lang ay parang gumaan ulit ang pakiramdam ko sa kaniya. Naupo kami sa inupuan ko kanina. Sa una walang nagsasalita at nagpapakiramdaman. Ngunit...
YOU ARE READING
The One Last Piece
FanfictionThe emotions and feelings we used to be. Someone who destined to feel this emotion. All these things happens for a reason, she despite all of her feelings too. It's hard to choose if has no option but a decision is a must to move forward for a next...