Chapter 4

6 0 1
                                    

Books can also provoke emotions. And emotions sometimes are even more troublesome than ideas. Emotions have led people to do all sorts of things they later regret-like, oh, throwing a book at someone else.

Ito ang isa sa mga quotes na gustong gusto kong basahin kapag nandito ako sa condo mag isa at walang pasok.

Nakita ko yan sa isang mall dito sa Pasig. Unang kita ko pa lang sa quote na nababalutan ng frame ay nakapagpaantig na sa aking paningin. Isa siyang quote na nasisilyuhan ng  frame na pang castle frame. Nakukulayan ng ginto ang kaniyang pananggilid. Kung saan nakaimprinta ang sulat ay may background itong lalaki na walang mukha, hindi ko alam kung bakit mukha siya. Iyong mukha niya ay natatakpan ng puting pintura na inayos upang kahit papaano ay maging presentable sa mata ng mamimili. May lapad itong walo at may habang labing tatlo. Maliit lang ito kung titingnan pero malaki naman ang impact para sa akin.

Mahilig ako magbasa ng mga libro. Nahihiligan ko ang mga fiction stories na romance pero mas nagugustuhan ko iyong mga masasaklap ang katapusan. Minsan kapag walang trabaho nagbabasa ako ng mga libro para may mapaglibangan. Kaya't kung minsan umiiyak na lang ako mag isa rito sa kama at nagdadrama. Hindi ko maiwasan umiyak kapag nasasaktan at iniiwan yung bidang babae ng lalaki. Tapos kapag natapos na ako magbasa nag-iiba ang perspektiba ko sa mga lalaki. Nagiging masama sila sa isipan ko. Ngunit hindi ko hinahayaan na lamunin ako ng mga kuro-kuro ng nasa libro at magpakalunod sa mga sari-saring opinyon.

Biglang pumasok sa aking isipan iyong binabasa kung libro na hindi ko pa tapos. Binabasa ko pa iyon kahapon sa office habang nagpapalipas ng oras.

Hinanap ko siya sa bag pero hindi ko mahagilap at makita. Inilabas ko ang lahat ng gamit ko. Ang kalat pala ng gamit ko. Parang hindi ako babae na perfectionist. Sa pagkalkal ko ng gamit nakita ko yung lip gloss ko na hinahanap ko pa noong isang araw. Nandito lang pala ito, napakaburara ko talaga pagdating sa gamit.

Hindi ko talaga mahanap yung libro. Nasa may kaabang-abang na pangyayari na ako, na magkakaroon na ng closure sa kanilang dalawa. Nagagalak na akong malaman kung ano na ang susunod ngunit hindi ko makita yung libro. Nga pala, ang pamagat ng libro ay Ang Hantungan na sinulat ni Likong Bakal, hindi ko malaman kung code name yung pangalan niya.

Habang naghahanap pa rin ako nung libro may nagdoor bell. Ngunit wala naman ako inaasahang bisita ngayon. Nasundan pa iyon ng dalawang pagpindot at tunog. Kaya pumunta na lang ako sa harap ng pintuan upang pagbuksan. Baka iyon ang nagsisingil ng tubig kasi every sunday iyon sumisingil ng tubig.

Pero napaawang iyong bibig ko sa gulat kung sino iyong nasa harapan. Hindi ako makakilos ng maayos at makapag isip ng mainam na tugon.

Agad kong isinara ang pintuan at huwag na lang papasukin ang taong nariyan pa rin at naghihintay na pagbuksan ko ulit ng pinto. Nagpupumilit pa rin siya, nakailan katok na siya at wala yatang umalis kahit sa unang pagkakataon ay hindi ko siya pinansin.

"Umalis ka na at huwag ka ng babalik pa!" Paghihimutok ko dahil sa inis na nandiyan siya.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto at ikaw ay makausap" ramdam ko sa boses niya ang dedikasyon na wag umalis at makausap ako pero may bahid pa rin ng kalungkutan ang kaniyang boses.

Matagal tagal ko na rin na hindi ko naririnig ang kaniyang boses. Iyong boses na gustong gusto ko marinig sa bawat araw. Iyong presenya niya na hinahanap hanap ko sa tuwing ako ay may problema o nalulungkot.

"Wala na dapat tayong pag-usapan. Dahil sa una pa lang wala naman talaga" nagsisimula nang maging basag ang aking boses at baka umiyak na naman ako. "Kaya nakikiusap ako na umalis ka na" pagpapakiusap ko sa kaniya.

"Please naman Que kausapin mo ako" narinig ko na naman ang tawag niya sa akin na noong dati rati ay kulang ang araw ko na hindi ko iyon naririnig na galing sa kaniya. "Gusto lang kitang makausap ngayon. Please Ash?" Nagmamakaawa niya na ramdam ko na parang naiiyak na siya.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now