Chapter 18

3 0 0
                                    

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nahihimbing tulog ni Jake. Makikita mo sa kaniya ang pagiging kalmado. Alam kong nahihirapan siya sa nangyayaring ganito sa buhay ko. Kahit na itago niya sa akin iyon ay pawang sinasabi ng mga mata niya na nahihirapan din siya kung kaya at mas pinipili niyang magpakatatag.

Tumayo na lang ako sa pagkakahiga. Mabuti na lang at mahimbing ang kaniyang tulog. Napagpasiyahan kong umalis na lang. Kumuha muna ako ng mga damit ko at mga gamit na kailangan. Bago ko pa makalimutan ay kinuha ko ang libro. Alam kong magagamit ko rin ito.

Hindi ko kayang iwan siya. Kahit papaalis pa lang ako ay naiiyak na ako at parang ayaw ko nang humakbang pa. Namalayan ko na lang ang sarili ko na pinagmamasdan siya sa malapit.

"Alam kong ginagawa mo ito dahil mahal mo ako at dahil sa mahal mo ako, nagagawa mong maging matatag sa akin" hinawakan ko ang kaniyang pisngi. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka na muling mahihirapan pa. Hanggang sa muli aking Doctor Fence."

Lumabas ako ng kwarto na pawang mugto ang mga mata sa kakaiyak. Nang umalis ako roon ay may iniwan akong sulat sa kaniya. Alam kong makikita niya rin iyon. At alam ko rin na maiintidihan niya kung bakit ko nagawang umalis at iwan siya. Hindi ko kayanh mamatay siya nang dahil sa akin at ayaw kong makita mismo ng mga mata ko na umalis siya sa tabi ko. Hinding-hindi ko kalayanin iyon.

Nang makababa na ako. Nagulat ako na may biglang tumakip sa bibig ko. Hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari dahil sa kawalan ng malay. May kakaibang kemikal ang panyong gamit ng may gumawa nito sa akin dahil hindi ko na nalabanan pa ang pagpikit ng mga mata ko.

Bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nasambit ko pa ang pangalan ni Jake kasabay ng pag-agos sa pisngi ko ang katiting na butil ng luha.

JAKE'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napansin ko rin na wala na si Ashley sa tabi ko. Napabalikwas ako ng masilayan ko iyon. Agad kong sinuyod ang bawat pwedeng puntahan sa lwartong ito ni Ashley. Nilibot ko na rin ang buong building.

Nanghihina na ako nang makabalik ako sa unit niya. Napahilamos na lang ako dahil sa wala si Ashley. Masyado akong nag-aalala sa kaniya. Ngunit sa kabila nito ay naramdaman kong basa ang mga palad ko. Hindi naman ako pinagpapawisan ngunit bakit basa. May maliliit na butil ng tubig. Nang dumako ang paningin ko sa lamesa ay alam ko na kung bakit. Naramdaman ko kasing may dumampi sa mga pisngi ko at parang may mga tubig na unti-unting pumapatak sa pisngi ko.

Kinabahan ako sa bagay na iyon. Tumayo ako agad para maabot ang bagay na iyon.

Nang mabuklat ko iyon ay agad na nanginig ang mga kamay ko at napaupo sa kama. Hindi ko maiwasang kabahan sa kung ano ang nilalaman ng sulat na ito.

Dear Doctor Fence,

You'll always be my Fence forever.

Sa una pa lang na magkita tayo ay may kakaiba na akong naramdaman sa'yo. Sa una, hindi ko maipaliwanag ang bagay na iyon pero sa huli ay alam ko na kung anong nararamdaman iyon.

You gave me a reason to breath, to live, to be happy and to be loved. I am happy that we're meant to be but it was just fate.

I found comfort and safe zone in your side. I cannot wish some more because you love me the most as you do. When things are getting to be seen, I wish we're saw each other. When love is being not complicated, I will never let you go. When rain speaks more than the clouds, I hope you see our rainbow. When you and I are meant to be, stars will shine above  as our constellation met each other.

I love you Doctor Mazon Jake Verdad and my Fence. Be happy to me and I will be happy to the both of us.

Your Fence,
Quelle Dolores Flores

The One Last PieceWhere stories live. Discover now