Chapter 6

5 0 0
                                    

Stress na stress na ako ngayon. Sa dinami-daming office works ang pinapagawa ngayon araw. Hindi na nga ako nakapag almusal kaninang umaga para lang dito.

Madaming pinapagawa ngayong araw  dahil kailangang ngayong week ay matapos na ito. Matatapos na kasi ang taon. Dahil December ngayon maaga ang pagkawala ng trabaho namin upang maenjoy naman ang Christmas vacation and also the new year's countdown.

Ilang week na rin kaming ganito kaya puspusan ang pagtatrabaho.

"Uy Que tapos ka na ba diyan sa ginagawa mo? Kain muna tayo sa baba hindi pa ako nag almusal kanina" aya niya sa akin na hindi na mapinta ang mukha.

"Sorry Gret mauna ka na. Busog pa naman ako" pagsisinungaling ko. "Tataposin ko pa itong ginagawa ko"

"Sige. Kapag nagutom ka sumunod ka na lang o kung gusto papahatiran na lang kita ng pagkain dito sa office?"

"Ahmm mineral water para pamparefresh ng utak, chocolate para gumana ang utak at kahit pasta na lang para magkaroon naman ng laman ang tiyan ko" hirit ko sa kaniyan na hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi nito. OA lang?

"Dami mong alam bes. Sige papadala ko na lang dito kay Paulo."

"Ang landi mo girl" kay Paulo pa talaga. Si Paulo yung crush niyang bakla. Matagal niya na yung natitipuhan kaso nga lang iisa lang kanilang hanap, LALAKI. "Pumaparaan ka rin ano?"

"Hoy kapal mo! Sadyang mabait lang si Paulo, disente, mabango at palaging fresh" nag iilusyon na naman itong bakulaw na ito.

"Ang sabihin mo kasi, bakla siya kesyo desente, mabango at palaging fresh kasi nga talo ka pa niya sa pagiging babae!" Bulyaw ko sa kaniya para matauhan na siya.

"Tse!" Sabay may pa walk out with flip hair.

Sana nga dalhan pa rin niya ako ng pagkain kahit todo lait na ang ginawa ko sa kaniya. Ang harsh ko naman kay Paulo. Hays. Ang sama sama ko talaga.

Mas mabuti nang bumalik sa trabaho baka kung saan pa mapadpad ang isip ko.

Habang nagkukulikot ako sa computer may lalaki sa harap ko. Baka ito na si Paulo. Hindi na rin ako nag abala tingnan siya dahil busyako dito sa ginagawa ko.

"Pakilagay na lang diyan Paulo sa may space diyan sa gilid. Salamat" sinunod niya man ang sinabi ko. Nandoon na ang mineral water, chocolate at pasta tapos may kasama pang dessert na cake with chocolate flavor. Nice, perfect kasi nagkicrave ako ngayon sa chocolate.

"May kailangan ka pa ba Paulo, sabihin mo kay pangit na mamaya ko na lang siya babayaran pag akyat niya rito" kanina pa siya hindi umaalis sa tapat ng table ko.

Hindi talaga siya gumagalaw kanina pa. Naririnig ko rin siyang nagbubungisngis. Pinagtatawanan ba ako nito?

"Bakit ka diyan tumatawa Paulo?" Inis kong sabi sa kaniya na agad man siyang napatahimik. Pero hindi talaga siya umaalis kaya napagdesisyunan ko ng harapin siya.

"Crush mo ba ako Paulo? Sorry si Sir Andrie ang crush—." Pero laking gulat ko na hindi si Paulo ang nasa harapan ko kundi si Sir Andrie.

Agad akong napatayo sa upuan napayuko. Lagot na. Sana hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi ko. Malilintikan tayo nito kapag nabuko niya ako.

"Ah kayo po pala yan Sir Andrie, ano pong sadya niyo?" Pagpaphumble ko sa kaniya with parang natatae effect para hindi niya mapansin na trigger na ako.

"Hinatid ko lang itong pagkain mo, binigay sa akin ni Gretchen. Kaya heto ako ngayon." Halatang nagpipigil ng tawa. "At ano yung narinig ko na ang may nagkakagusto sa akin, sino ulot iyon? Tanong niya sa akin.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now