Chapter 3

8 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na kumakawala sa kurtina galing sa bintana.

Anong oras na ba?

Pagkakita ko pa lang sa oras ay nagulat na ako. Oh my gosh. Late na ako sa trabaho ko.

Lagot ako nito sa trabaho ko. Mabuti na lang tinapos ko kahapon yung kailangang ipasa mamaya.

Hindi na ako nag almusal, deretso na lang ako sa banyo at naligo. Wala pang 10 minutes e natapos na akong maligo. Nakakahiya naman sa babaeng katulad ko, 10 minutes lang e tapos na. Di pa naman ako sanay na kaunting minuto lang ang ligo. Nakakainis.

Bilis-bilis akong nagbihis ng pangtrabaho. Sa pagmamadali ko, naputol ko iyong dalawang hanger. Sunod naman, hindi ko mahanap yung sapatos ko. Saan ko ba yun nilagay kagabi. Haaa! Burara talaga ako pagdating sa gamit. Mabuti na lang nakita ko sa may dinning area. Nakakapagtaka bakit dito ko ito inilagay.

Wala pang 20 e natapos na akong mag-asikaso.

Nakasakay na ako ngayon sa jeep papunta sa kompyang pinagtatrabahuhan ko na madadaanan naman galing sa condo ko.

Ang bagal lang ng jeep. Bakit ngayon pa kung kailan late ako. Ang dami pang kakwentuhan ni kuya. Akala mo naman reporter. Kung makatanong e tinalo pa ang 5W's at 1H ng journalist. Kanina pa sila nagkuwentuhan tungkol sa banggaan somewhere sa San Joaquin, Pasig. Lahat na lang ata napansin ko at nagreact sa kwentuhan nung dalawa. Kasi nga daw yung nakabangga, parang na love at first sight daw dun sa babaeng naglalakad sa may daan. Kaya ayun nabangga sa kapwa niya rider. Nakakapagtaka nga raw kasi yung lalaki pagkatapos nabangga e tumakbo pa papunta dun sa babae para hingin ang pangalan at number.

Ang lakas siguro ng tama nung lalaki dun sa babae. Naaksidente na nga lahat nagawa pang maglandi. Grabe naman ako kung maglandi. Judgemental din siguro ako? Lol hindi ko alam HAHAHA

Bored na ako rito sa jeep. Nakikinig na lang ako sa kanilang mga kwento. Hays.

Mabuti na lang nandito na ako.

Agad akong tumakbo papuntang office. Hindi ko namalayan kung nakabayad ba ako kay kuya ng pamasahe kasi kamamadali kung bumaba. Bahala na yun si kuya, busy naman makipagkwentuha dun sa katabi niya.

Kinakabahan akong tumakbo sa hagdan papuntang second floor e puno na yung elevator. Hingal akong nakadating sa department namin. Mabuti na lang busy silang lahat sa ginagawa nila kaya hindi nila ako napansin.

Pagtingin ko sa orasan 8:56 am na. Late na ako ng isang oras pagkatapos ng apat na minuto. 8:00 ang pasok ko ng umaga  hanggang 4:30 naman ng hapon.

"Hoy! Akala mo hindi kita mapapansin na late ka!" nagitla ako kay Gret na bigla bigla na lang sumusulpot kung saan saan.

"Ay 8:56! Huwag ka ngang maingay diyan. Nakakagulat ka naman!" kinakabahan kong tugon.

"Lagot ka bruha kay Sir" nagbababalang sabi ni Gret sa akin. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"Ba—kit daw?"nauutal kong sagot. Para akong pinanghihinaan ng loob. Parang bumabalik yung una kong pagpasok dito.

"Pinapatawag ka ni Sir Andrie sa taas, sa kaniyang office raw. Mukhang mababawasan ang accounting department ng isang myembro ah. Makapagcelebrate nga." Agad ko siya sinamaan ng tingin at nakuha naman siya sa isang mabagsik na tingin. Nakuha pang magpeace sign ang bruheta. Nakakakaba.

"Dalhin mo raw yung pinapagawa sayo kahapon" pagpapaalala niya. Nag thumbs up na lang ako. Para akong nawalan ng boses dahil sa nararamdaman kong kaba.

Papunta na ako ngayon sa taas.

Biglang sumagi sa isip ko yung kaganapan kagabi. Nakakahiya na makita ako ngayon ni Sir. Parang gusto kong bumalik na lang sa baba at ibibigay ko na lang kay Gret at siya na lang ang magpasa kay Sir. It's a bright idea. Pero baka mangyari yung kinakatakot ko na baka wala na akong maabutang trabaho kapag hindi ko ito ipinasa ngayong araw.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now