"I'll promise that you will never be hurt again." ramdam ko yung pangako niya na puno ng emosyon.
"Pangako? Na hindi mo ako sasaktan?" Paninigurado ko sa kaniya kung nagsasabi ba siya sa akin ng totoo na hindi niya ako sasaktan.
"Pangako" hindi siya nag-alinlangang sabihin ang nag iisang katagang iyon.
Simula noon ito na ang pinanghahawakan kong pangako niya na hindi ako masasaktang muli. Umaasa ako sa kaniyang pangako. Umaasa ako na sana tuparin niya ang kaniyang pangako.
Nagising na lang ako sa panaginip kong iyon. Naramdaman ko na lang na may mga luha nang umaagos sa aking pisngi papunta sa unan. Marahan kong pinunasan ang aking luha. Namalayan ko na lang na nasa harap na pala ako ng tarangkahan sa may bintana. Aliw na pinagmamasdan ang bituin sa kalangitan. Nagsisimula ng dumilim ang kapaligiran at unti unti ng lumiliwanag ang mga hugis butil sa kaitaasan. Kay sarap pagmasdan ito lalo na at sa ganitong sitwasyon.
"I'll promise that you will never be hurt again." ramdam ko yung pangako niya na puno ng emosyon.
Pumasok na naman sa aking isipan ang alaalang iyon. Saglit lang akong tumahan sa pag iyak ngayon ay sumisilip na ang mga luha sa aking mga mata. Marahan kong pinikit ang aking mga mata upang sa ganoon ay mapigilan ko ang pag-agos nito.
Naramdaman ko na lang na kumulo ang aking tiyan. Dala ng pagod sa pag-iyak. . Napagdesiyunan ko na lang na bumababa at bumili ng pagkain at sa ganoon ay doon ko na lang kainin.
***
Kasalukuyan akong nag oorder ngayon ng gabihan ko. Napansin kong may tumabi sa akin na lalaki at nag order ng same order ko. Nakakapagtaka nga na familiar iyong lalaki sa akin; sa tindig at galaw ay mapapansin ko sa kaniya ang isang lalaking kilalang kilala ko. Ngunit hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakacap ito na nagsisilbing panangga sa kaniyang mukha. Kaya hindi ko na lang pinagmasdan pa dahil baka akalain niyang pasekreto akong tumitingin sa kaniya sa malayo.
"Miss ito na po iyong order niyo" natauhan ako ng magsalita yung staff. Kanina pa pala niya binibigay yung order ko.
"Thank you miss" iyon na lang naisatinig ko. Nakakahiya sa kaniya na baka napansin niyang kanina pa ako lutang.
Nagsimula na lang akong kumain sa napili kong table. Mabuti na lang at nadala ko yung cellphone at earphone ko bago pumunta rito. Pumipili ako sa isa sa mga paborito kong mang-aawit. Hindi nakapagtataka na ito ang pipiliin ko dahil sa lahat ng bagay kapag malungkot ako ito ang pinapakinggan ko.
Tell me something
When the rain falls on my face
How do you quickly replace it
With a golden summer smileSa bawat subo ko ng pagkain ay napapatahimik ako nitong ngumuya. Palagi talaga akong nadadala nitong kanta sa intro pa lang. Sana nga mabilis mapalitan ang aking nararamdaman into a happy face.
Tell me something
When I'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make everything alrightSa tuwing napapakinggan ko ito ay naalala ko ang isang tao na gustong gusto ko ng makita ulit. Iyon ay si Mama dahil sa tuwing malungkot ako nandiyan siya palagi para patahanin ako at pasayahin din. Nakakamiss ng palaging nandyan si mama sa paligid ko. Ngunit matagal na siyang wala sa tabi ko.
YOU ARE READING
The One Last Piece
FanfictionThe emotions and feelings we used to be. Someone who destined to feel this emotion. All these things happens for a reason, she despite all of her feelings too. It's hard to choose if has no option but a decision is a must to move forward for a next...