Minsan ang isang tao ay nakararamdam ng iba't-ibang emosyon. Minsan masyadong sobra o hindi nakokontrol. Emotions are transparent ika nga ng iba, pero sa iba ay hindi mo makikita.
Siguro ayaw lang nilang ipakita na mahina sila o gusto nilang maging matapang sa harap ng ibang tao, na ayaw mahusgahan ng karamihan. O siguro nga sa tagal na ng panahon at sa mga karanasan nila. Nagiging ganito sila katapang na hindi ipakita ang kanilang tunay na nararamdaman. Piniling manahimik, magbalat kayo upang hindi na mapansin ng iba. Ginusto na lamang na magpanggap para lang mapakita sa iba na ayos lang. Para hindi mag-alala at magkunwari na hindi ka nasasaktan. Mas piniling magpanggap na matatag at masaya, kahit sa loob loob mo ay durog na durog na at hindi na kinakaya ang matinding kalungkutang nitong hatid.Hindi ko maiwasang magmuni-muni kung may karapatan ba tayong pagkaitan ng emosyon. Upang walang may nasasaktan, walang may nahihirapan at walang may umiiyak. Sana nga emotionless na lang ang isang tao para hindi maranasan ang mga ganitong sitwasyon.
Kung hindi lang tayo nagiging masaya, nalulungkot, natatakot o ano pa mang emosyon mayroon ang isang tao. Ano kaya ang pakiramdam? Malalaman lang ng isang tao ang pakiramdam kung naroon ka na sa mismong sitwasyon. Iyong tipong wala ka nang kawala, hindi mo na kayang umahon pa sa iyong emosyon. Parang binabalot ka nito upang wala ka nang kakayahan pa. Samakatuwid, hindi naman talaga emosyon ang kalaban natin kundi mismo ang ating mga sarili.
Kung saan-saan na nakararating ang aking agam-agam sa sarili kung bakit ako nag-iisip ng mga bagay na nagdudulot lang sa akin ng kapighatian. Nakapagtatakang isipin.
Lintik kasi iyong napanood kong K-drama. Lakas maka impluwensya ng nararamdaman. Kagabi ko pa ito iniisip pero hindi ko maitago sa aking sarili na ako ay malungkot. Adik lang siguro ako sa K-drama o nadala lang ako noong kwento. Kasi naman yung lalaking bida ay paasa at hindi tinupad ang mga pangako. Duwag at hindi ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.
Humikab ako na dala ng antok at pagod.
Inaantok pa ako ngayon. Tinapos ko pa yung dalawangpu't dalawang episodes kagabi. Ang gwapo kasi nung bida hot and yummy. Ayan tuloy puyat ako. Mga alas dos na rin ako natulog. Bagaman naalimpungatan ako ng alas singko dahil sa hindi inaasahang tunog na nanggagaling sa kabilang unit. Nakakayamot dahil sa ganoong oras ay nagising ako. Buwisit talaga! Ang lakas pa naman, mga rock song kaya ang kaniyang pinapatugtog sa ganoong oras. Nakakapwerwisyo.
Teka nga saan na ba lumalakbay ang isip ko, kung saan saan na nakararating?
Hays, buhay nga naman.
"Mahal ka nun huwag kang mag-aala, nambababae lang iyon" irita ko siyang tinignan ng masama.
"Hoy! Kapal mo ha. Porket iyang hinahangaan mo lang e bakla" mapakla akong tumawa. Lakas talaga nito e siya ang nauna tapos pikon, inirapan ba naman ako. Duhhh. Ganito kami palagi kapag nag-aasaran sa isa't-isa. Bulyawan ng mga nagugustuhan namin at laitan din kung minsan.
"Bahala ka nga diyan Quelle, palibhasa babaero yang si–" agad kong tinakpan ang kaniyang makating bunganga.
Eh kasi naman ayaw kong malaman nila na nagkakagusto ako sa boss ko. Ano ba ang nagustuhan ko dun sa kupal na yon este kay Andrie. Sabi kasi nila babaero daw yan nung college days nila. Marami raw iyang pinaiyak na babae. Mabuti na nga lang hindi ko siya nakilala at magkaiba kami ng pinapasukang paaralan. Pangmayaman kasi yung paaralan na pinasukan niya na exclusive lang sa mga mayayamang katulad niya.
Paumanhin, ako nga pala si Quelle Dolores Flores, nakakaasar lang e yung ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko na may Dolores. Ok na sana kung Quelle lang ang lakas makaakit ng lalaki hehe. Twenty three years old na ako at single at ready to mingle haha. Mabait naman ako tapos maganda ehe. Simple lang naman akong babae hindi lang halata kasi nga mukha akong siga.
YOU ARE READING
The One Last Piece
FanficThe emotions and feelings we used to be. Someone who destined to feel this emotion. All these things happens for a reason, she despite all of her feelings too. It's hard to choose if has no option but a decision is a must to move forward for a next...