Nagising ako sa mabangong amoy na nanggagaling yata sa kusina.
Sino kaya ang nagluluto?
Wala naman akong kasama sa kwartong ito. Pero bakit ang amoy ay nanggagaling sa kusina ko. Baka sa kabilang kwarto nanggagaling ang mabangong amoy na iyon. Natatakam tuloy ako sa masarap na amoy ng sibuyas at bawang.
Siguro iyong mag asawa sa tapat ng kwarto ko. Pero hindi naman yata kasi minsan lang iyon umuwi rito o baka naman si Sir Andrie ang nagluluto.
"Pwe-de muna ba akong mag-stay diyan kahit ngayong gabi lang? Na misplaced ko kasi yung card at susi ko sa kwarto ko."
Napabalikwas ako sa higaan.
Oo nga pala dito natulog si Sir Andrie kagabi.
Hinalukat ko ang bag ko at kinuha yung maliit na salamin. Ang buhaghag ng buhok ko. Nakakainis. Para akong baliw sa itsura ko. Sunod ko namang hinanap ay iyong suklay pero hindi ko mahanap. Naiwan ko pala sa banyo kagabi. Lintik talaga iyan ang malas ko naman.
Dali dali akong pumunta sa banyo pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay...
"Good morning Quelle."
"Good morning din" sinabi ko iyon ng nakatalikod at dali daling binuksan ang pinto.
Nakakainis ang dugyot kong tingnan sa salamin. Naghilamos lang ako ng mukha at nagsipilyo. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok kong buhaghag na.
Pagkalabas ko ay nakaabang na si Sir Andrie sa pintuan.
"Tara kain na tayo?" Pang-aaya niya sa akin.
Talaga naman pinagsisilbihan ako nito. Dapat ako ang magluto e. Unang una ako ang babae. Dapat nasa akin ang posisyon na yon e. Pangalawa, bisita ko siya rito o sabihing pinatuloy ko siya rito sa kwarto ko dapat ako ang magsisilbi sa kaniya. Pangatlo, boss ko kaya ito.
Bakit ba hindi ako nagising ng maaga?
Kaasar naman kasi itong lalaking ito hindi ako pinatulog kagabi, mga anong oras na ako natulog dahil kakaisip ng mga sinabi niya kagabi.
Bago kasi siya matulog ay may kung ano ano pa ang sinabi niya...
Habang ako ay nakahiga na sa kama at siya naman ay nasa couch.
"Quelle tulog ka na ba?"
"Hmm hindi pa. Bakit?"
"Pwede ba tayong lumabas bukas pagkatapos ng work mo?"
Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na aayain niya akong magdate ay mali lalaba lang pala kami.
Pero pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Greg. Na lalabas din kami. Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng pagsabayin ko. Pero mas nauna si Greg kay Sir Andrie. At ngayon na lang ulit kami magkakausap muli.
"Ahmm sorry Sir Andrie. Nakapag-oo na po ako kay Greg na lalabas din kami pagkatapos ng work ko bukas."
Nangibabaw ang katahimikan. Baka nagkatulog na si Sir kaya hindi na siya nagsalita pa ulit. Pero nagsalita ulit siya.
"Manliligaw mo ba iyong Greg na iyon?"
Nabigla ako sa tanong niyang iyon. Pero nasundan pa ng isa pang katanungan.
"O boyfriend?"
Nagugulantang ako sa mga tanong niya. Akala ko sa isa lang ako magugut pero mas nakakagulat pa pala iyong pangalawang tanong niya.
YOU ARE READING
The One Last Piece
FanfictionThe emotions and feelings we used to be. Someone who destined to feel this emotion. All these things happens for a reason, she despite all of her feelings too. It's hard to choose if has no option but a decision is a must to move forward for a next...