Chapter 19

6 0 0
                                    

"Experience and practice makes it perfect huh?" Nagawa niya pang tumawa sa kabila ng panghihina niya at ganoon din ako. "Dapat hindi mo ginawa iyon at tumakbo ka na lang." Matapos niyang sabihin iyon ay umubo siya ng dugo.

"Huwag ka ng magsalita. Mas lalo ako nahihirapan" ayaw kong makita ang kalagayan niya ngayon.

"Mahal na mahal kita" mahinahon niyang sabi.

"Mahal na mahal din kita. You'll always be my Doctor Fence" umiiyak kong sabi.

Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang unti unting pagpikit ng mga mata niya.

Iyak ako ng iyak dahil sa wala na siya. Bakit ganito? Bakit? Bakit namamatay lahat ng mga taong minamahal ako at minamahal ko? Bakit?

Kahit na wala na siya ay yakap yakap ko pa rin siya kahit na walang pabalik na yakap. Gusto kong kahit sa ganitong paraan lang ay nandito pa siya sa tabi ko. Ayaw ko ng umalis sa tabi niya.

Halos wala na akong makita dahil sa iyak na lumalabas sa mata ko. Kasama ng masaganang luha ang matinding sigaw ko na umaabot sa buong gusaling ito.

Hindi ko namalayan na tumahan na ako sa pag-iyak habang yakap ko pa rin si Jake. Hindi kagaya ng dati na maraming luha ang naibigay ko na. Katulad ngayon ay marahan na lang umaagos ang mga luha ko.

Hindi ko malaman kung bakit napatingin ako sa gawi ng libro. Marahas kong kinuha ito at binuklat ang pinakahuling pahina.

Hindi pa man gaanong magaling ng sugat kahapon ay ininda ko ang pagpiga ng mga palad ko. Walang pang segundo ay tumulo na ang mga dugo. Hindi na ako gumamit ng panulat.

Nang lumapat na ang hintuturo ko ay doon dumadaloy ang dugo. Nagsimula na akong gumuhit ng mga letra at bumuo ng pangungusap. Kasabay ng pagtulo ng dugo ko ay ang pagpatak ng mga luha ko. Habang sinusulat ko iyon ay nakahawak ako sa kamay ni Jake. Tiningnan ko siya bago ko tapusin ang pangungusap ko at marahang nag-ukit ng tuldok upang sa ganoon ay tapos na ang pahinang ito.

Hindi pa nagtatagal ay tila isang basa ang mga dugong nakaukit doon. Unti unting hinihigop ng mga papel ang bawat nandoon.

Wari may isang liwanag ang mga lumalabas sa libro at may mga kaganapang ipinapakita.

Dolores Buenvinido Guerrero (1532)

Kasabay ng pagsulat ko sa unang pahina ng librong ito ay ang pagkawalaa ng taong pinakamamahal ko. Pinatay siya ng isang hindi matukoy na nilalang sa aming bahay. Pagkadating ko doon ay pawang ang katawan niya ay naliligo sa dugo. Masakit makita na ganoon na lang. Ang pagkamatay niya ay naging sanhi upang maipanganak ko ang sanggol naming dalawa. Hindi ko aakalain na ang dugo ng panganganak ko ay magahahalo sa dugo niya rin. Ito ang dahilan kung bakit ang pagmamahal ay hindi lamang nasusukat sa kung ano ang kapalaran buhay.

Maria Dolores Yuson (1582)

Wala na kong mahihiling pa dahil sa kami ay ikakasal ngayong araw. Hindi man naayon sa plano ang pagkabuntis ko ngayon subalit masaya pa rin ako dahil ngayon ay maglalakad ako sa harap ng altar na kasama ko siya. Ngunit hindi pala roon magtatapos ang masaya kong kwento. May isang lalaki ang pumatay sa kaniya sa harap ko. Siya ang may kagagawan kung bakit ang masaya kong kwento ay nagtapos sa danak ng dugo at pag-agos ng mga luha ko.

Dolores Madrid (1632)

Mismong kaarawan ko ng mawala ang taong mahal ko. Masakit mang isipin na ang pagdiwang ng kaarawan ko ay ang pagluluksa ko. Hindi ko magawang sabihin sa anak namin ang pagkasawi ng kaniyang ama. Noong araw na iyon ay ang pagbili niya mga pagkain ngunit umuwi siya sa aming tahanan na wala ng buhay. Simula ngayon ay ayaw ko na magdiwang pa ng kaarawan.

Gin Dolores Smith (1682)

Taong kasalukuyan na magdidiwang kami ng bagong taon ay mawawala na siya. Hindi ko sukat akalain na ang pagsalubong sa bagong taon ay pagsalubong ko sa lungkot. Nawala siya sa isang hiwa sa leeg ng panahong nasa maraming tao kami habanh pinagmamasdan ang pagi ilaw ng kalangitan. Lamig ng hangin at sakit ang sumalubong sa taong ito.

Dolores Hansel Ocan (1732)

Masaya kaming pamilya noong araw na iyon. Masayang nagkakain sa hapag kainan at masayang namamasyal sa parke. Ngunit lahat iyon ay magbabago. Sabi nila nagpakamatay ang asawa ko ngunit hindi ako naniwala dahil nakita ko mismo sa harapan ko kung sino iyon. Pero walang naniwala. Wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang.

Dolores Dopas (1782)

Kung ang pag-ibig ay tulad ng isang kamatayan ay wala na akong magagawa. Ngunit kung ikaw ang papatay sa taong mahal mo ay wala ng mas sasahol na minahal ko siya. Araw ng lunes nang nasa iisa kaming bahay. May isang lalaki na nanloob sa amin at siya mismo ang nag utos sa akin na patayin ko siya. Wala akong magawa kundi gawin iyon dahil sa alam din ng asawa ko na napag-utusan ako. Wala akong nagawa...

Bel Dolores Jack (1832)

Kung ang mawalay ka sa taong mahal mo ay masakit ngunit kung sa pag alis nito ay hindi mo na siya makikita lang muli. Wala na siya. Isang kurap ay isang paglisan. Kulang ang mga panahon.

Lynn Dolores Paws (1882)

Ang pag-ibig ko ay mananatiling ikaw hanggang sa kamatayan. Kung inagaw ka man sa akin ng kamatayan. Babalik ako at babalik ka sa akin.

Dolores Nabia (1932)

Pinatay ka ng isang tao kapalit ng sulat ko. Wala nang mas sasakit pa na dugo mo at dugo ko ang isusulat ko.

Dolores San (1982)

Ikaw hanggang sa dulo ngunit wala nang dulo pang aabutan dahil ikaw ay nakahimlay na sa kaduluhang lupang kinatitirikan.

Ngayon ay ako na ang nakaranas ng mga naranasan ng mga ninuno ko.

Wala na akong magawa kundi titigan na lang ang walang buhay na mukha ni Jake.

Sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin magawang wag ng umiyak.

Hanggang sa muli aking minamahal.

Ngunit sa kabila ng lahat ay may naalala akong kahilingan.

Tumingin ako sa maliit na siwang na malapit sa may bintana. Kitang kita ko ang mga bituin at ang maliwanag na buwan.

May naalala akong isang alaala na kami ay magkasama ni Jake habang nakatanaw sa maraming bituin habang magkayakap sa dilim

Are you a star? ang kaniyang malamlam na boses ay nagbibigay sa akin ng isang sensasyon na ikinangiti ko.

"Bakit?"saad ko. "Kasi ako lang ang nakikita mo sa kadiliman bagkus kaygandang pagmasdan?" nakaramdam ako ng kauting kalungkutan.

"Hindi" direktang niyang sagot na may ngiti sa kaniyang labi sabay titig sa aking mga mata na nakapagpakabog sa aking dibdib. "You are the stars because stars are part of constellation and I don't know what pattern I am without you"

Ang sarap marinig ang mga salita na ito galing sa taong minamahal mo ng sobra pero ang hirap palang marinig din sa taong mahal mo ang mga salitang ayaw mo ng marinig pa dahil baka hindi mo na alam kung ano pa ang magagawa mo kapag nawala siya sa buhay mo.

Ang sarap balikan ng mga alaala ngunit wala na akong kasama upang balikan ko iyon. Wala na akong taong masasandalan habang nakatanaw sa kalangitan.

Kaya ang tangi kong hiling ay muling maisulat ng mga bituin ang ating mga kwento. Simula sa unang bahagi pa lang ng kwento at ang libro mismo ang magiging saksi sa pagmamahalan ng bawat isa.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now