QUELLE'S POV
Tahimik lang akong pinagmamasdan si Greg. Kahit na wala na siyang buhay, ang kalma pa rin niyang tingnan. Gugunitain ko na lang ang kaniyang mga ngiti, mga tawa at mga salitang nanggagaling sa kaniyang bibig. Tila kahapon lang kami ay nagkausap at nagkasundo. Mga pinagsaluhang kwentuhan ay wala na.
Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman kong tumunog ang cellphone. Kanina pa ito tumutunog pero hindi ko namalayan dahil abala ako sa pagpasada ng tingin kay kahit sa huling pagkakataon.
Agad rumehistro sa unahang bahagi ng screen ang pangalan ng taong kinaiinisan ko. Pero sa kabilang banda namalayan ko na lang ang sarili ko na gumagawa ng mensahe. Laking gulat ko ng magsent na ito sa kaniya. Kahit naguguluhan pinilit ko na lang 'wag isipin iyon.
"Anong kailangan mo? Bakit ka napatawag?" Kahit papaano naroon pa rin sa mensahe ko na malamig ang pakikitungo ko. Hindi ko naman siya sinisisi sa pagkawala ni Greg. Hindi ko rin masabi na galit ako sa kaniya. Sinisisi ko ang sarili ko na hindi ko siya nakasama sa huling pagkakataon.
Wala kaming maayos na pag-uusap. Walang maayos na pagsasama sa huling kita naming dalawa. Higit sa lahat, wala man lang paalam. Masakit ispin na wala na talaga siya. Minsang naging bahagi ng buhay ko pero ngayon magigi na lang siya alaala ng kahapon. Pero palagi kong tatanawin ang alaalang yaon.
Wala pa ring tigil ang luha ko sa pag-agos. Tipong ang luha lang ang masasandalan ko ngayon. Wala na akong pamilya. Tanging si Greg na lang. Ngayong wala na siya, tila ba magsisimula ulit ako sa simula. Subalit, paano pa ako magsisimula? Saan muli ako magsisimula? Mahirap simulan ang bagay na walang-wala ka. Mahirap simulan kung matagal ng tapos na. Parang ang hirap mabuhay. Kailangan mong maging matatag kahit hinang hina ka na. Minsan gusto ko na lang mamatay pero naiisip ko 'wag na lang kasi masarap malampasan ang problema. Sa ngayon, hindi ko maisip kong papaano ko malulusutan ang problemang ito. Tanging iyak na lang ang magagawa ko kahit paulit ulit gagawin ko para lang gumaan ang pakiramdam ko.
Naagaw ng pagmumuni muni ko ang biglaan pagliwanag ng cellphone at paggalaw na ngayon ay hawak hawak ko. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Naramdaman kong bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Kaninang iyak na lang ang ginagawa ko ngayon ay nabahiran ng pag-aalala at kaba. Napatulala na lang ako sa mensaheng ito.
"You're my sweetest goodbye. 'Til we met the line; no parallel or asymptote either. I love you as solar system align as stars becomes our zodiac sign."
Ano ang gusto niyang sabihin? Bakit ganoon na lang? Parang may nangyaring hindi inaasahan. Hindi ko maipalagay ang sarili ko. Nagsisimula na rin manginig ang mga kamay ko sa hindi malamang dahilan.
Sa isang iglap ay may naririnig akong nagkakagulo sa may emergency room. Hindi man kalayuan dito sa room ni Greg. Sa hindi inaasahan ay nalaglag ko ang telepono at agad tumakbo sa dakong iyon.
Kahit sa malayo ay rinig na rinig ko ang pag-uusap nila.
"Anong nangyari?"
"Banggaan Doc"
"Vital sign?"
"Sorry Doc but he's dead on arrival."
"Proceed it to the morgue and try to contact the family"
"Yes Doc"Iyon lamang ang kanilang pag-uusap na tanging narinig ko dahil abala silang lahat. Bago pa man maipasok ang bangkay ay nakita ko ang kaniyang kamay. Kahit sa malayo kilala ko iyong kamay na iyon. Minsan ko ring pinagmasdan at nahawakan. Nakita ko rin ang relong palagi niyang suot pero hindi ko masigurado dahil wasak na ito. Biglang umihip ang malakas na hangin na tila may yumakap sa akin. Nayakap ko ang aking sarili habang dinadama ang malamig na yakap.
Nagsimula ng umagos ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan. Sa pagyakap na tumagal ng ilang segundo ay napalitan ng katahimikan. Lumingon ako sa likod na baka nandoon siya pero wala. Nagbabakasakaling makita ko siya. Pero sana mali ang nakita ko at ang naramdaman ko.
YOU ARE READING
The One Last Piece
FanfictionThe emotions and feelings we used to be. Someone who destined to feel this emotion. All these things happens for a reason, she despite all of her feelings too. It's hard to choose if has no option but a decision is a must to move forward for a next...