Chapter 9

3 0 0
                                    

Simula ng tinatahak ko ang daan patungong Manila ay nakakaramdam ako ng kaba, takot at pag-aalala.

Hindi ko maiwasang maluha sa kung ano ang mangyayari ngayong araw.

Dapat magpakatatag lang ako.

"Tandaan mo anak. Wag na wag mong hahayaan na kontrolin ka ng iyong emosyon. Malapit mo ng maranasan." malungkot na wika ni mama.

Bigla na lang pumasok sa aking alaala ang katagang iniwan sa akin ni Mama.

Bakit Mama ganito? Bakit? Hindi pa ako handa. Parang nilalamon na ako ng mga emosyong nararamdaman ko ngayon. Kakaiba ngunit isang pakiramdam na ayaw ko ng maramdaman.

Dapat sundin ko ang mga sinabi ni Mama. Kailangan ko magpakatatag hindi lamang para sa akin ngunit para na rin kay Greg. Nangako ako sa kaniya na hindi ko siya iiwan kaya dapat nariyan lang ako sa tabi niya kahit anong mangyari. Hinding-hindi ko siya iiwan. Bilang matapat na matalik na kaibigan.

Ngunit habang binabaybay ko ang daan ay narinig kong may tumunog sa shoulder bag na dala ko. Mukhang may tumatawag. Pero hindi ko iyon pinansin. Subalit habang tumatagal ay hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng cellphone ko. Kaya kinuha ko iyon sa shoulder bag ko.

Isang unknown caller. Sino kaya ito? Baka isa sa mga nurse na nagdala kay Greg kanina. Bago kasi sila umalis ay kinuha nila ang number ko at ganoon din ako sa kanila.

"Hello? This is Quelle Flores speaking." Pormal kong sagot sa kabila ng telepono.

"Quelle ikaw ba iyan? Pwede mo ba akong puntahan? Please." Umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin pero hindi ko nakikilala ang boses niya pero pamilyar sa akin. Hindi naman ito ang nurse na nakausap ko kanina.

"Sino ito? Bakit mo ako kilala?" Pagdududa ko sa kabila ng telepono at boses na nanggagaling sa kabilang linya na kung sino man iyon.

"Ako ito si Andrie"

Naiprino ko ang sasakyan at agarang iniliko sa kabilang linya upang hindi makasagabal sa mga dumadaan. Masyado akong nabigla sa kung sino man itong caller na ito.

"Anong pong kailangan niyo Sir Andrie? May nangyari po ba?" Nag aalala kong tanong.

"Pwede mo ba akong puntahan dito, please"

Hindi ko maipalagay kong anong gagawin ko o ang desisyon ko. Gusto ko man samahan ngayon si Sir Andrie pero mas kailangan ako ni Greg ngayon, lalong-lalo na sa kalagayan ni Greg.

"Sir hindi ko po sigu-"

Naputol ang sasabihin ko ng...

"Plano ni Mommy na ipakasal ako kay Elisa kaya please gusto kong tulungan mo ako. Isa pa, ayaw ko sa gustong mangyari ni Mommy dahil matalik kong kaibigan si Elisa at ikaw ang gusto ko Ash."

Kailangan ba akong kiligin sa sitwasyong ito o hayaan lang muna dahil samo't-saring pakiramdam na ang bumabalot sa araw kong ito.

"Sige po Sir pero isang oras lang po"

"Wag mo na akong tawagin ng Sir Andrie at po."

"Okay po este Andrie"

Kasabay noon ay tumawa siya at binaba na rin ang telepono.

Nagmadali na lang akong pinaandar ang kotse patungo sa binigay niyang address. Wala siya sa condo niya ngayon at nasa office pa rin siya ngayong oras. Mukhang bumalik siya sa office.

Noong tumawag siya ay papasok na akong Manila kaya mga kalahating oras lang ako nagmaneho dahil hindi naman traffic at nagshort cut rin ako sa mabilis na rota.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now