Chapter 13

4 0 0
                                    

Isang panibagong umaga.

Kung paano sumikat ang araw ay sana ganoon din kabilis ang pagsapit ng hapon.  Sana matapos na ang araw na ito. Kung pwede lang tumahan dito upang 'wag ng masilayang liwanag.

Tanging mga mata ko lang ang nasisinagan ng araw. Sa pagitan ng dalawang kurtinang ay doon pumapasok ang sinag ng araw patungo sa aking mga mata. Kitang-kita ko kung paano magliwanag nh tuluyan ang paligid. Sa mumunting liwanag ay nagbigay ito ng kauting tanglaw sa silid na ito.

Sumapit na ang umaga ngunit wala pa rin ang ako sa pagkatao upang bumangon. Pagod na akong tumayo gusto ko naman magpahinga kahit sa pagkakalugmok.

Napapikit ako ng tumunog ang alarm clock malapit sa kama ko. Nang aabutin ko na ito ay nalalaglag ako sakto ang mukha. Unang umaga na lugmok agad.

"Aray ko! Bwesit kang alarm clock ka! Mad nauna pa ako sa'yo! Wala ka talagang pakinabang!" Ang aga-aga tumataas agad ang dugo ko.

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng sunod-sunod na ingay sa pinto kasunod nun ay ang pag-alingawngaw ng door bell ko.

Sino kaya ang nasa pinto? Wala naman akong inaasahang bisita. Bago ko pagbuksan ay tumungo nuna ang sa banyo upang ayusin ang sarili. Pinagmasdan ko ang sarili ko; namamaga ang mata, buhaghag ang buhok at wala sa wisyo. Naibadbaran ako sa pag-iisip ng pansamantalang umalo ang ingay. Kaya dali-dali kong pinagbuksan ang pinto. Pero nakaalis na kung sino man iyon. Kaya mabilis kong pinindot ang elevator. Maabutan ko pa siguro siya. Nang makababa na ako sa lobby ay nakita ko siya. Hindi ko man sigurado kung siya nga iyon. Pero sa ganitong kaaga ay siya pa lang ang dumadating na bisita.

Kaya at tinawag ko siya...

"Ginang! Sandali po!" Pagpipigil ko sa kaniya. Mukha naman siyang nasaage of 50's kaya Ginang na lang ang tawag ko sa kaniya.

Nang lumingon siya ay napahinto ako sa kinatatayuan ko. Pero nawala iyong kabang nararamdaman ko ng ngumiti siya sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Parang naluluha na ako dahil nandito siya. Kaya napayakap na lang ako ng tuluyan sa kaniya kasunod noon ang paghagulgol ko.

"Tahan na iha...hindi magugustuhan ni Greg na umiiyak ka. Tatagan mo lang ang loob mo." Pag-aalo niya sa akin.

"Kailan pa po kayo dumating Tita?" Pag iiba ko ng usapan.

"Kanina lang at naisipan kong dumeretso sa condo mo."

"Pasensya na po tita dahil nasa banyo po ako sa mga oras na nagdodoor bell po kayo" at lahad ng innocent smile.

"Ikaw talagang bata ka. Gusto mo kumain muna tayo diyan sa harap?" Tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako at sabay kaming pumasok sa restaurant na iyon.

Pagkaup namin ay tumawag siya ng waiter para makapag order na rin kami.

"Anong gusto mo iha?" Tanong niya sa akin pero ang sinabi ko na lang ay siya na ang bahala tutal parang libre naman ni Tita Bernadette.

Napatulala ako ng masilayan ko kung ano ang nasa hapagkainan namin. Isang pasta. Parang bumalik sa alaala ko ang nag iisang taong gumagawa nito sa akin.

"Is there something wrong iha?" Nag aalala niyang tanong.

"Ah wala po tita. Namiss ko lang po siguro kayong makabonding" pagpapalusot ko na lang.

Tahimik lang kaming kumakain, walang umiimik kaya minsan napapatingin ako sa kaniya.

Tumatanda na siya ngayon. Halos may mga puti na rin ang mga buhok niya at kumukulubot na rin ang balat niya. Hindi ko maiwasang mag alala kay tita Bernadette dahil para na rin siyang ina sa akin. Ngayon wala na si Greg parang nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Pinapakita niya lang iyon para hindi siya magmukhang mahina. Magkasintulad kami ng paninindigan. Akala mong matatag sa labas ngunit mahina nama sa loob. Pareho lang kaming pilit pinapalakas ang loob.

The One Last PieceWhere stories live. Discover now