Katherine's POV
Mugto man ang mga mata ko ay pilit akong bumangon sa pagkakahiga, wala kasi akong ganang bumangon sa araw na to feeling ko hinahatak ako nang kama ko pabalik para mahiga ulit. Siguro kasi bukod sa sunod sunod na sakit na nararamdaman nitong puso ko, ay hindi din ako makatulog dahil gabi gabi ay puro iyak nalang ang ginawa ko mag damag.
Punong puno nang katanungan ang isip ko ngayon, kung bakit ganito ang natatanggap ko mula sa asawa ko. Kung bakit sa kabila nang pag mamahal na pinapakita ko sa kanya at pag aaruga ay di parin niya ako kayang mahalin at kung bakit sa kabila nang pinapakita kong kabutihan ay nagagawa parin niya akong saktan. Ganun niya ba talaga ako kinamumuhian?
Puro katanungan nalang lagi at paulit ulit na, nakakapagod na. Kung mahal sana ako nang asawa ko hindi ganito ang sinasapit ko ngayon, hindi sana ako nahihirapan nang ganito. Puro nalang sana, sana sana sana.
Kahit wala akong ganang bumangon pa ay pilit akong tumayo sa pag kakaupo ko at feeling ko ang sama talaga nang pakiramdam ko, pero kahit na hindi maganda ang pakiramdam ko ay nag general cleaning padin ako nang buong bahay. Ayaw na ayaw kasi ni Kevin ang maruming bahay, tsaka pag nakataon na makita niya marumi ang bahay matatamaan nanaman ako sa kanya.
Nag umpisa ako sa first floor hanggang sa second floor, pati na rin garahe, garden at swimming pool ay lininis ko. Wala kasi kaming katulong at ako ang nag decide nun kasi gusto ko ako ang nag aasikaso sa lahat para kay Kevin.
Napaupo nalang ako sa sofa nang sa wakas ay natapos nako sa pag lilinis, bigla akong nakaramdam nang pagod at pag kagutom. Bukod kasi sa dami nang lininis ko kailangan ko din mag double ingat dahil simula ngayon hindi lang sarili ko ang iniingatan ko.
*Flashback*
Narito ako ngayon sa banyo nang kwarto ko, hawak hawak ko ang dalawang pregnancy test at ite-test ko kung buntis ba ako. This past few days kasi parang tinatamad akong bumangon kapag umaga. Tapos madalas akong nahihilo at nawawalan ng ganang kumain, kaya para makasigurado ako mag te-test nalang ako. Atleast pag nag positive ay maiingtan ko ang sarili ko, maiingatan ko sa pananakit nang asawa ko.
Sa totoo lang unti unti nakong nilalamon nang kaba ko, kinakabahan ako kasi kung sakaling buntis nga ako ayaw ko naman isilang sa mundong ito ang anak ko nang di man lang kami magkaayos nang kanyang ama. Pero meron ding umuusbong na excitement dito sa puso ko, kasi syempre gusto ko na din magka-anak kami ni Kevin. Malay mo pag
buntis talaga ako dun na niya ako kayang mahalin diba? Dun niya na ako kayang alagaan at pahalagahan.Kinailangan ko pang lumabas kanina para dumaan sa isang drugstore na malapit dito sa subdivision namin at dun bumili nang pregnancy test, kasi gusto ko na siyang ma-test agad. Gusto ko nang malaman agad.
Huminga ako nang malalim at nagpatak ako sa pregnancy test ng urine ko saka tinakpan ko ito, nanlalamig na ang buo kong katawan sa sobrang kaba pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko at nag dasal nang taimtim.
..Please Lord, ipag kaluob niyo na saamin ang isang anghel na siyang magiging daan para mabuo ang pamilyang pinapangarap ko.
Pagkalipas nang tatlong minuto ay huminga muna ulit ako nang malalim at dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, dahan dahan ko ding tinanggal yung takip sa ibabaw nang pregnancy test at talagang nanginginig ang kamay ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko.
Bigla nalang ako nagulat at natulala sa pregnancy test na nasa harap ko. Unti unti kong naramdaman ang pag init nang dalawa kong mga mata.
Shit! Dalawang guhit. Positive. I'm pregnant! Agad na umagos ang mga luha ko sa pisngi ko habang hawak hawak ang dalawang pregnancy test at parehong positive iyon. Unti unting nanginginig ang katawan ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Thank you God for this wonderful blessing.
![](https://img.wattpad.com/cover/185512243-288-k40582.jpg)
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
Любовные романыSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...