CHAPTER 21

2.7K 96 36
                                    

Kevin's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang itakbo ni Alexander si Katherine sa hospital, isang linggo ko na din siyang hindi nakikita.

Kamusta na kaya siya? Ok naba siya? Bat kaya dipa siya umuuwi? Nung mga unang araw diko pinapansin ang di niya pag uwi sa bahay kasi alam ko nasa hospital siya pero isang linggo na ang nakalipas ay di padin siya nakakauwi, anong nangyare na kaya dun?

Agad akong umiling iling, ano naman pakialam ko? Diko naman alam ang nangyare sa kanya kung bakit siya nawalan nang malay at dinugo ah, wala naman ako sa tabi niya bago nangyare ang pangyayareng iyon.

"Pero aminin mo di mangyayare yun kung hindi mo ginawa ang bagay na yun, di sana siya iiyak kung di mo ginawa sa kanya yun." Wala sa sariling sabi ko, nababaliw na ata ako.

Agad akong napahawak sa sintido ko at bahagyang hinilot iyon, ang dami dami ko nang iniisip sa kompanya dumadagdag pa yang nangyare kay Katherine. Sa hindi kadahilanang dahilan ay bigla akong napatingin sa wall clock dito sa opisina ko, mga aalasdyis palang pala nang umaga pero feeling ko pagod na pagod nako.

Huminga ako nang malalim. "I need some break." Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at inayos ko ang ilang parte na nagusot sa damit ko, kailan ko munang umalis dito dahil baka mabaliw nako nang tuluyan.

Nang palabas nako nang building ay agad na tumunog ang cellphone ko dahilan para agad kong kunin iyon sa bulsa nang slacks na suot ko, agad akong napangiti nang makita kong pangalan ni Angel ang naka rehistro sa screen.

Agad ko naman iyon sinagot at nag patuloy sa pag lalakad. "Hi honey." Maligayang bati ko.

"We need to talk Kevin." Napakunot naman ako nang noo dahil sa sinabi niya, bakit anong meron?

"Why? What's wrong honey?" Hindi ko alam pero kinukutuban ako.

"Basta, kita nalang tayo mamaya. Itetext ko sayo kung saan, bye." Agad niyang binaba ang telepono dahilan para unti unting mawala ang ngit sa labi ko, what the hell?

Pinakalma ko ang sarili ko tsaka nag pasyang magtungo na nang parking lot pero bago pa naman ako lumiko ay nakita ko ang sasakyan ni Katherine.

"Nakalabas na siya?" Tanong ko sa sarili ko, diko alam pero napatakbo nalang ako sa sasakyan ko para umuwi nang bahay.

Kailangan ko siyang makausap dahil hindi na talaga ako pinapatulog nang konsensya ko dahil sa nangyare sa kanya, gusto ko din siyang tanungin kung bakit siya may dugo sa pagitan nang dalawang hita niya nung gabing iyon.

Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay agad kong pinaandar yun at pinaharurot papaawing bahay namin, buti nalang at wala masyadong traffic dahilan para makarating ako agad.

Mabilis akong bumaba at pumasok nang bahay. "Katherine?" Tawag ko rito pero walang sumasagot kaya nag pasya akong umakyat sa taas, sa kwarto niya mismo ako tumungo.

Pagkabukas ko nang pinto ay wala siya, di parin ba siya umuuwi dito? Pero nakita ko kanina ang sasakyan niya so it means nakalabas na siya nang hospital, sa hindi kadahilanang dahilan ay pumasok ako sa loob nang silid niya.

May kakaiba, parang may mali. Agad kong nilibot nang tingin ang kabouan nang silid at napahinto nalang ang mga mata ko sa mismong cabinet niya.

Agad akong lumapit dun at buksan yun, bigla nalang bumagsak ang dalawang balikat ko nang makitang wala na dun ang mga damit niya.

Umalis na siya? Umalis siya nang wala mang pasabi? Biglang nanghina ako dahilan para mapaupo ako sa kama niya habang titig na titig padin sa cabinet na walang laman, iniwan niya na ako.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon