Katherine's POV
Habang papalapit kami ni Mommy kung saan ang opisina ni Dra. Sanchez ay mas lalong kumakabog sa kaba ang dibdib ko, pinagpapawisan na din ako nang malamig dahil sa kaba nang nararamdaman ko.
Nang makarating kami sa tapat mismo nang pinto ay agad na kumatok si Mommy.
"Pasok." Dinig naming sigaw sa loob dahilan para dahan dahang ipihit ni Mommy ang doorknob nang pinto, nang tuluyan nang mabuksan ni Mommy ang pinto tsaka siya pumasok. Agad naman ako nitong tinignan nang nag tataka dahil di ako sumunod agad sa kanya, kaya humugot muna ako nang malalim na hininga tsaka ko pumasok sa opisina ni Dra. Sanchez.
Agad na bumungad sa amin si Dra. Sanchez na naka ngiti, lumapit naman agad si Mommy sa kanya upang makipag beso. "Kamusta kana doctora?"
Bahagya pa itong natawa dahil sa sinabi ni Mommy sa kanya. "Ano ka ba naman Lucia, wag mo nga akong tawaging ganyan para di naman tayo mag kaibigan. Have a seat."
Agad kaming umupo ni Mommy sa dalawang silya sa harap nang lamesa ni Dra. Sanchez, halos hindi na din ako makapakali sa kinuupuan ko ngayon.
"Ay oo nga pala Olivia kasama ko si Katherine para sana mag pacheck up." Masayang sabi ni Mommy dahilan para nagtatakang tumingin sa akin si Dra. Sanchez.
"Why? Dinugo ka ulit ba iha?" Biglang bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa sinabi niya, jusko manahimik ka dahil malalagot ako nito.
"Dinugo? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Mommy sa kanya tsaka siya tumingin sa akin dahilan para mag iwas ako nang tingin sa aking ina.
"I thought alam mo ang pangyayareng iyon Lucia, nung isang araw lang sinugod dito si Katherine dahil dinudugo siya and it's a threatened miscarriage. Muntik nang makunan ang anak mo." Parang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko ngayon dahil sa sinabing iyon ni Dra. Sanchez.
"What?" Di makapaniwalang sabi ni Mommy at tila nag tataka pa ito, malamang ang alam lang nila ay mga one month palang ang tyan ko or one to three weeks. "Wait, how long? Ilang weeks naba ang pinag bubuntis niya Olivia?" Dagdag pang sabi nito.
"She is currently 8 weeks pregnant."
"8 weeks? And you didn't bother to tell us about this Katherine?" Nag umpisa nang magalit si Mommy, napapikit nalang ako dahil hindi ko na alam kung ano ba ang palusot na sasabihin ko sa aking ina. "At yung nangyare sayo? Muntik kana pala makunan at diko man lang alam? Dimo man lang sinabi sa amin nang Daddy mo? What the hell Katherine!"
Bumuntong hininga ako at humarap kay Mommy. "M-mom, please pag usapan nalang natin to pag uwi natin nang bahay. Wag dito Mom." Malumanay kong sabi kay Mommy at kita mo ang galit sa mukha niya, pero hindi ako nito pinansin at tumingin ulit kay Dra. Sanchez.
"Is she okay now? Yung apo ko safe naba Olivia?"
"Yes she's okay and also her baby, iwas lang sa stress at sa pag iyak para di na maulit pa yung pangyayare." Malumanay naman na sabi ni Dra. Sanchez at tumingin ito sa akin. "I'm sorry Mrs. Lopez, I thought your Mom knew about this already." Paghinging paumanhin niya sa akin.
"It's okay Doc." Ngumiti naman ako nang pilit sa kanya at napatungo nalang ulit ako para diko makita ang matalim na tingin ni Mommy sa akin.
"I think we should go, I'm sorry Olivia at hindi man lang tayo nakapag usap nang matagal. I'll call you nalang para makapag bonding naman tayo minsan." Sabi ni Mommy tsaka siya tumayo.
"It's okay Lucia, I'm looking forward for that."
Nang makalabas ako nang silid na iyon ay tahimik lang si Mommy, hanggang sa papauwi kami nang mansyon ay di siya nag sasalita. Alam ko pag ganito ang kinikilos ni Mommy ay galit siya, galit siya sa maling ginawa kong pag lilihim sa kanila ni Dad.
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
RomanceSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...