CHAPTER 10

7.8K 257 307
                                    

Kevin's POV

Kasalukuyan kong inaayos ang mga papel na nakakalat sa lamesa at inilagay ko yun isa isa sa bag ko.

Maaga akong umuwi dito sa bahay kaso walang taong bumungad sakin, san naman pumunta yung babaeng yun? Nang matapos ako sa ginagawa ko ay napasandal nalang ako sa sofa.

Then the reality hits me, fuck. I have everything, money, fame, friends.

But still, I feel so empty. I'm searching for something, something like a family. I want to have my own family. A wife and a child.

Bigla kong naalala si Katherine. Yes, she's my wife. And yes we're married but I'm not sure if I love her, oo aaminin ko nung una ko siyang nakita ay nag kagusto ako sa kanya. Sino nga naman hindi diba? Dahil sa bukod sa maganda siya ay napaka sexy din niya, pero siya yung tipo nang babae na mahirap makuha kaya habang lumilipas ang panahon unti unting nawawala yung pag tingin ko sa kanya at dun ko naman nakilala ko si Angel.

Si Angel na siyang laging andyan para sa akin, kaya din siguro nahulog ang loob ko sa kanya. Masaya na sana kami e, masaya na sana ang lahat kaso dumating ang isang problemang hindi ko inaasahan. Isang problemang naging dahilan kaya kami nag kahiwalay ni Angel. Dahil sa pang yayareng iyon ay nabalutan ang puso ko nang galit, galit kay Katherine at sa pamilya niya.

I want to get revenge, gusto ko siyang magdusa. Gusto kong paghirapan niya ang mga araw na lumilipas na kasama ako, para maranasan niya ang hirap ko. Para kahit papaano ay mahiganti ko ang mga magulang ko sa kanila dahil feeling ko sila ang naging dahilan kung bakit nag kaganun agad ang kompanya namin before, kung bakit bigla nalang nawala nang parang bula ang mga investors ni Dad.

I want to make her feel that she's nothing, gusto kong maramdaman niya na para sa akin ay isa ko lang siyang parausan. Or should I say she's just my fucking slut to fuck. I hate her, i hate her so much.

I remember that fucking day, the moment I saw my Dad crying infront of me. Mga panahong namomoblema sila ni Mom kung papaano paba maaayos o maisasalba ang kompanya.

Wala akong choice that day, dahil kung hindi ko gagawin ang pakiusap sakin ni Dad ay tuluyang babagsak ang kompanyang pinag hirapan nila at hindi kaya nang konsensya ko yun dahilan para mapilitan akong iwan si Angel.

*flashback *

"Dad..."

Tawag ko sa ama ko pagkapasok ko sa opisina niya, agad itong humarap sakin at bakas sa mukha niya na problemado siya.

"May problema ba Dad?" Tanong ko tas umupo ako sa bakanteng upaan sa harapan niya.

"I have something to tell you Kevin." Panimula nito.

Hindi ko pa man alam ang sasabihin ni Dad ay kinakabahan nako, hindi naman ako umimik at tumingin ako sa kanila na parang nag tatanong.

"Kevin, iho. Alam mo kung gaano ko pinag hirapang ipatayo ang kompanya natin, dugo at pawis ang ibinuhos ko pero sa hindi inaasahan ay nag karoon nang problema." Seryosong sinasabi ito nang aking ama sa akin at kita mo sa mga mata niya ang emosyon na talagang problemado siya sa kompanya namin. Bakit anong ba ang nangyayare? Ano ang problema? Hindi naman ako umimik at hinayaan ko pa silang mag salita.

"Problemang dahilan para unti unti na itong bumabagsak." Mahinang bigkas nito kasabay nang pag patak nang luha sa kanilang mata.

Agad akong nagulat sa nakita at narinig ko dahil alam ko ang pag hihirap ni Daddy para lang mapatayo at mapalago ang kompanya namin, pero hindi ko inaasahan na ito na pala ang nangyayare sa mga pinag hirapan nila. Hindi ako makapaniwala.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon