Kevin's POV
Nanginginig ang katawan ko dahil sa sakit nang nararamdaman ko, napansin ko nalang na naikuyom ko na pala ang dalawang palad ko habang walang tigil ang pag agos nang luha ko.
Bakit ganito ang nararamdam ko? Pagkatapos kong mapaniginipan siya ay sobrang bilis nang tibok nang puso ko, may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon, mga tanong na hindi ko alam kung papaano ba masasagot iyon. Bigla nalang akong nabuhayan nang loob nang maalala ko ang puntod niya dahilan para magmadali akong umakyat sa taas upang mag palit nang damit.
Simula nung unang araw nang lamay ni Katherine hanggang sa ilibing siya ay hindi ko man lang nakita ang loob nang kabaong dahil nakasara ito at mahigpit na pinagbabawal nang Daddy ni Katherine na buksan ang kabaong na iyon, bakit ba hindi ko napansin yun?
Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinutuban, pilit kong pinakalma ang sarili bago bumaba nang sasakyan.
Tinignan ko muna ang labas nang bahay kung saan sa loob nun ay ang puntod ni Katherine, karamihan na naiilibing dito ay may sarili ding bahay kung saan nasa loob nun ang puntod nang taong mahal nila sa buhay.
Kung hindi ako nag kakamali ay ito ang pinakamalaking bahay sa loob nang sementeryo, dahilan para hindi rin ako mahirapang hanapin ito kanina. Pinaghalong kulay tsokolate at itim ang disensyo nang bahay, nakatiles din ito at may aircon din sa loob upang kung sino man ang bumisita ay hindi maiinitan.
Bumuntong hininga ako at naglakad papasok sa loob, binuksan ko ang sliding glass door at lumapit sa puntod niya.
Natulala nalang ako dahil sa nakita ko, wtf! Hindi ako makakilos sa kinakatayuan ko ngayon, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.
Dapat ba akong magalit? O dapat ba akong matuwa? Naguguluhan ako, paano nangyare ito? Ano ito?
Agad akong lumabas at pumasok sa loob nang sasakyan ko dahil hindi ako makapag isip nang maayos, bakit ganun ang nakasulat sa lapida niya? Bakit tanging RIP lang nakaukit sa lapida at walang pangalan even date nang pagkamatay, pagkapanganak at edad ay wala.
Bigla nalang nag flash sa isip ko yung babaeng nakita ko sa park kung saan katapat lang nun yung pinagkainan naming magkakaibigan nung kaarawan ni Alexander at yung panaginip ko kanina na nasa harap ko siya kung saan malaki na ang tyan niya dahil pinag bubuntis niya ang anak ko.
Napahawak nalang ako nang mahigpit sa manubela nang sasakyan ko habang unti unti kong naramdaman ang pagbagsak nang luha ko, so ibig sabihin ay possible na buhay silang mag ina ko?
Agad kong binuhay ang makina nang sasakyan ko at nag maneho papunta sa mansyon nang mga mondragon, pagkatapos nang inakala kong libing nang asawa ko ay bigla nalang sila nanahimik na para bang walang nangyare.
Nang makarating ako sa gate nila ay sinalubong naman ako ni Mang Isko, agad kong binaba ang bintana nang sasakyan ko para makilala niya ako. "Ikaw pala iyan Kevin iho, kay tagal na nating hindi nag kikita kamusta na?" Tanong nito sa akin.
"Ok lang ho ako Mang Isko, kayo kamusta na?" Balik kong tanong sa kanila at bumaba nang sasakyan upang mas makausap ko sila nang maayos.
"Eto tumatanda na haha, ano pala ang sadya mo at naparito ka? Pero teka bakit ka andito akala ko kasama mo siya?"
Kasama ko siya? Bigla nalang ako napakunot nang noo dahil sa tanong nilang iyon. "Siya? Sinong siya Mang Isko?"
"Ano kaba naman iho malamang si Katherine sino pa nga ba?" Bigla nalang ako natulala sa kinakatayuan ko at tila halos di ako makagalaw dahil sa narinig ko, mukhang napansin naman iyon ni Mang Isko dahilan para hawakan ako nito. "Ayos ka lang ba iho? Bat namumutla ka bigla?"
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
Roman d'amourSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...