Alexander's POV
"What do you think you're doing?!" Galit na sabi sa akin ni James.
Napabuntong hininga nalang ako habang naka tingin sa kapeng nasa harap ko ngayon.
"Alexander ano ba?! May asawa na yung tao at ang masama pa nun ay kaibigan pa natin yung asawa niya! Ano bang tumatakbo dyan sa isip mo ha?!" Ramdam mo sa boses niya na galit talaga siya.
Naiintindihan ko naman siya e, naiintindihan ko naman na hindi na pwede na kailanman hindi na magiging pwede. Ang sakit lang kasi dahil sa katorpehan ko ay hindi ko nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal, ngayong kasal na siya sa taong mahal niya diko maiwasang makaramdaman nang pag sisisi.
"Alam ko naman yun James e, kaso ang hirap talaga pigilan. Ang hirap pigilan yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak mag isa, parang dinudurog ang puso ko dre, lalo na ngayon na alam nating pareho na hindi siya mahal nang asawa niya." Hindi ko na mapigilan yung emosyon ko habang sinasabi ko yun sa kanya.
Narinig ko nalang itong napabuntong hininga, alam kong pati siya ay nasasaktan para sakin at alam ko din na hindi niya na alam kung ano paba dapat ang ipayo niya sakin. "Pero una palang mali na Alexander. Mali na mahalin mo pa siya, maling mali dahil unti unti mong nilalapit ang sarili mo sa kanya."
Tama siya alam ko una palang mali na, alam kong una palang hindi ito tama na hindi ko dapat ginagawa. Pero lintik na tadhan to, kahit anong iwas na ang ginagawa ko sa kanya parang pinag tatagpo kaming dalawa.
"Hindi ko sinasadyang mapalapit ako sa kanya, alam mo naman James na una palang mahal ko na siya bago niya nakilala ang asawa niya. Alam mo ang pag titiis ko sa tuwing nakikita ko siyang masaya sa iba, dre ang sakit sakit na yung mga ngiti niya sa labi ay hindi ako ang dahilan."
Bigla niya hinawakan yung kamay ko dahilan para mapa angat ako nang tingin sa kanya. "Pag isipan mong mabuti bago ka kumilos or gumawa nang isang bagay na kung sa tingin mo na sa huli ay ikaw lang din ang masasaktan." Pag kasabi niyang iyon ay agad na siyang tumayo at lumabas sa coffee shop.
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sumasakit ito sa kakaisip, lintik kasing pag ibig to. Bakit siya pa? Bakit kailangan na siya pa ang maging asawa niya? Grabe ka tadhana, masyado kang mapag laro.
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at umalis sa coffee shop na yun kahit na hindi ko man lang nabawasan yung kapeng inorder ko, pero bago pa man ako tuluyang malakabas ay may nabangga ako.
Agad akong yumuko upang humingi nang paumanhin. "Pasensya na miss." Pag ka tapos kong sabihin yun ay tumunghay ako upang tignan kong sino yung nabangga ko.
"Katherine?" Gulat na gulat kong sabi.
"A-alexander." Agad akong nakaramdaman nang galit at sakit nang makita kong pumatak yung luha niya.
Bahagya akong lumapit sa kanya upang hawakan yung balikat niya, nakatingin lang ito sakin at halata sa mukha niya na nasasaktan siya. "May problema ba Katherine?" Nag aalala kong sabi sa kanya.
"Pwde mo ba akong samahan muna dito sa coffee shop? Gusto ko lang nang may kasama." Pilit itong ngumiti sakin.
Tumango lang ako at sinundan ko siya papasok sa loob, nakatingin lang ako sa kanya habang umoorder siya nang makaalis na yung waiter ay agad itong humarap sakin.
"Anong problema Katherine? Okay ka lang ba?"
"H-hindi Alexander e, hindi ako okay. Ang sakit pala na makita mo yung taong mahal mo na masaya sa iba." Naluluha nitong sabi sakin.
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
RomansaSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...