CHAPTER 5

5.4K 174 67
                                    

Katherine's POV

Hindi ako makahinga sa sikip at sakit nang nararamdaman ko ngayon, halos habulin ko na din ang hininga ko at patuloy ang pag daloy nang mga luha mula sa mata ko. Parang pinipiga at tinatadtad ang puso ko hanggang sa maging pino ito, ganun kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

Nang matapos ko na itong linisan ay agad akong tumayo at tumungo sa kwarto, dumeretso ako sa banyo upang maligo at maginhawaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Tiniis ko yung hapdi sa tuwing masasagi ko ang mga galos ko sa ibat ibang parte nang katawan ko, hindi ko lubos akalain na hahantong sa ganito ang pag mamahal na ibinigay ko sayo Kevin.

Ano ba ang kulang sakin? May mali ba sa ugali ko? Pangit ba ang itsura ko? Pangit ba ang pananamit ko? Ang pananalita ko? Anong mali sakin Kevin sabihin mo at pilit ko itong aayusin matutunan mo lang ako mahalin.

Simula nang matutunan kita mahalin ay sayo na umikot ang mundo ko, minahal kita nang husto at lingid sa kaalam mo iyonn. Iniligtas ko ang pamilya mo, iniligtas ko sila at lalo na ikaw dahil alam kong hindi mo kakayanin pag nawala ang lahat sayo.

Sinakripisyo ko ang sarili ko para sayo, isinakripisyo ko ang tignidad ko para lang makatulong ako sa pamilya mo. Sinuway ko ang mga magulang ko para sayo Kevin, sinaktan ko ang ama ko dahil sa pag mamahal ko sayo.

Kung alam mo lang ang lahat, kung alam lang ang mga nagawa ko para sayo at sa pamilya mo. Pero sana pag nalaman mo na ang lahat di pa huli ang lahat, dahil unti unti ko nang nararamdaman ang pagod Kevin.

Unti unti nang napapagod ang katawan ko, ang isip ko at lalo na ang puso ko.

"Katherine?" Bigla akong bumalik sa wisyo nang may narinig ako tinig na tumawag sa pangalan ko.

Napatunghay ako upang malaman kung sino ang tumawag sakin at ganun nalang ang gulat ko nang makita ko si Alexander na ngayon ay nasa harap ko na at titig na titig sakin. Siya ang isa sa mga bestfriend nang asawa ko na si Kevin. Agad itong umupo sa upuan na bakante sa harap ko.

"What are you doing here?" Nagtataka nitong tanong at pilit na ngumiti sakin.

Nagtataka kong pinalibutan nang tingin ang kinaroroonan ko at ganun nalang ulit ang gulat ko nang mapansin kong asa jollibee pala ako sa loob nang mall. Hindi ko man lang napansin na nag punta pala ako dito, sa lalim nang iniisip ko ay di ko man lang namalayan ang pag alis ko sa bahay buti nalang safe akong nakapag drive.

"Hey, Katherine. Are you okay?" Nag aalala nitong tinig kaya agad ko itong tinignan.

"Ha?"

"You look funny Katherine haha, bat parang gulat na gulat ka? Ang laki nang mata mo at parang nagtataka kapang andito ka." Natatawa nitong sabi. Agad akong nakaramdam nang hiya dahil sa sinabi niya dahilan para mapayuko ako upang hindi niya makita ang mukha ko.

"Ah ano kasi." Nangangapa ako dahil diko alam kung anong isusunod kong sasabihin sa kanya.

"Are you okay? Parang wala ka sa sarili?"

"I'm okay." Pilit na ngiting sabi ko at pinagmasadan ang pagkaing nasa harap ko, hindi ko ba alam kung bakit ako biglang nakaramdaman nang hiya sa kanya tsaka bakit ba kasi nakita pa ako nitong lalaking to.

"Are you sure?" Tanong niya kaya napatunghay naman ako para salubungin ang tingin niya.

"Hm, why?" Pag sisinungaling ko at baka mamaya pinapasundan pala ako ni Kevin sa kanya para mapatunayan na kung may lalaki talaga ako.

"Wala ka kasi sa sarili, may problema ba?" Bakas sa tinig niya ang pag alala. Why?

"We're not friends." Napansin kong natigilan siya dahik sa sinabi ko, napabuntong hininga nalang ako dahil diko lubos akalain na makikita ko siya dito at makakausap pa. Oo kilala ko ang mga kaibigan ni Kevin pero diko sila kaclose dahil hindi naman ako pinakilala ni Kevin sa kanila.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon