Mr. Mondragon's POV
"Lena can you give me all the documents?" Sabi ko sa secretary ko habang nakaupo sa swivel chair dito sa opisina ko.
"Okay po Sir." Magalang na sagot nito at lumabas nang pinto upang kunin ang pinapakuha ko sa kanya.
Agad akong napabuntong hininga at sumandal sa inuupuan ko, bahagya akong napapikit dahilan para magflash sa isip ko ang pag iyak nang anak ko.
Unti unti kong naramdaman ang galit na nabubuo sa dibdib ko, galit na parang gustong mag higanti.
Dahil walang sinuman ang puwedeng manakit sa anak ko, wala sinuman ang may karapatan para paiyakin siya dahil ako mismong ama nga niya di siya pinapaiyak at sinasaktan, so anong karapatan mo Kevin para ganunin ang anak ko? Anong karapatan mo para saktan siya nang ganito?
Nag babanggaan ang mga ngipin ko dahil sa galit, galit na hindi ko alam kung saan hahantong dahil pag naiisip ko ang anak ko mas lalong nandidilim ako paningin ko at may nag tutulak sa akin na ipadanas din sa kanya ang sakit gaya nang sakit na nararamdaman nang anak ko ngayon.
Bilang isang ama, obligasyon ko ang protektahan ang anak ko. Obligasyon kong protektahan siya sa mga taong gustong manakit sa kanya.
Ako nga pala si Antonio Mondragon, the owner of Dragon Empire Corporation. I'm a successful businessman, at masasabi kong isa ako sa pinaka kilalang negosyante sa buong mundo.
Marami akong ariarian dito sa Pilipinas maging sa iba pang mga bansa, karamahin sa mga ari arian ko ay mall, five star hotel at hospital.
Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas iyon, nakita ko ang secretary ko na papalapit sa akin hawak ang mga folder na pinapakuha ko sa kanya.
"Ito na po yung pinapakuha niyo Sir." Sabi nito at agad niyang inilagay sa working table ko ang hawak niya. "May ipapagawa pa po ba kayo Sir?"
"Yes, hanapin mo sa mga ito ang folder ni Mr. Lopez and call him right now sabihin mo pumunta dito ngayon din."
"Okay po Sir."
Mabilis na lumipas ang oras, sandamakmak na papeles ang kailangan kong pirmahan at karamahina dito ay mga charity na gusto kong tulungan.
Habang busy ako sa pag pirma ay bigla may kumatok sa pinto kaya napatunghay ako, nakita kong sumilip dun ang secretary ko. "Sir, andito na po si Mr. Lopez."
"Papasukin mo siya dito." Matipid kong utos tsaka niligpit ang mga nakakalat sa lamesa ko.
"Ok po sir."
Sumandal ako sa upuan ko at maya maya pa ay pumasok na si Mr. Lopez dito sa opisina ko. "Mr. Mondragon, anong kailangan mo at pinatawag moko?" Nakangiti nitong tanong sakin habang papalapit siya sa kinaroroonan ko.
"Have a seat." Seryosong sabi ko tsaka tinuro pa ang silyang nasa harap nang working table ko, agad namang umupo si Mr. Lopez duon.
"Gusto kitang makausap tungkol sa mga bata." Diko mapigilan ang galit na nararamdam ko sa mga oras na ito.
Naguguluhan itong tumingin sakin, wala ba siyang alam sa nangyayare sa mga anak namin? "Anong ibig mong sabihin Mr. Mondragon?."
"Niloko lang naman nang anak mo ang anak ko!" Wala sa sariling sigaw ko sa harap niya dahil hindi ko na talaga mapigilan ang galit dito sa dibdib ko, bahagya itong nagulat sa sinabi ko.
"Wait, what?"
"Wala kang alam sa katarantaduhan na ginagawa nang anak mo? Hiniling ni katherine na tulungan ang kompanya niyo sakin kahit ayaw ko at ipinag katiwala ko rin ang anak ko sa anak mo dahil nakikita kong masaya siya pag kasama ang anak mo, paano niya nagawang ganitohin ang anak ko Mr. Lopez?!." Matigas at pagalit kong bigkas sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
RomanceSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...