Katherine's POV
Sa mga araw na lumipas ay masasabi kong mas lalong nagpursigi si Kevin sa panliligaw niya sa akin, ganun din si Alexander.
Mali man ito pero unti unting nagkakaroon na nang puwang si Alexander sa puso ko, unti unti kong nakikita ang kabutihan nang puso niya.
Sa totoo lang hindi naman talaga mahirap mahalin si Alexander, hindi mahirap na mahulog ang loob mo sa kanya pero yung nararamdam ko kay Alexander ngayon ay hindi love.
Dahil sa kabila nang sakit na pinagdaanan ko ay mas angat pa din ang puwang ni Kevin sa puso, dahil na din siguro sa katotohanang siya ang una kong minahal at siya ang ama nang anak ko.
Napatingin nalang ako sa labas nang bintana dito sa opisina ko ng marinig ko ang malakas na kulog at sinabayan pa ito nang kidlat, buti nalang at nagdala ako nang payong ngayon.
It's already five pm at napag pasyahan ko nang umuwi, pagod na pagod ako this day dahil sa dami nang kliyenteng inaasikaso ko.
Bahagya akong napapikit at napahawak sa magkabilang tenga ko nang biglang kumulog ulit nang malakas, sinabayan din ito nang malakas na hangin dahilan para magsiliparan ang hibla nang buhok ko at bahagyang nabasa ang mukha ko.
Pero ganun nalang ang gulat ko nang maramdaman ko ang paglapat nang isang tela sa mukha ko dahilan para agad kong naimulat ang mga mata ko, halos mahugot ko ang hininga ko nang makita ko si Kevin sa harap ko.
Agad kong iniwas ang mukha ko sa kanya at marahang umatras nang kaonti, hindi puwedeng ganun kami kalapit dahil ramdam ko ang pag bilis nang tibok nang puso ko.
Oo alam kong may puwang na si Alexander sa puso ko pero sa ilang buwan na nakalipas ay may konti pa akong nararamdaman kay Kevin, ayaw ko nang mas lumala pa ang konting pag mamahal na iyon sa kanya dahil hanggat maaari ay gusto ko nalang kalimutan ang pag mamahal na iyon.
I cleared my throat. "Anong ginagawa ko dito?"
"Picking you up?" Patanong nitong saad sa akin.
"May sasakyan ako, hindi mo na kailangang sunduin ako." Seryosong sabi ko sabay tingin sa kanya. "Hindi mo responsibilidad iyon." Dagdag ko pang sabi.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay responsibilidad kita, Katherine. Dahil asawa parin kita, kasal tayo."
Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya, ayan nalang ang lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nag tatalo kaming dalawa sa mga bagay na ganyan.
Lagi niyang sinasabi na kahit ganito ang estado nang relasyon namin ngayon ay mag asawa padin kami, na kasal padin kami. Kung dati pa siguro na ganito ang ginagawa niya ay baka matuwa pa ako, pero ngayon? Galit, poot at takot ang nararamdaman ko.
Pero sa nararadaman kong galit, poot at konting pag mamahal sa kanya ay nangingibabaw ang salitang takot. Takot na baka pag bumigay ulit ako ay masaktan ulit ako, takot na baka pag nahulog ulit ako sa kanya ay mawasak ulit ako.
Dahil kung naulit ulit ang bagay na iyon ay baka hindi ko na kayanin pa, mahirap ibalik ang tiwala.
Hindi na ako umimik pa, napansin kong humina na ang ulan kaya agad akong tumalikod sa kanya at naglakad nang konti palayo upang makaiwas sa pagtitig niya sa akin.
Naiilang ako dahil kailan man ay hindi ako sanay sa way na pag titig niya sa akin ngayon dahil ang nakasanayan ko ay yung nag aapoy niyang tingin sa tuwing galit at lasing siya, pero ngayon? Sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin ay ang tanging nakikita ko lang sa mga mata niya ay sakit at pag mamahal.
Huminto ako saglit at inilabas ang maliit na payong na nasa bag ko, habang nilalabas ko ang payong ko ay ramdam ko ang ma-ngilan-ngilang tumatalsik na patak nang ulan sakin dahil biglang ulit humangin nang malakas.
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
RomanceSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...