Katherine's POV
Wala ako sa sariling naglakad hanggang sa makarating ako sa bagong bahay namin ni Kevin, hindi man lang ako nakaramdaman nang pagod dahil sa kakaisip sa kanya.
Bahangya akong napangiti habang pinagmamasdan ko ang bahay, ito ang regalo samin nila Mommy at Daddy hindi man ganun kalaki pero makikita mo palang sa labas na talagang may kaya ang may ari nito.
Dali dali akong pumasok sa loob pero ganun nalang ang gulat ko nang makita ko si Kevin at Angel na naghahalikan, my tears started to fall.
Unti unti kong naramdaman ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi at dahan dahan ko rin nararamdaman ang paninikip nang aking dibdib habang pinapanood silang nag hahalikan, halos di ako makahinga dahil sa sakit nang nararamdaman ko.
"Ang kapal naman ng mga pagmumukha niyo at dito pa talaga kayo naghahalikan sa pamamahay ko!" Wala sa sariling bigkas ko, agad naman sila naghiwalay at kita mo ang gulat sa mga mukha nila.
Pano mo nagawa sakin to Kevin? Pano mo nagawang saktan ako nang ganito? Harap harapan mokong niloloko at talaga sa pamamahay pa natin mo naisipan na gumawa nang katarantaduhan. Kung saan ako umaasa na dito tayo magsisimula para sa ating dalawa.
"Anong sabi mo?! Pamamahay mo?! Baka nakakalimutan mo pamamahay ko na rin ito! Kaya dadalhin ko dito kung sino man ang gusto kong dalhin!"
"Kahit ang kabit mo Kevin?" Pabulong kong bigkas sa kanya, halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa paninikip nang dibdib ko.
*PAAAAAAAAAKKK*
Agad kong naramdaman ang pamamanhid nang pisngi ko dahil sa lakas nang pagkakasampal niya sakin, unti unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang ayaw mag paawat sa pagpatak.
Ang sakit sakit, di ako makapaniwala na kaya nya akong pagbuhat nang kamay at di ko man lang makita sa kanyang mga mata ang pag aalinlangan at pag sisisi.
"Nasobrahan naman ata ang kakapalan nang mukha mo, kung tutuusin ay mas mukha ka pa ngang kabit kesa sa kanya! Alam kong alam mo na si Angel ang mahal ko pero anong ginawa mo? Mas pinairal mo yang putanginang pagmamahal na sinasabi mo! Kaya para sa akin, ikaw ang kabit sa inyong dalawa." Sa mga oras na ito ay ang tanging nararamdam ko lang ay sakit, masakit para sa akin na siyang mismong asawa ko ang nagsasabi niya ang mga bagay na yan sa akin.
"Respeto naman Kevin oh, kakakasal pa lang natin. Respetuhin mo naman ako respetuhin mo naman ang nararamdaman ko." Halos pag mamakaawang bigkas ko sa kanya.
"Respeto? Putangina bakit kita rerespetuhin?! Nirespeto mo ba ang nararamdaman at ang desisyon ko ha?! Hindi naman diba?! Sinabi ko na sayo una palang na ayaw kong magpakasal sayo dahil hindi kita mahal at kailan man ay hinding hindi kita mamahalin dahil dyan sa kalandian mo!"
Halos malagutan nako nang hininga dahil sa kakaiyak at paninikip nang dibdib ko. Kung alam mo lang Kevin, kung alam mo lang ang dahilan bakit umabot tayo sa puntong tayo dalawa ang kinasal at hindi kayo ni Angel.
"W-wag naman g-ganito kasakit K-kevin, h-hindi ako m-malandi" Pagsusumamo ko sa kanya. Pinalaki ako nang maayos nang mga magulang ko at hindi ako ganong klaseng babae.
Hindi nya na ako sinagot at agad itong tumalikod sakin at humarap kay Angel "Let's go honey." Sabi ni Kevin at hawak kamay silang umalis sa harap ko.
Hindi ko mapigilang mapahagulgol sa iyak, ang sakit sakit nang nararamdaman ko. Diko akalain na ganito pala kasakit ang mahalin ka Kevin.
KINABUKASAN. Maaga akong nagising upang ipaghain nang almusal ang asawa ko, oo asawa ko dahil kasal naman kami kaya may karapatan akong tawagin siyang ganun. First day namin bilang mag asawa kaya hanggat maari ay gusto ko maging perfect ang lahat.
BINABASA MO ANG
A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING]
RomanceSabi nila pag nagmamahal ka dapat handa kang masaktan, pero hanggang saan mo kayang magtiis para sa taong mahal mo? Ilang second chances paba ang kaya mong ibigay para lang hindi kayo magkahiwalay? Ilang luha pa ang kaya mong inumin, hindi lang siya...