CHAPTER 7

5.3K 221 68
                                    

Katherine's POV

Akala ko magiging masaya nako, akala ko pag nakasal nako sa taong pinaka mamahal ko magiging masaya na ang buhay ko.

Pero bakit hanggang ngayon umaasa at nanlilimos parin ako nang pag mamahal niya? Five months, limang buwan na ang nakalipas pero heto parin ako nag mamakaawa na mabigyan man lang kahit konting pag mamahal mula sa kanya.

Alam ko naman e, alam ko naman na nung pumasok ako sa mundo niya ay may ibang taong nagmamay-ari sa kanya. May ibang taong na nagmamay-ari nang puso niya.

Pero heto akong si tanga, nagpumilit na pumasok sa mundo niya at pilit na sinisiksik ang sarili. Kahit alam ko naman na kahit anong gawin ko ay wala akong magiging parte sa buhay niya.

Masama ba? Masama bang mag mahal nang sobra? Masama bang pag nag mahal ka e yung tipong wala nang matitira sayo? Masama ba yun? Kase ang alam ko pag nag mahal ka, nag mahal ka lang. Hindi mo na iisipin kung masasaktan ka o hindi, kung may matitira paba sayo o wala na.

Dahil diba pag mahal mo ang isang tao, you will do everything. Anything para lang makuha mo ang atensyon at mag mamahal niya? To the point na yung pag mamahal na binibigay mo e yun din ang bagay na makakasakit sayo.

"Katherine?" Biglang nagising yung diwa ko sa pag mumuni nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Alexander?" Nag tataka kong tanong, pangalawang pag kakataon na itong nangyari na nagkikita kami nang hindi inaasahan.

Nakangiti itong lumapit sakin at umupo sa bench na inuupuan ko at tinanaw din ang magandang tanawin pero hindi ko parin inaalis ang paningin ko sa kanya. "Mahilig ka pala sa nature?" Nakangiti parin nitong sabi tsaka bahagya pa itong napapikit nang bigla humangin at nahawi ang mga ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mata niya.

"Alam mo dito ako lagi pumupunta pag may problema ako, dahil sa tuwing nakikita ko ang magandang tanawin nawawala panandalian ang mga problema ko." Nakangiting dagdag pa nito at tumingin sakin. "Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"A-ah?"

"Wala ka nanaman sa sarili haha." Bigla nalang ako nakaramdam nang hiya dahil sa sinabi niya.

"Ah ano kasi, I mean nag papahangin lang pampawala stress." Pilit na ngiti kong sabi sa kanya at mabilis kong inalis ang paningin sa kanya.

Napapikit ako at napayakap sa sarili nang humangin ulit dahilan para mapangiti ako, bata pa lang ako mahilig na ako sa nature mostly sa mga puno dahil feeling ko pag may mga problema ako sila ang natatakbuhan ko nang panandalian.

Nasa isang mataas kaming lugar ni Alexander at tanaw na tanaw mo mula sa baba ang syudad mula sa kinauupuan naming bench sa ilalim nang puno. Ganito ang gusto kong lugar, yung tahimik dahil nakakapag isip ako na kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga pinag dadaanan ko ngayon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah, pwde ka naman mag share sakin." Agad akong napatingin sa kanya nang bigla siyang nag salita at agad na bumungad sakin ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin.

"Hindi na baka mag sumbong kapa kay Kevin." Biro ko sa kanya.

"Ano tingin mo sakin bading at sumbongera?" Napatawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya.

Bigla ay gumaan ang pakiramdam ko, para bang wala akong problemang pinagdadaanan. "Hindi naman sa ganun, kasi diba bestfriend mo siya?"

"Oo bestfriend ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay mag susumbong nako sa kanya kung ano man ang sasabihin mo, pwde moko maging kaibigan."

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon