CHAPTER 18

2.7K 113 24
                                    

Katherine's POV

Sa mga oras na ito ay walang sinuman ang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon, parang pinipiga ang puso ko hanggang sa huminto ito sa pag tibok. Nanginginig ang buong katawan ko at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang matinding sakit sa dibdib ko.

Dahil alam ko sa sarili ko na walang sinuman ang makakapag tanggal nang sakit nang nararamdaman ko ngayon kundi si Kevin, tanga na kung tanga pero iyon ang totoo. Siya lang ang bukod tanging makakapawi nito dahil siya lang din ang naging dahilan kaya ko nararamdaman ito ngayon.

Nagising ang diwa ko nang ilapag ni Mommy ang slice nang cake at juice sa harap ko, andito ako ngayon sa hapag kainan sa kusina nang masyon namin. Tumunghay naman ako at pilit na ngumiti kay Mommy. "Wala po Mommy, gusto ko lang muna mag bakasyon dito sa mansyon para mas makasama ko kayo ni Daddy. Miss na miss ko na po kasi kayo." Pag sisinungaling ko sabay tingin sa slice nang cake na nasa harap ko para maiwasan ko ang mapagtanong nilang tingin.

"E bakit ganyan ang itsura mo anak? Mukhang galing ka sa pag iyak ah, mukha ka ding puyat at pagod." Pagkasabi ni Mommy yun ay agad niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mang init ang dalawa kong mga mata. "Ano ba naman anak, Mommy mo ako. Galing ka sa sinapupunan ko, magkadugtong ang pusod nating dalawa kaya alam ko kung okay ka ba talaga o hindi." Pilit kong pinigilan ang pag patak nang luha ko, siguro nga na kaya kong mag tago nang nararamdaman ko sa iba pero hindi sa Mommy ko. Hindi sa babaeng nag luwal at nag bigay nang buhay sa akin.

Naluluha akong tumunghay at tumingin kay Mommy, gustong gusto kong sabihin sa kanila ang totoong pinagdadaanan ko ngayon pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mas lalong lumala ang sitwasyon, mahal ko padin si Kevin at kahit na ganito ang ginawa niya sakin ayaw ko parin na mapahamak siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, diko na napigilan pa ang mga luhang gusto nang kumawala sa mata ko dahilan para maluha ako sa harap nang aking ina. Dahan dahan kong naramdaman ang mga palad ni Mommy sa pingi ko na siyang naging dahilan para gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, ang mga yapos mo lang pala Mommy ang magpapagaan nang loob ko sa mga oras na ito.

"Ano ba talaga ang problema mo anak? Kung bakit hindi mo sasabihin sakin kung ano man yang pinag dadaanan mo, sino nalang ang tutulong sayo kung ganun? Sino nalang ang masasandalan mo pag down na down kana? Sino nalang ang mag papalakas nang loob mo pag hinang hina kana? Sabihin mo nga ang totoo sa akin nag away na kayo ni Kevin? Nag away ba kayo nang asawa mo?" Tanong ni Mommy sakin dahilan para bahagya akong matigilan.

Marahan naman akong umiling sa sinabi ni Mommy sakin. Bakit ganun? Bakit kahit anong katarantaduhan ang ginawa mo sakin Kevin hindi ko parin kayang ipahamak ka? Bakit sa kabila nang lahat na naranasan ko sa piling mo ay diko padin kayang talikuran ka? Tanginang pag mamahal to, nakaka gago na.

"Hindi po kami nag away ni Kevin, wag niyo nalang po ako intindihin Mommy baka miss na miss ko lang kayo kaya ako nag kakaganito." Mahinahong bigkas ko kay Mommy, alam kong hindi kombinsido si Mommy sa salitang binitawan ko.

"Mommy, puwede po bang dito muna ako sa mansyon? Miss ko na kasi kayo ni Daddy e, gusto ko muna kayong makasama tsaka miss ko na din itong mansyon. Miss ko na kung saan ako lumaki." Totoo na miss ko na sila at na miss ko na din itong bahay na kinalakihan ko kaso hindi talaga yun ang totoong dahilan kung bakit ako mag stay dito sa mansyon. Alam ko at ramdam ko na kinukutuban na si Mommy sa mga kinikilos ko pero hindi lang sila nag sasalita.

Agad na sumilay ang ngiti sa mukha ni Mommy, grabe ganun naba katagal na diko sila nabisita kaya ganun nalang kaganda sa paningin ko ang ngiting iyon ni Mommy? "Ano kaba anak, syempre oo naman. Hindi mo na kailangan mag paalam pa, bukas ang mansyong ito para sayo anak." Napangiti nalang ako dahil sa narinig ko, dahilan para gumaan ang loob ko. Meron pa pala akong bahay na mauuwian sa kabila nang hindi magandang nangyare sa amin dati.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon