~*~*~*~
NATALIE'S POV
" Tumigil ka na kaya sa pag iyak mo. Pwede mo namang bisitahin si Lola sa farm eh. Kung maka iyak ka kala mo di na kayo mag kikitang muli. " pag papa tahimik niya sa akin. Nag mamanahe siya pabalik sa manila, at mula pa kanina di matigil ang pag iyak ko.
Nung nag pa alam ako kay Lola Juanita kanina ay halos di ko ituloy at manatili na lang duon. Sa isang buong linggong pananatili ko duon ay sobra sobrang pag aalaga ang ibinigay nito sa akin. Masarap kasama ang matanda kaya nalulungkot ako ng mag paalam ako.
" Huhuhu. Hindi mo nararamdaman ang pakiramdam ko kaya pwede ba. Mag maneho ka na lang! " inis na sabi ko dito habang nag pupunas ng luha. Tinawanan lang ako nito.
" Siguro naman sa ilang araw mong bakasyon, ayos ka na."
Nilingon ko ito at ngumiti nang tipid.
Ilang oras pa ang itinagal namin sa byahe at inabot na kami ng gabi bago namin narating ang tinitirhan namin. Sakay nang elevator ay panay ang tukso nito sa akin.
" That's true Princess . I'm not joking. You snore like a bull. Sa lakas mong humilik dinig hanggang sa kwarto ko. " napangiti ako sa itinawag sa akin nito. Mula nang mag kwento ako rito na unica hija ako ay Princess na ang itinawag nito sa akin. Nabanggit ko din sa kanya na ang mga magulang ko ang may hawak ng isa sa malalaking hotel dito sa pilipinas. Kaya nung malaman niya ay Prinsesa na daw ang ituturing nito sa akin. Baka daw mabalatuhan ko ng yaman namin. Natatawa na lang ako sa pag bibiro nito, If I know. Hindi ito papahuli kung yaman lang din ang pag uusapan.
" Manahimik kang lalaki ka. Alam kong hindi ako humihilik pag tulog. " sabi ko sa kanya habang matalim akong naka tingin sa kanya.
" Pano mo nasabi? Nakita mo ba ang sarili mo habang natutulog? " asar pa rin nito at binuntutan pa ng tawa. Nag kunwari akong naiinis na tumalikod sa kaniya. Natatawa namang ginulo niya ang buhok ko.
Nang tumunog ang elevator hudyat na narating na namin ang palapag namin ay sabay kaming humakbang palabas. May nakasalubong pa kaming mga kababaihan na malagkit ang tingin sa katabi ko habang parang bulate na inasinan sa kilig. Nang lingunin ko ang huli ay naka ngiti ito na malamang ay nakita kung pano maging bulate ang mga babaeng dumaan dahil sa kanya.
" At talagang natutuwa ka pa sa attention na binigay nila sayo ha.? " naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Binalingan ako nito ng naka ngisi.
" Bakit nag seselos ka? "
Siniko ko ito sa sikmura pero tumatawang inakbayan ako nito. Nang ibaling ko ang paningin ko sa labas ng unit ko ay napatigil ako sa pag hakbang.
Oh god.
Bumilis ang pintig nang puso ko sa sobrang kaba. Mag iisang bwan mula nung huli ko siyang nakita at ngayon. Heto siya't nakatayo sa harap ng pinto ng unit ko.
Napansin ata ni Kristoff ang pag tigil ko at napalingon sa tinitignan ko. I suddenly felt dizzy dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.
" Hey, you're okay? " tanong ng huli sa akin. Naramdaman siguro niya ang kaba ko kaya mas humigpit pa ang kapit nito sa akin. " Act normal princess . Don't get affected by his presence. Let's go. " iginaya niya ako pahakbang palapit sa pintuan ng unit ko.
Niggel glance at Kristoff's arm in my shoulder before look up to me. Nang nasa harapan na kami nito ay nilakasan ko ang loob ko at tinanong ito.
BINABASA MO ANG
In Love With Him
Ficción GeneralNaranasan mo n bang mag mahal? ang maging tanga sa pag mamahal?? Eh ang baguhin ang sarili sa taong mahal nya pero rejected parin?? Well kung ganon, maiintindihan mo si Natalie, so, start reading.. And enjoy :))