Fourty-seven

6 1 0
                                    

~*~*~*

  Natalie's POV

         Magkahawak ang kamay na nakarating kami sa tapat ng pinto ng condo unit ko. Mula nung umalis kami sa bahay nito ay hawak-hawak na niya ang kamay ko at ayaw bitawan.

       " Siguro naman pwede mo ng bitawan ang kamay ko? " sabi ko dito.

       " Nah. Ako na ang mag mag bubukas. Tell me the code. " anito at lumapit sa pinto.
    
       " Ako na—"

       " Yung ibang lalaki alam ang passcode mo. Tapos sakin ayaw mong sabihin? " putol nito sa sasabihin ko. Nilapitan ko ito at ako ang ng press ng code. Alam ko namang naka masid siya sa ginagawa ko. Nang tumunog ito at tumingin ako sa kanya.

        " 64435? Is that a random number?" nag tatakang tanong nito.

       " It's your name." Sabi ko bago itulak ang pinto. Ngunit natigila ako ng makita kung sino ang nakatayo sa salas.

        " Saan ka nang galing? " tanong ng walang emosyong mukha ni Kristoff. Napabaling naman ito sa likuran ko ng pumasok din si Niggel.

      Oh my god. I'm doomed.

       " Marami kang dapat ipaliwanag sa akin Princess. " alam kong naiinis na ito sa akin lalo na't nag lakad ito palapit sa akin at hawakan ako nito sa braso at hilain palabas. Pero may humawak sa kamay nitong naka hawak sa kamay ko.

       " Let go of her hand. " malamig na boses na sabi ni Niggel. Pero hinawi lang ni Kristoff ang kamay nito.

      " Wala kang karapatang utusan ako. " walang emosyong turan ni Kristoff dito. I can feel the tension building between them.

      " Wala akong pakielam sayo. Bitawan mo lang ang kamay ni Natalie. " sabi ni Niggel na ikinangisi lang Kristoff.

       " Now you're playing hero for her. After what you did to her? Wala kang karapatan para sabihin sa akin yan. "

        " You don't own her. And I won't let you. So take your fucking hand off her before I broke every single bones in that hand of yours. She. Is. Mine. " matigas na saad ni Niggel. Hinawakan ko si Kristoff sa kamay para patigilin na din ito.

      " Kristoff—" hindi ko pa natatapos and sasabihin ko ng mag salita ito.

      " So you do. You don't own her. And do you think i will let you hurt me without a fight? After you played her like a fool ngayon uutusan mo kong wag hawakan siya? Pagka tapos mo siyang saktan? Alam mo ba ang pinag daanan niya sayo? Her pain? Her insecurities? Her self-doubt? Alam mo ba kung ilang araw at kung gano kadaming luha ang nilabas ng mga mata niya dahil sayo? Bago mo siya angkinin. Tanungin mo muna ang sarili mo kung karapat-dapat ka pa ba para sa kanya. " Mahabang saad ni Kristoff. Nakita ko naman ang pagka bakas ng sakit sa mukha ni Niggel.

   Hinila na ako ni Kristoff palabas.

     " Wait here. I'll be back. " saad ko dito at nagpa hila na kay Kristoff. Pinapasok ako nito sa unit nito bago ako binitawan.

   

    " Explain yourself Princess. Because as much as possible, ayokong mainis sayo kaya magpaliwanag ka kung bakit ka nawala kagabi at ngayon ka lang naka uwi. At kung bakit ganyan ang suot mo. " naka-pameywang na saad nito habang naka kunot ang nuo.

     " N-nasa club sya kagabi. Dun sa pinuntahan natin. D-duon niya a-ako nakita. " yun lang ang nasabi ko habang naka tungo.

     " Bakit ka naman sumama sa kanya? Princess. Natatandaan mo pa bang halos mabaliw ka na sa kakaiyak dahil sa taong yun? Bakit nandito ka na naman sa point na iiyak ka at magpapaka tanga ka? " bakas sa boses nito ang pag aalala.

     I can't blame him. He saw me in my worse state.

      " Siguro nga. Siguro nga tanga ako. Na madali akong bumigay sa kanya. Na hindi na ako nadala. " sabi ko bago nang angat ng tingin at tumingin dito.
     " Pero diba sa pag-ibig di mo mapigilang hindi mag paka tanga? Kahit gano na kasakit. Kahit nahihirapan ka na, kahit sinabi mong tama na. Kahit ayaw mo na. Titibok at titibok pa din ang puso mo dahil nag mamahal ka. " hindi ko na napigilan ang emosyong gustong kumawala sa loob ko. Nag uunahang pumatak ang luha ko.

    " Hindi masamang magpaka tanga dahil nag mahal ka. Pero Princess. Pagiging martir na ang ginagawa mo. "

     " I can't help it. You saw my pain and suffering. Do you think I would gladly want that again? No. This organ inside me. Patuloy pa rin ang pag tibok para sa kanya. At sumasakit pag pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko para sa kanya. I really want to stop the pain. Gusto kong pigilan ito para hindi na bumalik, pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para kay Niggel. And everytime i try, it pains me even more. " patuloy pa din ako ang pag luha ko. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Marahan nitong hinaplos ang buhok ko.

    " Sshh. Princess, don't cry. I'm sorry dahil hindi kita maintindihan sa nararamdaman mo.. Hindi ko na pipiliting pigilan ka na mahalin siya. Pero please Princess. don't forget to love yourself too. At king mas matimbang na ang sakit na nararamdaman mo kesa sa sayang dinudulot nito sayo. Then stop. You deserve better more than anything else. "

     Si Kristoff lang ang may kayang paiyakin ako at the same time ay patigilin ako sa pag luha. Dahil bukod kay Meisha. Ito lang ang taong pilit inaalam ang nararamdaman ko. And I'm very lucky to have someone like him in my life.

 

     Nang mapatahan ako nito ay pinabalik na ako nito sa sarili kong unit. Baka daw kasi mag wala na ang lalaking naiwan ko duon,

    At sa takbo ng utak nito ay iisipin na nito na may namamagitan samin ng bestfriend ko. Masyadong mahalay ang utak nun. Dapat siguro linisin ko.

     I enter my code at binuksan ang pinto pero nagulat ako nung tumayo mula sa pagkaka upo sa sofa at malalaking hakbang na lumapit sakin bago ako niyakap ng mahigpit.

    Napatulala ako sa ginawa nito.

   What's got into him??

    Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang bahagyang pag-nginig ng balikat nito at pamamasa ng damit ko habang nakayakap pa din ito sa akin.

      " H-hey. A-are you alright? May nangyari ba?? " tanong ko dito.

      " I'm sorry. " sagot nito. " I'm sorry for putting you in so much pain. I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for being an asshole. I'm sorry. I know hindi sapat ang sorry para maalis ang lahat ng sakit na pinag daanan mo dahil sa akin. But please, hayaan mo akong bumawi. Please let me make it right. Gagawin ko ang lahat para maging karapat-dapat muli sayo, please give me a chance again. Please don't push me away. " sabi nito. Bahagya itong lumayo sa akin, at duon ko lang nakumpirma na umiiyak nga ito dahil sa luhang dumadaloy parin mula sa mga mata nito.

      " Please. Let me love you. "

*** END OF CHAPTER***

      

     

       

        

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon