🌈 Chapter One 🌈

1.1K 36 9
                                    

MULA sa veranda ng kuwarto niya ay nakatunghay si Lola Seling sa bakuran. Tanaw mula roon ang gazebo kung saan nandoon ang kaisa-isang apo niyang si Borj. Maaga pa pero abala na ito sa pagtipa sa laptop nito.

He was so hard at work it seemed he hardly noticed his surroundings, or anything else for that matter. Kahit siguro may hubad na babaeng dumaan sa harap nito, kahit sexy at flawless pa iyon, ay hindi man lang nito aalisin ang tingin sa computer.

She couldn't help but worry. Ilang taon na ba ang apo niya? He was thirty going on thirty-one.

Mukha namang malayo pa itong mapanot o lumaki ang tiyan pero sa itinatakbo ng buhay nito, parang nakikinita na niya kung saan patungo iyon. At kung hindi ito magbabago ng direksiyon, malamang ay tumandang binata ito.

Iyon ang ayaw niyang mangyari.

Mahirap tumanda nang nag-iisa. There was all this hullabaloo about feeling complete, contented, and fulfilled even without partner in life but in the end, she still thought it was best to have someone to hold hands with, especially during one's golden years.

Mabuti sana kung may mga kapatid o pamangkin man lang ang apo niya para makaagapay nito sa pagdating ng dapit-hapon ng buhay nito, pero wala. Ang iilang mga kamag-anak nila ay may kanya-kanyang buhay na rin at kahit medyo close ang mga iyon sa kanila, hindi si Borj ang tipo ng taong madaling makalapitang-loob.

He was an artist through and through. At katulad ng isang tipikal na artist, may ugali ito na mahirap ispelingin. Fine Arts ang kinuha nito sa kolehiyo at dahil na rin sa husay nito, bago pa man ito maka-graduate ay may pinagkakakitaan na ito. Nang matapos ito ng college ay isang malaking advertising agency ang pinasukan nito. At habang may regular na trabaho ito ay marami rin itong sidelines, mga commissioned works na binabayaran nang mahal ng mga nagpapagawa rito.

Pero bago pa man tuluyang umangat ang karera nito ay nasangkot ito sa isang freak accident. The accident left him with scars, both physically and emotionally.

Isang malaking pilat sa mukha ang iniwan niyon dito. Noong una ay masagwa ang hitsura ng pilat, halos magmukha nang halimaw si Borj. Kinailangang sumailalim nito sa ilang operasyon bago maging halos normal na uli ang hitsura nito.

Napailing siya nang maalala ang emosyonal na pilat na nilikha ng aksidente sa pagkatao ng apo niya. An event as traumatic as the one he had experienced was bound to have a profound effect on him. Pero ang isa sa pinakamalaking dagok siguro ay ang paghihiwalay nito at ng kasintahan nitong si Beatriz. How that must have hurt her grandson although he tried his best not to show it.

Naka-recover naman ito. Pero kung dati ay mahilig na itong mapag-isa, lalo pang lumala iyon. Kung dati ay may kulay kahit paano ang love life nito, ngayon ay walang-wala. At iyon ang ikinakatakot niya.

Normal lang siguro na mag-alala siya. Ayaw niyang iwan ang kanyang apo na wala siyang nakikitang makakatuwang nito sa buhay at makakasama sa pagtanda. He had lots of money, fine. Makakatulong iyon ng malaki para magkaroon ito ng komportableng buhay hanggang sa pagtanda nito, pero hindi iyon sapat. Alam niya iyon dahil siya nga na may kasamang apo ay may mga panahong ramdam na ramdam ang pag-iisa, paano pa si Borj kung tatanda itong mag-isa?

That won't happen. Not if I can help it. Buo ang determinasyon niyang gawin iyon. But then again, what could an old woman do? Ilang babae na ang sinubukan niyang ipakilala rito, mga apo o kakilala ng mga kaibigan niya. Ni isa sa mga iyon ay hindi pinansin ng kanyang apo. Para talagang buo na sa loob nito na huwag nang magmahal uli.

It was such a pity. Magmula nang tumuntong sa edad na beinte-otso ang apo niya ay naging krusada na niyang subukan itong ihanap ng kapareha. Ang problema ay ayaw nitong makipag-cooperate. Gayunman, kung nagawa niyang patakbuhin ang kompanyang iniwan sa kanya ng kanyang esposo pagkatapos nitong mamatay nang maaga sa sakit sa puso, makakaya rin niya sigurong tiyakin na maiiwan niyang nasa mabuting kalagayan ang nag-iisang apo niya.

Color My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon