🌈Chapter Seven🌈

362 31 5
                                    

MASAMA ang gising ni Roni. Halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi. Magdamag na pabiling-biling lang siya sa kama at nahirapang humagilap ng antok.

Something strange seemed to have happened to her. Para siyang tinamaan ng kakaibang uri ng virus. Kung hindi ba naman ay bakit parang si Borj ang nais niyang makita. Daig pa niya ang naglilihi sa pagnanais niyang masilayan ito ng kanyang mga mata.

Hindi naman siguro sasabihing "you changed my life in a moment" ang drama niya, but something changed in her in one moment. Napakabilis niyon, at hindi inaasahan, katulad ng pagtama ng kidlat.

Binalikan niya sa isip ang unang pagkakataong nagtagpo sila ni Borj at parang kiniliti siya na hindi niya mawari. Parang kay sarap isipin na dinala siya roon ng tadhana dahil may magandang pangyayaring nakatakdang maganap sa buhay niya.

Mangarap ba?

Masyado yatang malabong mangyari iyon.

Bumangon na lang siya.

Tahimik na lumabas siya ng kuwarto. Kapag ganoong oras ay madalas na nasa gazebo si Borj. Bumilis ang tibok ng puso niya sa ideyang masisilayan niya ito, at lalo pang naging mabilis ang pagsasal ng dibdib niya nang matanaw niyang nandoon nga ang lalaki.

Nagtimpla siya ng kape. Sinamahan niya iyon ng buttered bread na binili niya sa isang bakeshop at ininit sa microwave. Dinala niya ang mga iyon kay Borj.

"C-coffee, o," sabi niya rito bago inilapag ang tray sa mesa. Mahirap na. Baka magulat na naman ito at maligo uli siya ng mainit na kape.

He looked daze when  he turned to look at her. Parang hindi agad tumagos sa isip nito kung ano ang sinabi niya.

"Magkape ka muna." Inginuso niya ang dinala niya rito.

"Salamat," parang sabik na sabik na inabot nito  ang tasa saka humigop doon. "Ikaw?" tanong nito kapagkuwan.

"M-mamaya na. S-sige, maiwan na muna kita." Sira! Bakit ka aalis? Di ba, dapat ay tsikahin mo siya? protesta ng isang bahagi ng isip niya.

Pero parang hindi niya kayang magtagal sa harap nito. Nangingimi siya na hindi niya maipaliwanag.

"P-please join me," yaya nito.

"Ako? Join you?" Hindi yata siya makapaniwala.

"May mali ba roon?"

"W-wala naman. Nakakagulat lang. Sige, w-wait lang. Kukuha lang ako ng kape ko."

Pagbalik niya ay abala na ito sa pagguhit sa isang device na nakakabit sa PC nito. Ilang beses na niyang napansin na ginagamit nito iyon at ngayong nakalapit siya rito, natuklasan niyang anumang iguhit nito roon gamit ang pen na nakakabit din doon ay siyang lumalabas sa monitor.

Once more she couldn't help but be amazed by what he was doing. Mukhang mahusay na artist nga ito dahil ang bilis nitong nakaguhit ng eksena ng kalikasan. Nang mapansin nitong nandoon na siya ay nag-save muna ito ng ginagawa, saka inabot uli ang tasa ng kape.

"Wish ko lang marunong akong mag-drawing," wika niya. "Pero kahit bilog yata, eh, hindi ko pa kayang gawin."

"Oh, you can do that. Try it." Iniisod nito sa kanya ang pinagguhitan nito.

"No. Thanks."

"Pinilit mo akong magsayaw, pipilitin naman kitang mag-drawing."

Pasaway! wika niya sa isip pero hindi ito ang pinatutungkulan niya kundi ang puso niyang abala sa pagsirko nang mga sandaling iyon.

"Draw here." Iniumang nito sa kanya ang pen.

Umiling siya.

"Take it." Inabot nito ang kamay niya at sapilitang inilagay roon ang pen.

Color My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon