🎨Chapter Nine🎨

354 26 3
                                    

HINDI SA GAZEBO nagtrabaho si Borj nang gabing iyon kundi sa library. He was surprised he was even able to get some work done.

Magulo ang isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang ikinilos niya kanina. He acted on impulse and he wanted to regret it.

Pero bakit niya pagsisisihan  ang isang bagay na nagdulot sa kanya ng kasiyahan?

Napapikit siya nang maalala niya kung paanong nahimok siyang halikan sa mga labi si Roni. The feeling came out of nowhere and yet when he gave in to it, he felt a certain rightness to what was happening. Saglit lang ang halik na pinagsaluhan nila pero malalim na emosyon ang binuhay niyon sa kanyang kalooban.

Sa kabila ng kalituhan niya, may isang bagay na unti-unting nagiging klaro sa kanya. Nagsisimula na siyang matuwa na nakatira sa bahay nila si Roni.

Mukhang malabong makapagtrabaho siya nang mabuti sa gabing iyon kaya ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang ilang paperworks. Inilabas niya ang ilang folders para ayusin sa pagkaka-file ng mga papeles na nakasiksik sa mga iyon.

Madaling araw na nang hawakan uli niya ang media tablet, at pagkatapos ng mabilisang pagguhit ay lumabas sa screen ang anyo ni Roni. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya iyon binura. Instead, he saved the file and with a smile, turned off the computer and went to bed.

He felt so light inside. Para bang nahanginan at naarawan ang kalooban niyang dati ay kulob at inaamag. And it seemed he was looking forward to mornings when he would see Roni and be able to speak with her again.

What a silly thought!

Sa pakiwari niya ay noon siya nagsimulang may maramdamang pagbabago sa kanyang kalooban. It was as if after a long, dark night, he was starting to see the first glimmer of light at the breaking of dawn.





PAGDILAT pa lang ni Borj kinaumagahan ay para bang gusto na niyang umalis ng kama. There were some days when waking up was an effort, pero sa nagdaang mga araw ay hindi pa siya nakakaranas uli ng pakiramdam na parang ayaw niyang bumangon.

A surge of excitement for the day ahead coursed through his veins the instant he opened his eyes. At kung dati ay bihira niyang makasalo sa agahan ang lola niya, ngayon ay halos araw-araw silang sabay mag-agahan.

"Maganda pala sa iyo ang nag-aagahan. Gumaganda ang kulay mo," puna ni Lola Seling sa kanya habang kumakain sila.

"Bakit? Ano ba ang kulay ko dati? Violet?" tugon niya.

"And you're even starting to become a comedian," anito.

"Maganda lang ang gising ko, La, I mean, the sun is shining, the birds are singing, and the wind is blowing." Habang sinasabi iyon ay tinapunan niya ng makahulugang tingin si Roni. Palagi itong sumasabay sa pagkain sa lola niya at isang rason yata kung bakit nahihimok siyang sabayan ang mga ito dahil dito.

Napangiti ito. Mukhang naalala nito kung kailan nito sinabi ang mga katagang iyon.

"Hindi dapat ite-take for granted, hindi ba?" aniya na dito nakatingin.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon naman nito. "What if it stops happening?"

Natawa siya. Tandang-tanda niya ang hitsura nito noong nakikipagtalo ito sa kanya tungkol sa mga bagay na iyon. He realized she was trying to be nice. Napaka-friendly nito na para bang hindi ito makatiis na may hindi namamansin dito. At natutuwa siya na nagpumilit ito sa ginagawa. Kahit ang lola niya ay ang laki na ng isinigla. Hindi na ito kagaya ng dati na parating bumubuntong-hininga. It was all because of Roni.

Hindi agad niya inalis ang tingin dito katulad ng balak niya. Napakabukas ng mukha nito at bakas doon ang enthusiasm kaya napakaaliwalas pagmasdan ito. Whatever the reason, he found himself unable to tear his gaze away.

Color My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon