🍭Chapter Eleven🍭

352 30 6
                                    

NAGMAMADALI si Borj. Natapos na niya ang revision na ipinagawa sa kanya ng isang kliyente. Nagkaroon kasi ng kaunting adjustment sa story line ng commercial na nangangailangan ng digital animation kaya may kinailangan siyang ayusin. Maliit na adjustment lang iyon pero mabusising gawin kaya medyo natagalan siya. Doon sa lobby ng opisina ng kliyente niya ginawa ang trabaho. Mas madali niyang maipapakita iyon sa kausap niya at madali rin niyang malalaman kung may kailangan pa siyang baguhin.

Habang nagtatrabaho siya ay ilang ulit pa siyang na-interupt sanhi ng pag-ring ng cell phone niya. Dahil sa pag-iiba sa schedule niya ay nagkaroon din ng kaunting pag-iiba sa plano niya.

Hustong nai-save na niya ang ginagawa nang may magsalita.

"Hi..."

Nang mag-angat siya ng tingin, saglit na napatulala siya. Halos hindi niya makilala ang nakatayo sa harap niya. Napatayo siya bigla.

"Don't tell me you don't recognize me?" anito.

"Actually, I almost didn't," pag-amin niya. "You've grown lovelier than I remember, Bea." May mga litrato itong ipinadala sa kanya sa e-mail pagkatapos ng matagal-tagal na rin nilang palitan ng mga mensahe pero iba pa rin ang personal na makaharap ito.

"You don't look bad yourself," ganti nito. "Oh, Borj, I can't tell you how glad I am to see you again." Kasunod niyon ay niyakap siya nito.

"Really?" Parang ayaw niyang maniwala.

"Yes, really. Just like I can't tell you how sorry I am for what I did. My only excuse is I was young and stupid. But then again, that's still no excuse for leaving you just when you need me the most. That's why I told you I'd do anything to make it up to you."

Hinagod niya ang buhok nito. Iyon din ang ilang ulit na sinabi nito sa mga e-mails na ipinadala nito sa kanya. Naalala niya kung kailan siya unang nakatanggap ng e-mail galing dito. He was so mad at that time. Katutuklas lang niya na pinagkutsabahan pala siya ng lola niya at ni Roni. Laking gulat niya nang pagbukas niya ng e-mail account niya ay makita niyang may mensaheng galing dito. Nag-atubili siya kung bubuksan niya iyon. Did he even want to hear from the woman who hurt him badly in the past? Nanaig ang kuryosidad niya kaya naisip niyang basahin ang mensahe.

Ni hindi na siya nagulat na nakuha nito ang email address niya. Sa panahon ngayon, walang kahirap-hirap makuha ang e-mail address ng isang tao, lalo na kung hindi naman inililihim iyon.

They had been exchanging e-mails ever since. And now, she was finally standing before him. Galing ito ng States kung saan matagal na itong namimirmihan kaya noon lang uli sila magkikita pagkatapos ng mahabang panahon.

"Sorry uli, ha," anito.

"That was a long time ago. What's important is the here and now," aniya. And he meant it.

"I guess you're right," pagsang-ayon nito.

"Sorry kung hindi na kita nasundo. I had to finish something," sabi niya rito. "I'll just make sure my work is really done and then we can go."

Magre-retouch lang daw muna ng makeup si Bea. Nagpunta ito sa restroom samantalang siya ay umakyat uli sa opisina ng kliyente niya para tiyaking aprubado na rito ang mga pagbabagong ginawa niya.

Naghihintay na sa kanya si Bea pagbaba niya. She reached out a hand to him and he took it. Magkahawak-kamay na naglakad sila palabas ng gusali.





PARANG umigkas ang puso ni Roni mula sa kinalalagyan niyon nang marinig ang ugong ng isang dumating na sasakyan. Si Borj na iyon, sigurado siya. Hayun nga at bumusina na ito. Kanina pa niya hinihintay ang lalaki pero ngayong dumating na ito, para naman siyang kinabahan na hindi mawari.

Color My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon