🌈Chapter Thirteen - FINALE🌈

592 42 10
                                    

THINK POSITIVE - iyon ang iginigiit ni Roni sa sarili niya.

Magsisimula na naman siya sa pakikibaka sa paghahanap ng mapapasukan. Pero sa pagkakataong iyon, may partida naman siya kahit paano kaya dapat lang na maging positibo ang pananaw niya. Iyon ay sa kabila ng pakiramdam niya na parang ang hirap-hirap bumangon man lang sa umaga. Hanggang sa panahong iyon ay naaalala pa rin niya si Borj. Pero umaasa siya na sa pagdaan ng mga araw ay unti-unting mababawasan ang pangungulila niya rito. Iyon lang naman ang puwede niyang gawin, ang gawin ang lahat para makalimutan na niya ito.

Habang naglalakad siya papunta sa gusaling kinaroroonan ng tanggapang pag-a-apply-an niya ay inusisa uli niya ang laman ng envelope na pinaglagyan niya ng mga dokumentong hinihingi sa kanya. Gusto niyang makatiyak na kumpleto nga talaga iyon bago siya humarap sa taong kausap niya.

Dahil abala sa pagbusisi sa laman ng envelope ay hindi niya masyadong napansin ang dinadaanan niya. Napabulalas siya nang may nabangga siya, dahilan para malaglag ang envelope na dala niya.

Naunahan siyang pulutin niyon ng nakabanggaan niya. At nang dumiretso ito sa pagkakatayo, parang nawala lahat ng hangin sa mga baga niya.

"I-ikaw pala." Todo ang effort niya para panatilihing patag ang tinig niya.

"Yeah, it's me all right."

"Ano ang ginagawa mo rito? May pakay ka rin ba sa kakilala ni Lola Seling?" kaswal na tanong niya.

"Actually, I was hoping to intercept you before you get accepted to that job you're applying to."

"Ha? B-bakit?"

"I have a better offer. May bakanteng posisyon sa bahay ko. Maybe you could fill it."

Napatanga siya rito. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Wala akong balak maging yaya ng magiging anak n'yo ng girlfriend mo." Iyon ang una niyang naisip na posisyong tinutukoy nito.

"Eh, ang maging ina ng magiging anak ko, payag ka?"

"Ano ba'ng kalokohan ito?" bulalas niya.

"Hindi ito kalokohan. It's a genuine offer, one I was hoping with all my heart you would accept."

"Bakit naman ako ang aalukin mo niyan? Hindi ba't may Beatriz ka na? Sabi mo, sigurado ka na magiging masaya kayo." Nag-init ang gilid ng mga mata niya nang maalala ang tagpong iyon.

"I said and did a lot of stupid things based on a wrong assumption. Pero huli man daw at magaling ay naihahabol din. Kaya heto ako, humahabol sa iyo at nagbabaka sakaling hindi mali ang akala ko at hindi pa huli ang lahat."

"Nalilito ako sa mga pinagsasabi mo, Borj," reklamo niya.

"Okay, I'll go straight to the point. I love you, Roni." pahayag nito.

"Lokohin mo ang lelang mo," bulalas niya.

"Actually, inakala ko na ang lelang ko ang gustong manloko sa akin, at nakipagkutsabahan ka sa kanya. That's why I freaked out and came up with a stupid plan of my own to salvage my pride. Gusto ko ring makaganti sa 'yo kahit paano kaya... Well, kaya ibinigay ko ang impresyon na kami na uli ni Bea. Pinlano kong paasahin ka, pagkatapos ay isasampal sa mukha mo na wala kang aasahan. Pero hindi rin naman ako natuwa kahit nagawa ko ang binalak ko. That's because after all is said and done, I felt so empty inside. My life is empty without you. Finally I realized what my grandmother was trying to tell me all along, that life is better when it's shared with a special person. Ikaw ang special person na iyon."

"Kasama pa rin ba ito sa plano mong pagganti sa akin? May part two o plan B ba iyon?" usal niya.

Napamaang ito sa kanya. Halatang nagulat ito.

Color My WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon